Sunday, April 25, 2004

This seat is reserved


Dear Mouse,

Nakita ko kay Resty at kay Dean Jorge Bocobo minsan na may nakalagay silang reserved sa kanilang page.

Gagayahin ko rin. Kasi mainit ngayon sobra. Parang natutunaw yong utak ko sa init. Hindi tuloy ako makapagsulat. Anong ginagawa ko ngayon? Di nagtatype. Iba ang sulat sa type 'noh. (Kung kukurot sa kabilang pisngi para pantay ). Sinabayan pa noong kasama kong Mapusyaw ang kulay ng suot ng shorts , eh may tattoo naman sa binti. Tapos hinarap sa kaniya yong electric fan. Sabi ko nga Resty, ako ay lahing bughaw. Nagiging bughaw ako sa pagpigil ng paghinga.

Kaya mamaya na ako susulat o kaya bukas ng madaling araw para medyo malamig.

Sa Estet ang tanong, is this seat taken...pag nilagyan mo ng reserved. Sus perdegones. Hindi naman
nakuha eh. Nakareserba lang.

Sa Pilipinas naman ang tanong saiyo. May nakaupo ba? Ang sagot, meron, invisible man. Sus perdegones, alam ng wala ng nakaupo kung hindi yong bag magtatanong pa. Pag ako nakakita nang may nakapatong na bag o anumang bagay para ireserba ang upuan, ang kakausapin ko yong bag mismo. Makikusap ako na usog nga.

So this page is reserved. Kaya may nakasulat. Ano ang pinagrereserbahan kong topic. Ewan ko ba, ano nga ba?
The CA t

0 Comments:

Post a Comment

<< Home