Milan
Dear Mouse, Tumawag ang aking kuyakoy. Nagpapakuha ng ticket papunta ng Milan. Bakasyon niya. Sabi ko M-ilang araw ? Hindi ako travel agency. Ganoon yon binata kasi. Sa kaniya, ako pa rin yong mas bunso. Pangatlong kapatid ko na siyang nagbakasyon sa Italy para makapunta sa Rome at kumustahin ang Papa. Pag-uwi ko, nakita ko ang tape ng Milan, yong pelikula ni Claudine at ni Piolo. Di pa ako nakapanood ng pelikula ng dalawang artistang ito. Ngayong taon, nanonood ulit ako ng pelikulang Tagalog. Para kasi akong tanga pag nag-usap kami ng mga kaibigan ko sa Pinas pag tinatanong ko kung sino ba yang artistang yan? Isa pa tungkol daw sa mga OFW sa Milan ang istorya. Huling nakakita ako ng ganoong pelikula ay ang lumang pelikula ni Leah Salonga na tungkol sa isang dalagang penitition ng kaniyang inang may-asawa ng iba dito sa Estet, iniwan ang kaniyang boypren na si Aga na isang marketing exec sa Pinas. Napasok na nag-aalaga ng matanda sa board and care si Leah Salonga bago ito nagkaroon ng bagong profession sa real estate. Sunod si Aga Mulach.Pumasok siyang katulong sa restaurant ng Pilipino na ang mga empleyado ay mga TNT para lang makasama si Leah na nagkaroon na rin ng admirer na Puti.Maganda ang pelikula. Magandang umarte si Leah. hindi lang talaga siya tanggap ng masa. Sandali bakit ba yong pelikulang iyon ang pinag-uusapan natin. Milan ang pelikulang pinanood ko kagabi. M-ilang beses na bang palagi akong nasasidetracked pag nagkukuwento. Sandali, nasaan na ba ako. Sino ba kayo? Ano ba ang pinag-uusapan natin. (Nadementia na naman si Cath). Hindi ako bilib sa pelikula. Hindi ko alam kong yong tape ang malabo o talagang gabi palagi nila kinukunan ang eksena dahil hindi sila mahahalatang nagshoshooting. Kung balak nilang ipakita ang hindi magandang kalagayan ng mga DH sa Italy,hindi sila masyadong successful. (arekup..opinyon ko lang yon ano).Hindi kagaya sa pelikula ni Leah kung saan ipinakita ang hirap ng maging caregiver. Pero ang relasyon ng mga may-asawa sa kapwa may asawa ay ipinakita at jinustify..dahil sa lungkot, dahil sa tulong at dahil magkasama sila isang kuwarto 'noh. Ipinakita rin nila ang eksampol ng sellout. Abugado, inhenyero at dating kolehiyalang tago ng tago para lang makatrabaho. Ang pagcross ng border para makarating sa Italy.Pero bakit sila palaging nagsisigawan? Sana matuto ang mga director nating gumamit ng mga expressions lang ng mata, ng bibig, pati tenga. Diyan nila hindi matatalo si Nora Aunor dahil siya ang may soulful eyes na kahit natutuwa ay mukha pa ring malungkot. Tingnan ninyo ang mata ko.ngeek REWIND: Unang narinig ko ito sa aking manicurista sa Pinas noon. Pumunta raw sa Europe ang kaniyang asawang na lay off sa trabaho para maghanap ng trabaho doon. Malaki ang ibinayad nila sa mga nagdadala ng Pilipino sa Europe. Nagtataka ako kung paano yon magagawa? Mga ilang buwan lang sumunod na ang aking manicurista. Ang hirap pa namang maghanap ng kasundo mong magkakalikot sa ingrown mo. Nalungkot ako. Nakipagtsismisan ako sa mga "sisters" doon sa beauty parlor. May mga kaalaman na hindi mo mababasa sa libro, o mapupulot sa aircondition mong opisina. Minsan ito ay napupulot pag nakikitsika tsika sa mga wala mang pinag-aralan ay may kaalaman sila sa kanilang lugar na ginagalawan. Ang sabi nga ni Lane Ogawa: Men here may perform poorly at tasks that we westerners might think are important, such as using a cell phone or computer, but I perform extremely poorly at important tasks here such as handling a long bolo knife to chop coconuts. Intelligence is relative to the environment. Tuloy tayo.Ayaw kong tawagin silang bakla. Let me use a politically correct term. Bading. Pangalan nila ay Sonia at Tina. (parang kapangalan ng mga senatorial candidates). Di ba Sassy? Sonia: Hoy mama, maraming mga linta na inaalok ang mga interesadong magtrabahong DH sa Europe. Kinukunan sila ng tourist visa pagkatapos pagdating doon, bahala sila sa sarili nila. Marami namang sumasalong mga Pinoys at Pinays dahil tulong din yon sa paghahati sa renta ng bahay. Ako: Magkano naman ang hinihingi ng mga lintang ito? Tina: (pinabilog muna ang bunganga at itinaas ang iginuhit na kilay)kuwarenta mil. Marami yon. Maraming guwapo na rin akong mabibili. Ahahay. (Sa kaniya ko ba nakuha yon?) Sonia: Sabi nila maganda ang buhay doon kaysa dito. Pero ang balita ko, kayod marino sila para mabayaran ang utang nila at makapagpadala dito ng pera. Ako: Kung hindi pala sa mga ganid na lintang nagsisingil ng pera, hindi sila maiinganyong pumunta doon? Tina: Ay oo mama. Alam mo naman ang mga Pinoy, pag nakitang may bagong repredyereytor ang kapitbahay dahil may padala ang asawa, kapatid, ina, anak na nagtatrabaho sa abroad, ginegyera ng babae ang asawa at mga anak na magpursigi ring maka-abroad. Sonia: Totoo yon. yong iba dahil lang sa inggit. Hoy bruha, lumabas ka diyan. Sasabunutan kita. Sigaw ng babaeng pumasok bigla sa parlor. Ako: SINOSIYA? nguso ko sa babaeng may limampung taon na at ang mukha ay tiratirahan ng mga collagen na isinaksak sa ilong at sa dibdib? Sonia: Dating asawa ni Reyna Pinyata, yong may-ari nito. Ako: Taas ang aking kilay. May asawa siyang babae? Tina: Oo naman ano. Dati siyang macho pero pagkatapos ng ilang anak, narealize niya na siya pala ay miyembro ng konfederasyon ng mga lumuluhod sa gabi hindi para magdasal. Huwag mong isnabin. Dentista dati yan. Reyna PINyata: Hoy, matandang hukluban. Bakit nagbubusa ka na naman. Hindi ka ba
0 Comments:
Post a Comment
<< Home