Si Sisa at si Basilio
Wala pang isang Linggo ay rumaragasa na naman akong pumasok sa bago kong trabaho. This time, family corporation naman ito. Anong kaibahan nito sa single proprietorship? Wala, management wise, pero taxation, nageenjoy ito ng corporate tax rate na may fixed rate samantalang ang single ay may mataas ang income, mas malaki ang tax. Kaya yong pinamamalengke, pinapasuweldo sa katulong at pati allowance ng mga anak ay kiniclaim na deductible expenses. Bakit tinitingnan pa ng mga examiner ang mga supporting receipts? Ni hindi man nila tinitingnan ang libro. Sabi nila, mag-usap tayo dahil pag wala akong nakitang mali sa libro ninyo, kakainin ko. Sa isip ko, water o soda kaya ang panulak? Akala ko nga sa Pinas lang ginagawa ito pero noong pumutok ang iskandalo sa Enron, Tyco at iba pang malalaking US companies kung saan pati birthday party ng asawa ng CEO na nagkakahalaga ng 2 million ay chinarge pa sa operating expenses, ang pagkagahaman pala ay wala sa kulay ng balat, walang puti, walang dilaw at walang kayumanggi . Itim lang ang budhi. Sige magparty kayo sa kulungan. Pero sa Pinas, wala yatang nakukulong. Meron ba? Kung meron, taas ang paa. Sandali, naliligaw na naman ako ng landas. Family corporation nga yon at ang Presidente ay yong asawang babae. Yong asawang lalaki. Bise. Bise siyang maglaro ng chess, biseng makipagharutan sa mga babaeng empleyada, bise siyang kumain sa labas na hindi kasama ang asawa. Dalawa ang negosyo nila, isang pabrika ng t-shirt at isa ang gumagawa ng malalaking makinang tagaayos ng daloy ng kuryente. Ito ay parang drum na nakasabit sa mga poste ng kuryente. Ang laman nito ay mga imported na tela na ibinababad sa isang chemical. Bulto, bulto ang pag-importa nito. Dahil sa aking kuneksiyon sa bangko at sa mga forwarders/customs brokers, naging malaking tulong ako sa kaniya. Bale kanang kamay niya ako. Sa kanan nakapuwesto yong mesa ko. Pero ako kaliwete. ---sa pagsulat—saka sa pagkain, saka sa…. Habang nakikipagnetwork sa mga tao, natututo kang makisama at makiloko. Ako: Hello, puwede bang makausap si Jose Kabilang linya: Sinong Jose? Ako: Rizal, hindi nagbibiro lang ako. Si Jose Sanchez Kabilang linya: Akala ko si Sisa ka, nagbibiro rin ako. (thought balloon ko, ayos, kenkoy din). Anong department siya? Ako: Sa Foreign Kabila: Foreign ito, pero walang Jose Sanchez. Bakit hindi mo siya hinanap, boy friend mo ba? Ako: (Alam ko naman yon). Hindi , kikidnapin ko at pasasagutin ko pa. Kabilang linya: ako na lang ang kidnapin mo? Ako: Masasagot mo ba ang tanong ko? Kabilang linya: Ano ba yon. Ako: Kasi may palalabasin akong shipment, may kailangan pa raw diyan sa banko wala pa raw yong original docs. Kabilang linya: ano ang pangalan at anong lc number. Ako: Eto…sige papakainin kita sa…pag naibigay mo sa akin asap. Kabilang linya: Magkita na lang kaya tayo? Ako: (humihirit). Okay deal, next week, in the meantime, puwede bang ipadala ko ang secretary ko para mapick up yan? Kabilang Linya: Okay, maganda ba ang secretary ? Ako: OO Sa sekretarya… Punta ka sa bangko. Hanapin mo si….Pag guwapo at nagtanong kong maganda ako, sabihin mo. Mabait siya. Pag nagtanong kung matangkad ako, sabihin mo mabait siya. Pag pangit naman siya at nagtanong kung maganda ako, sabihin mo pinaglihi ako sa ampalaya. Maliwanag. Opo ang sekretarya kahit mas matanda siya sa aking ng maraming tulog. Epektibo. Hindi na siya nagpilit makipagkita sa akin, pero tuloy pa rin ang tulong niya sa akin. Masaya raw akong kausap sa phone. Hindi boring. Lalo kung may kailangan ako. Obvious ba? Minsan ay inutusan ko yon aming messenger. May samba ang sekretarya pag Huwebes. Bumalik ang messenger. May kasunod siya. Hindi naman siya pandak, at hindi naman matangkad. Ang mukha naman niya ay nasa harapan. Hanep, galing magdamit. Maputi at may pagkasingkit. Half day daw siya. By the way, si G raw siya. Bakit di daw ako makapagsalita. Sa Phone daw ang tapang ko. Ows? Sabi ng boss kong babae, take the rest of the day off noong pinakilala ko siyang tagatulong sa akin. Kunsintidorang matanda. Puwede bang i-charge sa business entertainment expense? Pakakainin ko lang sa isang Japanese restaurant. Sabi niya hindi naman siya naniningil. Gusto lang niyang Makita si Sisa. Okay naniniwala na ako Basilio. The CA t
0 Comments:
Post a Comment
<< Home