Good Friday 1
Dear Mouse,
Biyernes Santo
Araw ng pagmumuni-muni sa Huling Pitong Wika.
UNANG WIKA
Mga sinungaling na saysay, Paglait na walang humpay, Dahilan ng pagkayubay, Sa Krus ay nakalupaypay.
Siya ay hirap na nanalangin, Puno ng awa at panimdim Boses ay paimpit nang usalin, INYO PO SANA SILA'Y PATAWARIN.
IKALAWANG WIKA
Ako po ay aba at makasalanan, Hinihiling ko po ang kapatawaran, Ito ang dasal ng isang magnanakaw, Na sana siya ay kaawaan.
Sagot naman sa kaniyang dalangin, na Patawad at pag-ibig ay kamtin, SINASABI KO SAIYO NGAYO'Y DADALHIN, SA PARAISO AKO'Y MAKAKAPILING.
IKATLONG WIKA
Sinong ina ang hindi magdurusa, paghihirap ng anak ay nakikita, Lalo't alam niyang wala siyang sala, Lumaban man sila'y walang magagawa.
Kahit naghihirap sa taas ng Krus, Nakuha pa rin niyang mang-utos, Juan, bilin ko ko saiyo nang taos, HAYAN ANG AKING INA, alagaan mo ng lubos.
IKAAPAT NA WIKA
Hirap ay walang kawangis, Dugo ay naghalo na sa pawis, Sa nanginig niyang paos na tinig, Sumigaw siya ng malakas, puno ng pait.
BAKIT MO AKO PINABAYAAN, Tanong na tila naghihinakit, Kung nanamnamin tila siya ay galit, Sa Ama ba niya o sa taong malupit?
IKALIMANG WIKA
Ang ikaapat na WIKA ay sa Ama, Sa mga tao naman ang ikalima, AKO'y NAUUHAW ang wika NIYA, Hindi sa tubig kung hindi sa kalinga.
Uhaw siya sa pag-uunawaan, Uhaw din siya sa kapayapaan, Uhaw din siya sa pagmamahalan, Uhaw din siya sa pag-iibigan.
IKAANIM NA WIKA
NAGANAP NA, ang kaniyang wika, Anuman ang kaniyang sadya sa lupa, Pahimakas niya sa kaniyang binata, Hirap na ininda ng katawang lupa.
May lungkot, nguni't may saya, Kamatayan niya ay pansamantala, Muling pagkabuhay, galak ay dala, Kaligtasan ng lahat ang kaniyang nasa.
IKAPITONG WIKA
INIHABILIN KO SAIYONG KAMAY KALULUWA KONG MAYROONG LUMBAY, Ako ay yayao na at hihimlay, Kaluluwa't katawan muling mabubuhay.
Para rin itong buhay natin, May araw na tayo ay parang patay na rin, Bagong buhay ay muling hanapin, Nakatago lang yan, inyong bulagain. ayyy
The CA t
0 Comments:
Post a Comment
<< Home