Saturday, May 29, 2004

Ang Pag-ibig namin ni Dr. Emer

Dear Mouse,

Libro!! 'Nong kala ninyo? May bagong blog si Dr. Emer (sisiguruhin ko na ang kaniyang link, baka mapunta na naman kay mlq3, hehehe). Ayon sa profile niya..pag nagbakwet daw siya, ang dala niya libro at kumot ba yon?

Reviews ng mga librong binasa niya at movies na napanood ang laman ng bago niyang web blog.Sa akin na hindi mahilig manood ng movie sa sinehan ... hinihintay ko lang sa DVD ay magandang pasakalye ito kung bibili ako o rerenta lang. Nag cocollect ako ng movies, old and new.Sanay kasi ako na may ginagawa habang nanood. Anong gagawin ko sa loob ng sine? mambugbog ng maiingay? Saka kasi dito ang sine, hindi mo mauulit. Hindi kagaya diyan na one to sawa.

Gusto ko ring magreview siya ng mga librong nababasa niya kasi tamad akong magbasa, kahit na tuwing lalabas ako sa bookstore ay mahigit sa dalawang libro ang aking bitbit.

Anong ginagawa ko sa libro kanyo? Lakasan ninyo. Hindi ko kayo marinig.May nakapatong kasing libro sa ulo ko. hindi ako makayuko.(ano kaya ang connection noon sa pandinig?)

Isa, may mga libro akong nasa carpet ko nakahimlay. Hindi sila pagod dahil binuksan ko sila. Talaga lang nilagay ko sila doon para maalala ko ang leksiyon sa buhay--ang pagyuko. Pagyuko na tanda ng paggalang at hindi pagsuko. Pagyuko upang ipakita ang pagpapakumbaba at hindi ang pagsunod sa maling inaatas. Pagyukong kagaya ng kawayan, upang sa mga unos sa buhay ay hindi tayo kayang igupo.(parang hindi bagay kay Pusa).

Libro sa hagdan. Kung minsan man ay katamaran lamang ang aking paglagay sa librong nais kong dalhin sa ikalawang palapag ng bahay, mayroon din akong leksiyon na inaalala sa mga librong makikita mo sa bawa't baytang. Bawa't bahagdan ng ating buhay ay may karanasan tayong maganda, pangit, malungkot, tagumpay at sa bawa't pag-akyat nating yaon ay naisusulat sa ating diwa ang mga dapat maging aral, ang dapat iwasan at ang dapat sikhayin para marating natin ang itaas ng hagdan ng tagumpay.(tumatayo talaga ang balahibo ko).

Librong nasa itaas ng bookshelf. Leksiyon ng pagsisikap ng paglagay ng isang minimithi na tila mataas abutin, ngunit kung pagsisikapan ay maabot din. (ako gumagamit ng stepladder).

Librong nasa kusina. Hindi lang ito pangpalipas ng oras habang hinihintay ang karneng matigas na lumambot. (matanda pa yata kay Mahoma ang karneng yaon o kaya habang hinihintay na ang turkey ay ma roast. )Ito rin ay simbolo ng pagkain ng kaisipan. Pag maraming binabasa ay nanga- ngahulugan ng isang malusog na pag-iisip.Kay Sassy, iba ang kaniyang rekomendasyon para maging malusog.Basahin ninyo.(Minsan naman puwedeng punitin ang isang page kung walang paper towel).

Librong nasa bathroom(kahit doon mayroon). Ito ay parang dagdag-bawas. May binabawas kayo sa baba, may dinagdag naman sa itaas. Yong ibang pulitiko, pati yata yong sa utak sa itaas ay nasasama pag sila ang nagbabawas. (Hindi ko ba nasabi sainyo na madalas ay nakakalimutan kong maglagay ng bagong toilet paper sa banyo. Kaya pag may napansin kayong librong kulang ng pahina, alam ninyo kung saan napunta). :)

O sige,kailangan ko nang magbihis. Siguro naman naalis na yong kulubot sa damit ko. Sampung libro na yong pinatong ko.

Kaya Dr. Emer, kagaya mo, I love my books.

The Ca t

3 Comments:

At 11:43 AM, Blogger Dr. Emer said...

Thanks for the promo, Cat. Nag-increase web traffic ng bago kong weblog since you featured it. I'm glad to have found a kindred spirit who loves books, too. Dying breed na yan kasi with the advent of the internet. Sabi nga ng isa kong prof sa UP, "Filipinos seldom read. It is such a pity." I'm also happy you seem to fight boredom by wallowing in different books in your house, be it the living room, toilet, or bedroom. Lahat ng sinabi mo, bna-validate ko!!! Totoong-totoo. Sabog-sabog at kalat-kalat din mga aklat sa bahay ko. I average 2-3 books per week pag d ako inuulan ng pasyente. Kahit kumakain ako, me kaharap akong libro (hehehe). Masama daw yun, pero ganun eh.

I watched THE DAY AFTER TOMORROW yesterday (hanep na sentence ah). Ito ang isusunod ko na movie review before I review a book. Mas simple kasi. In the movie, there was a scene wherein the characters had to burn books in order to survive the impending ICE AGE. One bookworm tightly held on a big Bible not because he was religious (he was an agnostic) but because that book was the first ever printed book in civilization and he wanted to preserve it. I thought that was a most touching scene. :)

Thanks again for this post, Cath. :)

 
At 5:28 PM, Blogger cathy said...

Doc,
I just finished reading an article about Jackie Kennedy's last few days before she died. She chose to spend her last moments in her apartment where she was surrounded by her books, music and letters representing her lifetime personal correspondence.

What a way to leave the Planet earth.
Btw,Shrek 2 grosses 200 million this weekend.

The CA t

 
At 7:43 PM, Blogger Dr. Emer said...

That's the happiest thing that can possibly happen if you're dying --- spending your last days reading nothing but books, books, and more books. I'm a doctor but know what? I'd rather die in my house than in a hospital.

Yes, Shrek 2 rules Memorial Day weekend!!! Sana panuorin mo na, Cath. Promise ko, dka magsisisi. Wagmo nang intayin ang DVD, matagal pa yun. :)

 

Post a Comment

<< Home