Saturday, May 22, 2004

Sa wakas

Dear Mouse,
Naayos ko lang ng kaunti itong aking tahanan. Ayan nasisilip ko na kayo. Salamat din kay Richie, isa kong iskolar, sa aking logo. Binigay niya sa akin ito last year pa. Sipsip kasi yon.Happy graduation. Grumaduate siya ngayong May.Remember the agreement, pay it forward.Pero hindi ako tatanggi kung pag tanda ko at malaki na ang kita mo kagaya ng isang nandito sa Estet at yong nandoon sa London,ipadala mo ako sa cruise. ( parinig, parinig).Yong isa sumira sa contract. Masyado yatang nagahaman yong naging asawa at ayaw mabawasan ang kanilang kinikita para tumulong. Pati yong nagpalaki sa kaniyang matanda ay nakalimutan na.May kasabihan:

Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makikitang may nakadikit na toilet paper sa sapatos.
Yong isa,nagpay forward pero ang pinag-aral naman niya ay nag-asawa nasa first year pa lang. Balik siya sa pagsuporta ng pamilya thru dole outs.

It is good for us to think that no grace or blessing is truly ours till we are aware that GOD has blessed someone else with it through us--Philipps Brooks

The CA t

2 Comments:

At 7:53 PM, Anonymous Anonymous said...

gravetah, Cat, mega prolific writer ka, hinihingal ako sayo, hehehe. Bilib ako sa iyong pay it forward agreement. Pwede ba akong mag-apply na scholar? Masipag akong mag-aral, promise. :) ***Inasky Asusky

 
At 10:56 PM, Blogger cathy said...

tina,
may sakit ako kaya ako walang magawa. kinakausap ko ang sarili ko, ayaw sumagot. hello, hello.

The CA t

 

Post a Comment

<< Home