Ang makulay na daigdig ng isang DHHousekeeper
Dear Mouse, DH Abuse ang topic ni Sassy. Ako naman abuse ng DH kung abuse ngang matawag ang may nakakukuliling boses. DH ang tawag sa mga Pilipinong househelp;au pair pag galing sa Europe at butler pag galing at graduate sa Home management school sa England.
Sa Estet, ang tawag nila ay housekeeper kung all around/baby sitter o nanny pag taga alaga lang.
Nang dumating ako rito sa Estet, inampon muna ako ng mga barkada ko na nagkaasawahan habang naghahanap ako ng sarili kong lugar. Mayroon silang tatlong anak na maliliit at dahil parehong nurse na ang work schedule ay sa gabi at araw, meron silang full time housekeeper. Tourist yon pero penitition nila. May sarili siyang kuwarto, may limited access siya sa overseas call every month at cover siya ng insurance. Ang asawa niya ay retiradong Chief of police sa isa sa mga bayan sa Luzon. Taga Bulacan siya at may bahay sila sa Marikina at sa Quezon City. Hindi sila mayaman pero mautak sila dahil nagtatayo sila ng bahay sa mga lugar ng squatters at hinihintay nila na ibigay ng gobyerno ang lupang yaon sa mga naninirahan doon.
Makulay ang daigdig niya; lalo na ang kaniyang
lengguwahe.Ang dibidib ay hindi dibdib kung hindi
suso
Pag nagkuwento siyasa akin, bawa’t dalawang salita niya ay parang sandwich. Palaman ay PIM. May side order pa yon... Anak ng P…. bleep bleep. Kahit siguro bigyan mo siya ng Clorox cocktail hindi lilinis ang kaniyang bunganga.Nakasanayan lang raw niya yon. Wala naman daw siyang intensiyon na murahin ang kaniyang kinaiinisan.Maaga siyang gumigising. Magigising ka rin ng maaga dahil sa lakas ng boses niya. Mahihiya ang alarm clock sa ingay niya lalo na at kinatkatan niya ng mura yong asawa niya sa Pilipinas. Hanep, overseas call para lang murahin. Nakakatuwa siya. Ako ay naaliw sa kaniya. Siguro noong Chief of Police ang kawawang asawa, siya ang Mayor.
Sabado, wala akong pasok, samantalang ang mga kaibigan kong mag-asawa ay parehong may duty. Tuloy-tuloy ako sa kusina at nagtimpla ng kape.
Hindi siya kumikibo habang ang cordless phone ay nakasabit sa kaniyang tenga. Palagay ko may hinihintay siyang magsalita sa kabilang linya. At may nagsalita nga. Bigla siyang bumulalas ng: Hinayupak $%^&*!#$ na puntahan mo. Katukin mo. Boses sa kabila. ‘Wag kang titigil Hanggang hindi buksan ang pinto huwag mong tantanan ng katok. Palayasin mo yong babae. @#$%&*. Nagigiba yong aking tenga. Kahit mainit ang kape, nainom ko.Anak niya ag kausap. May inuwi raw ang tatay niyang batang batang babae. Sus Ginoo, ang makulay na daigdig niya ay naging itim. Pagkatapos nang makatulig na bangayan, tumahimik siya pagkatapos ibagsak ang telepono. Aray
Sabi ko bilib ako sa kaniya. Tapang niya. Pulis ang asawa niya. Unahan lang sa sindakan yan sabi niya at tumawa ng malakas.
Nang makakuha ako ng sariling lugar ko, ako ay nanibago sa katahimikan. Namiss ko ang lakas ng boses niya.
Minsan nagkita kami,kasama niya ang kaniyang anak na babae. UP grad siya at isang programmer.Lumipat na sila ng tirahan. Hindi na siya housekkeeper. Nanny na siya ng kaniyang apo.
Bati niya sa akin...Pu...naman di ka nagbabago. Sagot ko naman. Pusa nga ako, di nagbabago. Yan ang alamat ng pangalan kong Pusa. Miyaw.
The CA t
0 Comments:
Post a Comment
<< Home