Tea for Toe
Dear Mouse,
Magaling ang mader ko. hindi siya nauubusan ng
mga first aid para sa mga emergency at mga maliit
na mga physical discomforts lalo na pag walang
available na gamot sa medicine cabinet.
Tea for toe
Minsan may blister tayo dahil sa masikip na sapatos
o sa shopping maghapon. Sabi niya, kumuha ng tea bag,
i-chill sa freezer hanggang lumamig at iapply sa
blister. Huwag itapon. Ilagay sa isang plastic,
ilagay sa refrigerator. Pag may bwisitang bisita,
ngumiti at itanong, want some tea? Hindi ko
sinabi yan.
Tea for Athlete's Foot
Kung kayo ay mga cheapipay,o kaya wala kayong oras para bumili ng gamot sa athlete's foot, puwede pa rin yong tea bags.
Ito ang direksiyon:
OO Birhinya, ang tsaa ay nakakakulay ng damit, kutis at iba pang bagay na kung saan ito ay nakababad.
Paano aalisin ang kulay. Ah ewan ko sainyo. Hindi na lang kasi bumili ng gamot sa athlete's foot. hurmph.
Oatmeal for hives
Kung minsan nilalabasan tayo ng pantal na makati sa katawan natin. Ito ang tinatawag na hives. Ang lola ko noon pinapalo ang katawan naman ng belo. akala ko para alising ang masasamang ispiritu. Yon pala ay dahil sa texture ng belo na medyo rough.Pero si mader ang advise ay ang oatmeal. Siya yong laman ng Quaker Oats.
Yong mga walang bath tub, puwedeng ihanda ito sa isang palanggana o timba. Maglagay ng isang tasang oatmeal sa malamig na tubig at hayaang matunaw. Pag hindi matunaw,puwede rin basta pagkatapos ninyong ibabad sa katawan ang tubig na may oatmeal, ay banlawan ng mabuti. Baka habukin kayonn ng gatas at asukal pag lumabas kayo sa banyo. Dito sa Estet ay may produkto na ready na para ilahok sa tubig. Yong iba ay ginawa na itong pulbos.
Pero ang pinakamabisa ay ang cornstarch na binabad sa sukang puti. Gawin ito pag balak ng matulog kung hindi ibebreak kayon ng boy o girl friend ninyo. Kung may-asawa naman kayo, huwag gagawin ito pag araw ng suweldo. Ahem.
Honey for
Pag kayo ay nasugatan, lagyan ng honey, bago lagyan ng band-aid. Magandang disinfectant daw ang honey.
Isa pang payo ni mader ay lagyan ng sigarilyo. (hindi yong may sindi no)Yong tabako sa sigarilyo ay magandang disinfectant at pangpatigil ng dugo.
Pagkatapos ng diarhea, pinakamabisang kumain ng saging para mapalitan ang potassium na nawala dahil sa lintek na pagta---. Kaya ang tsonggo, hindi naghahanap ng bathroom.
The CA t
4 Comments:
Mothers are the best doctors. I remember also that my Mama was always there to comfort me when I was febrile. I like your medical and health tips, Cath. They're ALL practical, effective, tried and tested! :)
Dr.Emer,
There is one medication that only a mother can give to a child in distress---love.
The CAt
Tama ka, tama ka. Remember the Vicks Vaporub commercial. Classmate ko sa medschool yung 1st kid model dun (Hehehe. Tells you now how young I am). Dba puro pagmamahal yun? kahit anung bara ng ilong mo, sigurado akong gagaling ka agad.
Hmmm...subtitles. Matutuwa si Sassy. Ayaw nya yata ang makalat, dba? Typical na nanay. :)
I wonder where you found all these ideas. I like your writting and think I will return. Cheers
Jeff - jock itch
Post a Comment
<< Home