Ang Aswang at ang Himala
Dear Mouse,
Naisulat ko ang tungkol sa aswang ayon sa pagkakakuwento ng aking mader sa nakaraan kong blog.
Kamakailan lang napanood ko sa MGB yong sabi nila ay batang pinatay ng aswang. Ang masasabi ko lang ay namatay ang bata sa sakit at hindi sa aswang.
Hindi ganoon kung pumatay ang aswang. Hindi rin naninirahan sa maraming tao ang aswang dahil nga maraming kontra sa kanilang kapangyarihang itim. Hindi rin umaatake sa umaga katulad ng kuwento ng lola ng bata dahil ito ay takot sa araw o liwanag.
Bakit ko alam.kasi aswang ako….hakhakhak Pakisara nga ang bintana. Ang maniwala,aswang din.hihihihi
Himala ng Sto.Nino???
Ipinakita rin sa MGB ang nagpapawis na Sto.Nino sa Saranggani.Ipinakita ang imbestigasyong ginawa ng simbahan, ng pamahalaan at ng media.
Bago ako lumipad (siyempre sa eruplano) papunta rito sa Estet,nahila ako ng aking kapitbahay na pumunta sa isang bahay sa BF Homes kung saan ang mga kalye ay may pangalan ng mga Beauty queens.
May breast cancer ang aking kapitbahay at gusto niyang puntahan ang chapel bago siya magpaopera. Mayroon daw doong Santo Nino na nagpapawis ng langis.
Pumunta kami ng gabi.Kaunti lang ang tao. Hindi nila pinapayagan ang mala-circus na pagdalaw ng mga tao sa pamamagitan ng pagbawal sa gamutan mismo doon. Namimigay lang sila ng boteng may langis kung hihingi, Hindi rin sila nanghihingi ng limos.
Ang may-ari ng chapel ay may-kaya subalit ang isa niyang anak ay may kapansanan. Hindi ko maalalakung ito ay celebral palsy o isang disability dahil sa sakuna.
Walang pagpapawis kaming nakita.
Kinabukasan,maaga pa ay naisip kong bumalik. Curious ako.
Walang tao sa chapel maliban sa akin at sa isang babaeng humihingi ng tulong sa kaniyang sakit at ang kaniyang alalay.
Ako na ususera ay umupo sa likod habang minamasdan ang buong altar na puno ng mga imahen.
Maliban sa Santo Nino, Ang Birheng Maria at si San Jose,hindi ko na kilala ang mga imaheng nasa altar.
Una kong nakitang kumintab ang noo ay ang imahen ni St. Joseph.Akala ko ay tama lang ilaw. Sumunod ay ang kay Birheng Maria. Tapos sabay sabay umagos ang langis sa mukha ng mga imahen na tila tubig na bumasa sa altar.
Nagpanic ang may-ari ng bahay. Kumuha sila ng cotton balls.Hindi maampat. Tuwalya ang ginamit nila para mapigilan ang Pagpatak ng umaapaw na langis sa altar.
Lumabas ang may-ari para makipagkuwentuhan sa amin.Kaya raw siya nagpagawa ng chapel dahil ang Santo Nino raw niya ay palaging nawawala sa kaniyang lalagyan.
Sumunod ay nagpapawis na nga ang mga Santo sa altar.Hindi nila gustong magulo ang kanilang buhay kaya hindi nila ito ipinalalagay sa media dahil ayaw nila ang mapanatikong pagsasamba dahil lamang sa himala.
Tinanong niya ako kung anong palagay ko.Sabi ko naman ang himala ay makikita mo kahit saan, kahit anong relihiyon, basta nandoon ang puso.
Totoo ang kuwentong ito.
Maari kayong pumunta sa BF Homes kung saan ang mga kalye ay pangalan nina Gloria Diaz,Margie Moran.etcetera.
Hindi nga lang lahat ay pinagpapakitaan.
Susunod:Himala sa Bali, Indonesia
The Ca t
0 Comments:
Post a Comment
<< Home