Wednesday, November 17, 2004

Ang Himala sa Indonesia -Templo ng Ginto ?

Dear Mouse,

Mula sa Jakarta ay dinala kami ng kaibigan ko sa Bali,lupa ng mga templo at ng mga lumang uri ng pagsamba sa kanilang mga anito. Kung sa Jakarta ay may mga mosque halos sa bawa’t kanto, sa Bali naman ay maraming mga templo ng lumang relihiyon na nagsasamba sa mga hayup at mga anito.

Unang pinagdalhan sa amin ay isang templo kung saan ay pinatubog ang aming kamay sa munting balon ng tubig pagkatapos naming humiling.parang wishing well. Para raw malaman kung matutupad ang hiniling, ang aming relos o anumang stainless na nasa katawan ay magkukulay ginto. Seiko ang aking relos,stainless. Masaya ito. Kailangan daw maghintay ng 18 oras. Haa. 17hours and 35 minutes to go.

Sunod na templo ay kailangang akyatin. Isandaan at dalawampung baytang.Walang Hawakan. Ano sila nababaliw. Sila na lang at ako ay maghihintay na lang sa baba. Lrt lang hindi ko pa maakyat nang hindi ako nahihilo. Kaya nga ako hindi naging Darna.

Habang naghihintay, may isang lalaking may dalang kamera ang lumapit sa akin. Iyong Polaroid. Libo-libong rupiah ang sinabi niya sa akin. Ilang pesoses din yon pero kahit parang highway robbery kinagat ko na. Dala ko nga ang camera ko noh.

Nakunan ako ng retrato. Nadevelop siya habang tinitigan ko. Para akong paru-parong nakadipa sa hardin. Green na green kasi ang aking background at ang cocor (kukurtinahin) na caftan kong suot ay iba’t ibang kulay na Batik.

Umuwi muna kami pagkatapos naming madalaw ang iba pang bahay ng aming kaibigan.Kinabukasan daw ay marami pa kaming papasyalan.

Hindi ako nakatulog nang gabing yon. Hinihintay kong maging ginto ang aking relos.

Nang mapikit ako, ginising ako ng aking kasama para mag-almusal.

Suya.

Abangan: Ang Kuweba at ang Sawa at ang ginto.

The Ca t

0 Comments:

Post a Comment

<< Home