Tuesday, November 16, 2004

Sumuko ka na na na na(echoeffect)

Dear Mouse,

Hindi ako nakablog kaninang morning. Bumili ako ng bagong sapatos.

Nakatapak yata ako ng kalyo ng ibang tao.

Hindi ako tinatantanan para pasukuin.

Husme naman bakit naman ako susuko?

Hindi naman ako ang nagkanulo kay Bonifacio.

Hindi rin ako ang pumatay kay Rizal.

At lalong hindi ako lumaban kay Bush sa pagkapangulo.BAKIT AKO SUSUKO? kokokoko(echoeffectulit) Wala naman akong baril.

Pinagalitan ako dahil bakit daw ako nagpapaniwala sa mga kuwentong kutsero?

Eh kanino ako maniniwala sa kuwentong kabayo ?

At ako raw madaling mabagbag ang damdamin aya ako ay nabulag sa pagkakampi sa inaakala nilang may kasalanan.

Ganiyan talaga ako mababa ang luha.Sa kababaan nga, kailangan pang tumayo sa bangko para maabot ang aking mata.

Pag tumulo naman, ay sobrang dami kaya ginagawa kong bangka ang bangko. Pakisagwan nga.

Ang may kasalanan ay humingi na ng tawad. Ano naman ang hihingin kong tawad, wala naman akong binibili?

WALA, WALA AKONG KASALANAN.

(Iling kanan, iling, kaliwa, tingin sa taas, tingin sa baba. Tseee.

Sa aking mga natapakan, huwag kayong mag-alala walang tae ng aso yong sapatos na naitapak ko,baka tae ng pusa... Saka palagay ko, nauna ang sigaw ninyo bago ang tapak ko.

Teka, sino ba ang kausap ko?. Hello. Hello.

The Ca t

5 Comments:

At 11:05 PM, Blogger ting-aling said...

Ca T, yang puso mo..pabayaan mo na at "we learned something from it" sabi naman ng DOST..o at least alam mo na nagbabasa pala ang gobyerno...napablog na nga eh..dapat mag publish na rin ng statement si Pat para siguro matahimik na ang lahat..

 
At 3:54 AM, Blogger infraternam meam said...

cath...gusto ko ang blog mo ngayon. parang tala-tula at marami pang iba.okey lang sa akin kahit anong tae ang natapakan mo...sige lang!!! alam mo sa Paris, they don't pick up after their pets when they walk the animals.maraming trace na natapakan, dahil makikita mo ang haba ng kiskis ng tae sa baldosa. will buwisit u again.

 
At 8:23 AM, Blogger cathcath said...

ting
hindi ako galit niyan. ek ek ko lang yan. ipinukol ko lang naman yong upuan ko, isinama ko na yong lamesa.
isasama ko sana yong pinggan kaya lang hindi pa ako tapos kumain. hekhekhek

 
At 8:24 AM, Blogger cathcath said...

tenks infraternam...

binabasa ko rin yong mga informative posts mo.
buwisit ka ulit.

 
At 12:46 PM, Blogger Jobert said...

http://www.flickr.com/photos/tylercushing/1495908/

This one is for you C at!

 

Post a Comment

<< Home