Pusa Award
Dear Mouse,
Inaayos ko ang aking printer pero wala
ring nangyari. Tuluyan na siyang pumikit-pikit
na tila ba nagsasabing, cheapskate,
lubayan mo na ako..bumili ka na ng bago.
Santa Barbarang hindi taga Pangasinan,gastos
na naman ito. Nagbloghop tuloy ako. Biglang nawala ang
kunot ng noo ko. Di na kailangang magpabotox.
Si Angelo, irerekomenda ako sa Pusa
Award kung may ganoong award. Hmmmm,nakainom kaya ito? naaalimpungatan
kaya ? Basahin ang sinulat niya na ninakaw ko.
hehehe..Ahem
Gusto niyong maiyak, mainis, maasar, makiliti, matakot, maaliw at mabaliw ?
Puntahan nyo si CathCath at ang Now What, Ca T ? Poetic, nung una napagdidikit ko ang CaT, buti napansin ko agad, me pause muna.
Creative and amusing. Kung may category na Carlos Palanca Awards for Creative Humor, wala nang iba. So ...
Salamat Angelo. Marami raw mas nababaliw. Marami ring naiinis.Kung puwede nga lang punit- punitin nila ang aking webpage,ginawa na nila. Di punitin nila,bibigyan ko pa sila ng gunting.
Napapakanta tuloy ako.
Nakaaliw,nakakabaliw,
Nakakainis, nakakabuwisit,
Nakakatakot,Nakakapagod...
The Ca t
5 Comments:
I second Angelo on that comment :) I am a new reader of your blog and already I find it artistically amusing...
Congratulations on being blog of the week. This is truly a deserved one.
thanks cerrid and titorolly.
nakangiti si pusa.
Congratulations for being blog of the week. I think the citation was long overdue...
Congratulations CaT for being blog of the week!! Ayan naka dalawa ka na, 2 brownie points for u!
Very intriguing yung kwento mo sa Choice Cuts about the man in a parallel dimension. Mind boggling.
Post a Comment
<< Home