Wednesday, November 17, 2004

Himala sa Indonesia –Kuweba ng Sawa

Dear Mouse,

Pagkatapos ng almusal na sangkatutak, pumunta na kami sa sinasabi nilang kuweba ng mga paniki. Akala ko si Batman makikita ko o kaya si Batjay pero talaga palang mga paniki.Marami silang nakasabit sa bukana ng kuweba, kung saan sa labas ay maraming mga taong nakaluhod.

Akala ko ay nagdadasal sila sa mga paniki.Sabi ng kanilang parang pari, ang kanilang pinagdadasalan daw ay ang kanilang diyos na lumalabas sa anyong malaking sawa.

Pero bihira lang daw itong magpakita. Yong aking kaibigan ay hindi pa raw nakita yong sinasabing sawa mula nang pagkabata niya. Namimili lang daw nang pakikitaan ang sawa, kaya parang himala pag ito ay nagpakita.

Sa isip ko huwag sanang magpakita kasi takot ako sa ahas. Eh napakalaki raw ito at makikita sa isang malaking butas kung saan ito ay sumisilip.

Marami ring turistang nandoon at katulad naming ay nakikiusisa sa mga pagsamba ng mga tagaroon sa kanilang diyos.

Paalis na kami nang tawagin kami ng pari nila. Lumabas daw ang malaking sawa.

Nandoon sa butas. Tuwang tuwa at nagluhuran ang mga tagaroon. Kami naman ay tumingala at nakita nga naming ang napakalaking sawa.

Kinilabutan ako. Sabi nang aking kaibigan.Ngayon lang daw lumabas yon. Tila ba may gustong pakitaan.

Baka papaniwalain ako dahil sa isip ko ay baka gawa-gawa lang nila yon.

Sumakay na kami sa van. Nang pauwi na kami ay huminto ang aming sasakyan. Mayroon daw puting aso na sumusunod sa aming likod.Sabi ko so ?

Wala raw kasing aso doon. Lalo puting aso. Ngiiiii

Pagkatapos ay pinababa kami ng aking kaibigan. Dumaraan daw kasi ang kanilang diyos.(Maraming diyos sa kanilang relihiyon).

May isang prusisyon kung saan may mga taong may pasan ng isang parang kahon na may tabing. Dadalhin daw ito sa sapa.

Pinaalis sa amin ang aming sapatos bilang paggalang habang ito ay dumadaan.

Nang malayo na ang prusisyon,sabi ng kaibigan ko na nakakapagtaka raw. Bakit may prusisyon sa ganong buwan ay hindi naman kapanahunan ng ganoong ritwal.

Malay ko.

Kung baga sa Holyweek natin, ito ay Marso o Abril ginaganap.

Ganoon din sa kanila. May nakatakdang buwan ang prusisyon.

Para raw mga omen.

Something’s weird going on, sabi ng kaibigan kong Indonesian.

Ang alam ko gutom na ako. Ang aking relos ay hindi naging ginto.

Ang aking kasamang abugada ay nakatitig sa aking braso.Sabi ko kahit titigan niya yon ng isang oras, hindi magiging ginto ang aking relos.

Hmppp

Hindi niya ako pinansin. Tiningnan niya a ng retratong kuha ng mama sa Polaroid. Tiningnan niya ang aking braso. Tiningnan niya ako sa aking mata. Whaaat ?

Nasaan itong mga gold bracelets? Tanong niya sabay turo sa aking retrato.

'nong gold bracelets ? Tanoong ko rin.

Tiningnan ko ang aking retrato.May suot nga akong bracelet.Marami.

Hmmm wala naman akong suot nang retratuhin yon.

At wala rin akong dalang bracelet.

Habang sinusulat ko ito ay hinanap ko ang retrato para iiscan.

Pero ibang retrato ang nakuha ko.

Abangan.

The Ca t

0 Comments:

Post a Comment

<< Home