Sunday, December 26, 2004

Disiplina raw o

Dear mouse,

Ang isa sa mga natutuhan ko ngayong taon ay maging tolerant. Dahil sa disiplinang natutuhan ko mula sa pagkabata, nagiging sanhi ito tuloy nang aking pagkawalang pasensiya sa mga taong walang disiplina. Ngayon ay nalimi ko na kailangan ng tao ang habaan ang pisi upang hindi mamatay sa kunsomisyon. Maaring may dahilan ang mga tao sa hindi pagkakarating. Ang hindi ko lang siguro mapapatawad ay ang hindi pagtawag upang sabihin na hindi makakarating o hindi matutuloy. Isa pa kasing disiplinang natutuhan ko ay ang huwag tumanggap ng mga usapan na ang oras ay nagkakasabay-sabay o nag-ooverlap. Dahil madali akong mastress, kailangang maglaan ako nang maraming sandali upang lahat sila ay mapuntahan ko.

Ang aking “American time” discipline ay nakuha ko sa kuyakoy. Kasi isang dahilan kaya siya nakuha sa trabaho niya noon sa mga Puti ay dahil ang mga ibang nag-aapply ay dumating nang huling ilang minuto. Mula noon ay ito ang kaniyang inukilkil sa aking murang isipan. Karaniwan mo na akong makikita sa gate ng iskul nang napakaaga. Sabi nga nila, tagabukas daw ako.Minsan nga iniwanan ako ng guwardiya para bumili ng sigarilyo. Ang lintek, ginawa pa kong look-out.

Ang pag-iiskedyul naman ng mga aktibidades ay mula saking titser ng grade 4.

Oo Birhinya, siya ang aking titser na nagtampo sa akin dahil nahuli ako sa aking klase at nasira ang kaniyang record na walang istudyanteng nahuhuli at nasasarhan ng gate.

Tinuruan niya kaming gumising ng maaga. Bigyan ng timetable ang aming gagawin. (Para bang Gantt chart) Halimbawa :

5:30 –5:45 maligo at magsepilyo

Noong bata pa ako, nagagawa ko ito nang ilang minuto lang lalo kung malamig. Sabon, tabo,sigaw lamig, sabon, tabo, sigaw lamig. Nang minsang magbakasyon kami sa isang malayong kamag-anak na nakatira sa Sampaloc, kung saan mahina ang tubig, ang istayl ko naman ay sabon, sigaw tubig, sabon, sigaw tubig.

Batok ang inabot ko sa aking mader dahil hindi ko raw nalilinis ang likod ng aking tenga at leeg. Hmmm.Sayang daw sa tubig. Noong kasing mas bata ako at siya ang nagpapaligo sa akin, torture ang abot ng aking tenga sa face towel na may sabon at ulit-ulit na kinaskas sa aking tenga at leeg hanggang ito ay mamula sa linis.

5:50 –6:15 kumain ng agahan

Nasoshortcut ko rin ito. Isang kamay, isang tinapay, kabilang kamay ay ang palaman, inom ng gatas o tsokolate. Isang kagat ng tinapay, lunok.

Batok ulit ng mader ko. Kaya raw pala akong naiimpatso dahil hindi ko masyadong nginuya ang aking pagkain.

Palagay ko nadala ko itong ugaling ito sa aking paglaki dahil mabilis akong kumain kahit sa handaan.Kaya mabilis akong matapos. Minsan iniisip tuloy ng aking mga kasama na hayok ako sa gutom.

Salbahe.

Isa pang masamang ugali ko ngayon ay ang pagkain ng palaman ng sandwich bago ang tinapay.

Sabi noong aking kasamang Puti noon sa opit: Why do you that ?

Sabi ko: What ?

Eating the fillings before the bun.

Ngayon ko naalala noong bata pa ako na kain muna ako ng hotdog o burger patty bago ang tinapay, tapos, iniinuman ko ng coke o juice. Sa tiyan na sila nagkikita. hehehe.

6:15 to 6:30 bihis

Minsan sa aking hangad na matapos ito sa takdang oras, pumasok ako sa iskul na isa ang medias.Kaya pala lahat ng mga bata ay makatingin sa akin. Waaahhhh

Minsan naman sa pagmamadali,paghubad ko ng aking padyama,hindi ko namalayan na nakasama ang aking (bulong, bulong, bulong).

(WALANG TATAWA).

Inihatid kami ng aking pader sa iskul. Pagbaba ko sa sasakyan para yata akong hina- hangin kahit ang uniporme ko ay hanggang kalahati ng aking binti.

Habol ko sa dadsy ko. Uwi ng bahay. Tuloy ako sa bedroom. labas. Hindi ko pinansin ang momsy ko na nagtanong bakit ako bumalik. Hatid ulit si dadsy. Hindi naman niya ako tinanong.Bait na pader.

Nadala ko rin ito hanggang ngayon. Minsan pumasok ako sa opisina na ang sapatos ay magkaibang kulay. Owss ?Hindi ko kayo binobola.

May pagka Imeldific ako na pag nagustuhan ko ang sapatos, bumibili ako ng iba’t ibang kulay. Lima yata ang kulay ng walking shoes kong yon. Dahil ako ay partially colorblind at nightblind at madilim ang aking closet para sa sapatos, naglakad ako sa downtown na ibang kulay ang sapatos sa kaliwa at kanan. Sabi ng isang babaeng nakasabay ko sa pila ng kape, nice shoes, nice colors. Hehehe, hindi ko siya masipa. Mas mataas siya sa akin.

The Ca t

2 Comments:

At 4:15 AM, Blogger infraternam meam said...

cath...
mukhang sa pagkabata mo ay well discipline ka. madalas ka bang paluhurin sa asin o sa munggo? at ang padyama mong hinubad,na kasama yong kuwan, don't tell me ang brand noon ay bulong bulong bulong. sa Baclaran yan nabibili noh? ang brand ko naman na ginagamit ay--- talong talong talong..sa Baclaran ko rin binili.i admire your discipline....eh di nag military training ka rin sa atin!! discipline eh!! and one thing--- pag maigsi ang pisi mo...gamitan mo naman ng lubid....at ilatigo mo sa mga inahupak na late parati. oh di ba okey pa???hmmmmmmmm!!!!

 
At 7:45 AM, Blogger cathy said...

hindi asin, bigas. hahaha
disciplinarian lang ang aking mga peyrents. hindi ko binili sa baclaran yon. supot ng arina yon gawa. hekhekhek

 

Post a Comment

<< Home