Isa munang Tsismis
Dear Mouse,
O di nagkandalaki ang mga tenga ninyo, pag sabi kong tsismis.
Ang tsismis daw ay puwedeng totoo at puwedeng hindi.
Pag tinitingnan ko ang aking SEARCHES sa aking counter, number one ang pangalan ng isang dating artista sa pelikula na ngayon ay nasa alta sosyedad na dahil sa kaniyang napanga"sawa". Ewan ko ba kung bakit.
Naalala ko rin kasi noong ako ay Taray queen pa sa Pinas at may ayaw akong makausap.
Ang dayalog ko sa kaibigan ko ay "Pakisabi nga sa lalaking ito na hindi niya nabili ang kalsada kaya puwede ba huwag siyang humarang sa aking daanan". para sa isang makulit na nilalang.
Ang dayalog yata ng artista (kahit pasukahin ninyo ako ng dolyar, hindi ko sasabihin ang pangalan, batukan pa ako ni jet at ni sassy) ay:
Pakisabi nga sa babaeng ito na tsupee.
Hindi ho yan ang eksaktong sinabi.
Sagot naman ng matandang babae,pakisabi sa kaniya, siya ang tsupee.
Ginto pala talaga yong matanda, samantalang siya ay gold filled lang.
May kasabihan,ang tagak daw pag nakatuntong sa kalabaw ay ayaw ng lumipad ng mababa.
nyehehehe
UPdate:
Sabi ni Gretchen Barreto, hindi raw siya yon. Kamukha lang daw niya.
At saka hindi naman daw siya ban sa Makati kung hindi sa isang building lang.
At hindi raw siya mean na mangtsutsupee.
Ang dayalog daw ay "Guard,tell this lady to get out of the elevator."
Sabi naman daw noong old lady, Guard,tell this social climber to leave my building.
Inuulit ko sabi ho ni Gretchen,kamukha lang daw niya yon.
Ting-aling, ibaba mo ang kilay mo.
Pakakainin kita diyan ng salad na may sabaw. Suf a la salad.
The Ca t
11 Comments:
Off topic but I dropped into this site via the J-Walk blog....
http://www.angelfire.com/zine2/Number666/KingJames8a.html
jobert,
the people are expecting the strong one for Calif.
long time ago.
hehehe... i know something bout your chika. i heard that it happened last year pa. pero ngayon lang nabalita sa pahayagan. pero matagal ng bulung-bulungan dito sa makati yan... alam ko ang building. hehehe. chikaratzzi rin ako minsan... -mr nice ash
Hello Ca T! Incidentally, nakwento rin yan nung isa kong kaopisina dito. Si Gretchen daw kasi, pag sumasakay ng elevator, gusto nya sya lang ang naroon kasama bodyguards nya. E may sumakay na isang lady. Nung sinabihan ng bodyguard nya na gumamit nalang ng ibang elevator, pinaalis sila nung lady sa building. Isa pala syang Yuchengco, ang may-ari ng building. So ... totoo kaya ito? Let's talk it over ...
hindi ko ma gets ang blog mong ito. wah ako say. lost in circulation tungkol sa katarayan, at drama ng ibang pinoy na mataas ang kilay.hmmmmmmm!!!
napasuka ka na yata ng dolyar kat. Nabanggit mo ngayon yung pangalan ng aktress. Kung sa yo si Grethcen, ako naman pag si Lala Montelibano ang igoogoogle mo, site ko ang lumalabas.
nice,
palagay ko nga totoong last year ito kasi sabi niya matagal ng hindi siya pumupunta sa RCBC.
watson,
hinala niya ang kaniyang hilaw na ma-in-law ang propagator ng tsismak.
jobert,
lumabas na kasi siya para pabulaanan ang tsismis.
saka sa search ko ang nakalagay rumor about Gretchen.Pag google ko wala naman sa mga sites na
may link.
tinamaan ng lintek, naging anonymous ako.
miss cathy,
malamang totoo ang tsismis. I saw her last year sa RCBC with FOUR body guards plus a "yaya". Naghihintay ata sya that time ng sundo dun sa drop off. Siguro that time sya pinalayas kasi pinagtitingina sya ng mga tao habang naghihintay ng sundo. Dapat sa carpark sya sa basement naghintay para di sya pagkaguluhan.
And if totoo man chismis na yun, masasabi ko lang, BEHHH Buti nga!!!!
I raise the roof to the "old lady". Bwhahahahaha.
Pegasus
malalaman ni gretchen yang mga kayabangan nya pag d na umeepekto ung mga gamot na iniinom nya para gumanda,iiwanan ka din nr tony boy pag bilasa ka na, hehehe,, harharhar
Post a Comment
<< Home