The Corporate Jungle Beckons---Ahhhhhhhhh
Dear mouse,
Tagalog po, para hindi maintindihan ng mga poregner.
Ito ka na naman, tukso ng tukso.Sawa na ako sa mga presentasyon ng mga numerong ako lang ang nakakaunawa sa mga taong nakaupo sa mesang yon dahil lang sa libreng kape at meryenda. Pero ano ba ang naintidihan nila sa mga salitang "variance", overdraft, overhead...
Ito na nga lang ang mga salitang hindi ko maaring paliitin o gawing simple nang hindi ako magkandatutuwad para lang maintidihan ng mga taong ang background ay kakaiba sa akin.
Oo, Birhinya, mahirap ipaliwananag sa mga sano na ang perang pumapasok sa banko ay hindi revenue. Katulad din yan sa pagsasaya sa bansa nang pumasok ang mga sinasabing "perang banyaga" na ikinataas ng value ng peso.Hindi alam ng karamihan na hindi ito direct investments kaya walang employment generation o walang bagong kumpaniyang maitatag.
Sandali bakit ako naging si pinay.
Erase, erase.
Kaya minabuti kong tanggihan at iwasan ang mga trabahong may kinalaman sa pakikipagtaltalan sa mga taong minsan kahit na sinabing may MBA sila ay hindi pa rin maintindihan kung ano ang bad debts na gusto nilang ipakulong.
Hindi po ako nag-exaggerate.
Pero saan ba patutungo ang aking iniisip eheste sinusulat na pala.
Ganito po yon. Bago po ako nag-ermitanya ay natawag akong makipag-tete-a-tete sa mga taong namamahala sa pagkuha ng tao. Una labindalawa kaming sabay-sabay na kinausap(interview). Isa-isa silang nabuwal at ako na lang ang nakatayo pagkatapos sampal-sampalin ng mga tanong na hohum kahit gulatin mo yata ako habang nakatulog ay masasagot ko.(hindi po ako nagyayabang,dahil pag may naging instructor kayo sa accounting na sadista,pati panaginip ninyo noon ay numero ang lumalabas.)
Tuloy po ang kuwento.
Sabi noong babae, may makakalaban pa raw ako, one on one.
Hige.
Lalaki, puti.
Pero sabi nga ni Carolina Dominguez presidente ng John Clements sa artikulo sa Asianjournal.com ,"It was necessary to look the part as it was easy for minorities,particularly Asians to be overlooked and passed over......
Sa madaling salita, talo ako sa laban, kahit na ang aking resume ay nagsasaad ng mga eksperensiya ko na hindi magkakasya sa isang papel lang pero hindi naman puwedeng gawing script sa pelikula.
Pagkatapos ng ilang buwan....
Itutuloy.
Kakain lang po ako ng almusal sa Quiznos.Masarap doon ang oven toasted sandwich. Sawa na ako sa pandesal na may matamis na bao.
The Ca t
4 Comments:
uy favorite din namin ni mister ang Quiznos! mas gusto namin kesa sa Subway...pero pandesal with matamis na bao? mmmm..., mas feel ko yan ngayon. Padala mo na lang sa'kin! :)
cath, na-feature din si dominguez sa inquirer 2 weeks ago. bilib ako sa kanya.
anyway,kainis naman yang experience mo. porket puti sila kala mo ang gagaling na. ay nako, may mga horror stories akong alam na ganyan. philippine setting, expats ang mga bida.
gusto ko rin ng Quiznos..lalo na yong roast beef, tapos may honey mustard, then on top of it, may matamis na bao at saka peanut butter with mayonnaise at sibuyas, kamatis, bawang at luya, at paligid ay puno ng....ayan--- napakanta tuloy ako. teka, ano ba talaga ang buod ng yong talata, manay!! hmmmmmmm!!!!
inaski,
bawal saiyo ang carbo at sugar.
mari,
hindi ko inabot yong ginawa niya nasumunod-sunod sa kaniyang boss para lang matuto siya. may kasama ako noon sa opit na kahit magbitbit siya noong poodle ng director naming babae, ginagawa.
uso rin dito ang sipsipan,hindi lang diyan.
nagtrabaho rin ako sa MNC diyan at naengkuwentro yong 2 expat namin.
pinatatanggal sa akin ang isang engineer dahil ayaw daw ang mukha niya. hindi ko alam noon na dito pala sa estet, employer/employee at will.puwede kang tanggalin anytime. di ko nga tinaggal.
'na niya.
frat,
walang buod. buo meron...
Post a Comment
<< Home