The Corporate Jungle Beckons- Part 2
Dear Mouse,
Ituloy natin ang story of my layp.
Tumunog ang telepono. Hanap si Cath.
Me: This is she.
Hindi ako sumasagot ng YES sa telepono.May mga scam kasi noon na isiswitch ka ng phone service provider thru your taped yes na parang short for authorizing them to do the switch. Kita ninyo ang mga kalokohang dito.
Isa pa baka magising na lang akong kasal
thru remote dahil sa pagsabi ng YES.
Erase,erase.
Sandali, nalalayo ako sa usapan.Pardon me while I pull myself back. uhmmm.
Sandali higop muna ng kape.
Sa madaling salita, sabi niya, aalis na ang controller na nakuha nila.OO, yong lalaki, yong Puti. Hindi raw nagdeliver.
Magulo pa rin ang kanilang departamento ng pagkukuwenta.
Aalis na raw.
Sa isip ko, kung i-oofer ninyo sa akin yan. pahinog kayo, ano second fiddle.
Parang nabasa ang isip ko.
Hindi raw nilai-oofer ang position.
Mindreader talaga siya.
Nagdecide daw ang board na i-promote ang kanilang staff kahit hilaw pa.
Lalaki pa rin.
So why call me. Tarayme noh?
Kasi raw,hindi marunong magtrain yong aalis at ni hindi pa naayos ang mga dapat ayusin.
Takot din silang isabotahe ang kanilang sistema.
So ano ang papel ko? Isip ko lang yon.
Sabi niya kung interesado raw akong tulungan sila sa transition at ang papasok na Controller.
Mind reader talaga siya.
Bilib daw siya sa ekperensiya ko nang pag-aayos ng mga dapat ayusin sa departamento ng pagbibilang.
Bolahin mo ako. Sa isip ko lang.
Hindi raw niya ako binobola.Im pakt, boto siya sa akin noon. Kaya lang kayumanggi.
Sa isip ko lang yong huli.In short,gusto niya akong gawing nanny noong batang lalaking i-popromote nila bilang Controller.
Hohum...
Sabagay madalas ko ng role yan.Lalo sa mga taong nagdudunong-dunungan at malakas lang bokabadura.
Sabi ko bibigyan ko ang sarili ko ng ilang araw para maassess ko ang kagubatang aking papasukin.
At temporary lang. Ang sakit ko. Ang puso ko ang iniisip ko na naman pag ako nastress.
Dahil desidido na akong tumanggap ng supporting role lang sa mga pelikula sa BACKROOM office. Walang stress.Walang report na minamadali.You play dumb and off you go at five o-cleck.
Hige. magkikita kami.
Sabi niya, tomorrow>
Sabi ko day after tomorrow.
Wala pa sa condition ang sarili kong lumabas. May ginantsilyo pa ako. (pahiram nga ng tumba-tumba,kiwi.)
Gumising ako nang maaga. Para makablog muna, bago umalis. T@#$%^ addict talaga. nwehehe.
Binuksan ko ang aking closet ng damit. Umalingasaw ang pabango na pumapatay ng gamu-gamo. Kailangang maipagpag muna ang damit at baka hindi lang gamu-gamo ang lumayo.Ehmmm.
Pinili ko ang kulay talong na 'merkana'(business suit) kuno.
Pinailaliman ko ng striped na pang-ilalim na light violet.Isusuot ko rin sana ang aking pin striped na kulay talong na slacks pero baka mapadaan ako sa fresh fruit and vegetables market at makita ako ng kamatis, ampalaya ay dumikit sa akin para magpaluto ng pinakbet.
Uhmmm, maong na lang ang sinuot ko.
Ano kaninyo ?
Hindi match ?
Susuotan ko naman ng medyas na pula at boots na purple, o di ba?
Anyway, ilang sandali lang ay kasama na naman ako sa agos ng mga taong nagtatrabaho sa financial district ng siyudad.
Mga babaeng sopistikada na mga nakasuot ng itim na business clothes either nakaslack o nakapalda at itim na medyas.
Pero nakarubber shoes at bitbit ang kanilang mga sapatos na gawa sa minarder na baka.
Ano ka nababaliw maglakad ng malayo sa taas ng takong. Sa first block siguro, sexy pa.Sa second block, tagilid na. Sa third block siguro, iinkang-ingkang ka na.
Kasabay na naman ako ng agos ng mga yuppies na may hawak ng starbucks sa kaliwang kamay.
Sarap bungguin para matapon.Inggit lang siguro ako dahil hindi ako marunong uminom ng kape na naglalakad. Isa pa mas gusto ko ang kape sa opisina, libre. Cheap ko noh? Pero mahigit isang dolyar din yon isang araw. Sa isang buwan ay mga 30 dollars din yon. Sayang. May pangtaya din ako sa slot machine. Hehehe magbibiro lang po.
Kasabay na naman ako sa agos na laylay ang balikat sa kanilang mga laptop o kaya ay naglalakad na binabasa and biniling diyaryo sa halagang 25 cents para lang itapon sa recycling bin bago pumasok sa opit.
Ahhh huwag ninyo akong pagbintangan na pinupulot ko yong tinatapon nila. Kung may makakita pa sa akin.
Meron din akong binabasang diyaryo noh. Pero yon yong libreng makukuha mo sa newspaperbox na nakalagay, FREE.
Sensiya kayo, nahawaan ako ng dati kong boss na si James Bond, Hudyo kasi yon.
Bago ko marating ang aking paroroonan ay nakita ko ang mga nagkalat na mga tukso. Sa isang kanto ay ang SAKS fifth, sa isang kanto ay ang GUCCI, halos katabi ay ang KENNETH COLE. Muntik ko ng ipikit ang mata ko pero lalo itong nandilat ng makita ang VICTORIA's secret. Hmmmmm palitan ko na kaya ang aking mga brief.
Kasi si Batjay, naglalaba ng kaniya.
May umaalma sa aking bulsa. Tinapik ko ang aking credit card. Tumahimik ka.
Itutuloy.
The Ca t
2 Comments:
o hige...magcocoment ako pag lumabas na yong 2nd part. para hindi tumutulo ang laway ko sa pagbabasa nitong eksenang ito, tapos may 2nd part pala. baka 'OBLADI OBLADA' na naman ito sa 2nd part.Chariiiiiiinnnnggg!! hmmmmmmm!!!!
Ako'y isa sa mga fan mo,haha! I mean one of your regular readers.
It sounds to me that you work in a very cool place,like the wall street,maybe? I'm proud of you,kabayan.
Hmm, very interesting again ang outfit mo, and the pinakbet is a riot! :)
Post a Comment
<< Home