Saturday, April 02, 2005

Babala -Hindi lang Buhok ang Pinapakintab

Dear mouse,

Hindi ko man gustong panoorin si Boy Abunda, pinanood ko rin sa Kontrobersiyal dahil sa isang segment ng programa kung saan ang mga tindero at tindera ng kalamansi at kamatis ay pinakitang may mga di kanais-nais na ginagawa sa kanilang paninda upang maging sariwang tingnan ang kanilang produkto.

Ang lalaking tindero ay nakatawa pang nagpaunlak kung paano niya sinashampoo ang kalamansi para maging makintab at magmukhang sariwa.

The Ca t sez: Alam ba ninyo kung ano ang ingredient ng shampoo. Water, fragrance, salt at higit sa lahat ay ang ginagamit sa laundry detergent. Isipin ninyong ibinababad ang kalamansi sa shampoo, hindi binabanlawan, tapos ay bibilhin ninyo at padadaanan lang ng tubig. Minsan pag katulong, hindi pa hinuhugasan. Ano ang inyong na-iingest ? Laundry detergent... Isipin na lang ninyo ang tindi nito sa paglinis ng damit, ng buhok...at ito ay papasok sa inyong katawan.

Kaya maraming sakit ang hindi maipaliwanag sa ospital dahil ito ay mga naipong epekto ng mga nakakain nating chemical.Ang iba ay nasisinghot kagaya ng lead na nasa gasolina kaya ang mga pag- iisip ay saliwa. Karamihan yata dito mga pulitiko.

Ang kamatis naman ay pinupunasan ng gaas. Tawang- tawa pa ang tindera na sinabing pati ang kaniyang kamay ay nangangamoy gaas. Wala naman daw nagrereklamo. Eh !@#$%^& pala siya, paano magrereklamo yon ay di mila alam. Siguro kung may naamoy silang gaas ay di nila inisip na nanggagaling sa kamatis.

Kung tatanungin ninyo ako bakit hindi ako kumakain ng hipon sa Pinas. Sasabihin ko sainyong ang dahilan ay iniihian ng mga mangingisda ang mga hipong huli nila para hindi masira kaagad.

Siguro naman alam ninyong imibtado lang ang mga langgam na nasa lanzones.

Ang mga tao talaga, para lang kumita.

The Ca t

1 Comments:

At 10:33 PM, Blogger Cerridwen said...

oooh that is gross....pee pee on shrimp? how the heck is that going to keep them fresh? pee pee is hot, won't that cook the shrimp? gross!

 

Post a Comment

<< Home