Saturday, April 02, 2005

Nagkatotoong Hula?

Dear mouse,

Napapansin ko na pag pulitika ang aking topic ay hindi masyadong kinakagat ng mga tao, kaya magsoshwobiz muna ako.

Sa aking blog na Hula ni Jojo Acurin, isa sa mga hula ay ito:

Acurin: Isang sikat na artistang babae ang madedeport sa Pilipinas dahil sa druga.

The Ca t: Ahaaa, kilala ko siya. Maliit siya di ba?

Acurin: Marami namang maliit na artista ah.

The Ca t : Super ang sagot mo. Star ka talaga. hehehe

Show biz nayanig sa pagkakahuli kay Nora

Nayanig ang industriya ng show biz sa Pilipinas nang kumalat noong Biyernes ng gabi ang balita na naaresto at nakulong ang aktres na si Nora Aunor sa Los Angeles, California. Ayon sa mga ulat, naaresto si Aunor sa Los Angeles International Airport noong Miyerkules. Nasamsam sa bagahe ni Aunor ang walong gramo ng shabu na nakalagay sa isang sisidlang plastik. Gayundin, nakuha sa kanya ang isang babasaging pipa na nakabalot sa kamiseta. Ikinulong agad si Aunor at kinasuhan ng pag-iingat ng ipinagbabawal na gamot. Pero matapos magpiyansa ng $10,000, pinalaya siya noong Huwebes. Itinakda ng korte ang pagdinig sa kaso sa Abril 21.

The Ca t: aksuhally, hindi na hula ito dahil ito ay usap-usapan na rito sa Estet.

Kaya lang ang mga blind item ay talagang hindi pinapansin ng mga bulag na umidolo sa Superstar.

The Ca t

5 Comments:

At 7:29 PM, Blogger rolly said...

hmm malapit na kong maniwalang may powers yang manghuhulang yan haha..
Actually, nasa news yan the night after last. Wawa naman siya. Siguro di na talaga nya maalis ang masamang bisyo hano?

 
At 9:05 PM, Blogger cathcath said...

kasa-kasama niya yata ang kaniyang boy friend sa bisyong yan.

Sayang na potential national artist.

 
At 7:36 AM, Anonymous Anonymous said...

Lahat tayo ay nag-kakamali at natetempt sa mga bagay na di maganda. Si Nora ay isang tao lang na nagkakamali .Dapat sa pag-kahuli nya ay mauntog o maging malaking aral sa kanya ang pag-kakadakip sa kanya sa pag-dadala ng shabu.Kababayan natin siya at sa pag-kakahuli sa kanya tayong mamamayang Pilipino ang naapektuhan di lamang siya. Malaking panghihinayang dahil isa siya sa nirerespetong artista subalit kulang siya sa pag-iisip.

 
At 10:46 AM, Blogger Marksantos96 said...

I am a consumer of Nora Aunor's art and while i may not agree with her life's choices, she will always be the best actress for me!

 
At 1:13 PM, Anonymous Anonymous said...

sana sa mga nangyayari kay Nora sa ngayon sa kanyang buhay ay magkaroon siya ng lakas ng loob na magnilay at magtanong kung ano ang gustong sabihin ng Diyos sa kanya. Hindi naman siguro maaga para sabihin na sayang nga siya dahil habang buhay ay may pag-asa ang tao. malakas ang kutob ko na pagkatapos ng kasong ito isang bagong Nora ang lalabas at bubulaga sa atin, upang muling sabihin at paniwalaan na sa Diyos walang imposible. kagaya rin natin maniwala tayo na may magagawa rin si Nora na baguhin ang kanyang sarili...at tulungan natin.

 

Post a Comment

<< Home