Pahabol ng isang Asawa para sa Mother's Day
Dear mouse,
Natuto po akong sumulat ng tula sa pakiki- sama sa mga magagaling na humabi ng tula.
May isang grupo ho akong nasamahan na halos ang miyembro yata ay tumutula. May seryoso, may tungkol sa pag-ibig at karamihan ay nakatututuwa. Isa ho ang nasa ibaba na kinatha ng isang kaibigan na masyado hong maloko pagdating sa kaniyang asawa.
Pangalan ho niya ay ROLLY, hindi po si titorolly ng blogkadahan. Ang initial po niya ay RPA. Kapangalan lang ho niya ang pangulo ng Pilipinas.
Sa ARAW NG MGA INA (nagtipid ho ako)
Haay, salamat at natapos din ang araw ng mga Ina,
Biro mong magmula sa umaga ako ay nasa kusina,
Hugas ng pinggan at lampaso ng baldosa,
Kapag bubulong-bulong, may kasamang batok pa.
Pagkagising sa umaga, kape niya ay handa na,
Breakfast in bed medyo, ika nga,
Sinangag at tuyo at itlog na nilaga,
Hanap pa ay pakaplog..at kulang pa raw ako baga.
Kinatanghalian kaharap ko ay labada,
Habang nireready niya ang vacuum sa sala,
At huwag ko raw kalimutang diligin ang garden niya.
Pagkatapos kong plantsahin mga uniporme niya. Whew.
Alas tres ng hapon nang ako ay mapaupo.
Nang biglang umusok ang aking niluluto,
Huwag ko raw sunugin ang kaniyang paborito,
Na daing at laing at baka siya magalboroto.
Salamat at maghapon ay lumipas na rin.
Pangakong ang trabaho’y aangkinin ay di na uulitin,
Sapat na siguro na sa labas ko siya ay pakainin.
Para pagdating ng gabi’y may lakas pa mandin. hehehe
The Ca t
2 Comments:
Nakakatuwa yung tula nya, Ca T. parang balagtasan!
wat,
di ko inabot ang balagtasan eh kay di ko alam. hekhekhek
Post a Comment
<< Home