Wednesday, May 11, 2005

Friends where art thou ? Boy from hell part 2

Dear mouse,

Parang binabad sa suka ng mukha ng aking kaibigan. Para tuloy ayaw kong maniwala na ito ang maton sa Pinas na minahal at pinaka salan ng aking kaibigan. Siya yong tatay noong boy-from-hell.

Hindi niya maesplika na knee-jerk reaction ang pagkakasipa niya sa bata.

Kinunan nila ang retrato ng tuhod ng bata na may bruise.

Parang nakita kong kumumpas ang anghel ko sa kaliwa.

May kalokohan na naman itong gagawin.

Digital camera. Hinintay nilang lumabas ang image, pagkatapos nakita sa screen ang gusto nilang retratuhin.

Hindi lumabas ang tuhod. Yong video game na pinaglalaruan niya ang lumabas. Napa ahhhh ang SW.

Tumaas ang aking kilay.

Ulit. Ganoon din. Focus, click and wait.

Iba naman ang lumabas.

Uhmmm... Salbaheng anghel ko sa kaliwa talaga.

Ikatlo, lumabas din pero malabo ang bruise. Parang drowing lang.

Paalam na sila. Wala naman daw silang findings na magiging basehan para siya ikulong. Pero isang buwan ding dadalawin ng SW ang bahay para mamonitor ang progress ng disiplina sa bata.

Niyaya ako ng batang maghalo-halo.

Pero dumating na ang computer na inorder ko para sa kanila. (Bayad nila ha. Hindi nga lang sila marunong makipag-usap). Wala po silang mataas na pinag-aralan at ang trabaho nila ay hindi nagbibigay ng pagkakataon para sila ay matutong makipag-usap sa banyagang wika.

Assembler naman ako ngayon. Ala ,ayaw umilaw ang monitor. Yon pala hindi ikinabit yong plug. Tsee. (Bulong noong aking anghel sa kaliwa. Technologically challenged).

Order na rin ng internet high speed para sa kanila.

Pinay ang kausap ko. Mabait siya.

Pero ibinigay niya ako sa isang palagay ko ay call center. Para raw bigyan kami ng temporary internet connection habang nahihintay ng modem.May accent.

Tech: What's the dsl phone numbah please.

Me: You mean the phone number.

Tech: The dsl number.

Me: we got no dsl yet. what we need is a temporary internet connection while waiting for the modem.

Tech: But you have to set up an account with the ....

Me: Now you listen (Moron...hindi ko sinabi yan, sa isip ko lang). I (para sa kaibigan ko) have already an account with the phone company, i just made an order for the high speed internet; it was confirmed BUT it will take them 4-5 days to deliver the modem and other equipment needed for connection. so the lady suggested that we can ask you guys to have a temporary internet connection.

Techie: How can i do that, if you have no modem.

Me: Don't know. If it is not possible why did the lady made the suggestion. Anyway thank you. Blammmm

Ringgggg.

CSR: Maam, hindi pala kayo nagkaintindihan noong techie.

Me: Hindi naman Tagalog ang salita ko.

CSR: Three way calling ho tayo, ieexplain ko na dial up connection ang ibigay sainyo.

ME: Wag na. Gagamitin ko na lang itong mga libreng internet connection dito sa computer. tenks. makakalbo ako.

Pero dapat pala natanggap ko na kasi ang mga libreng aol at iba pang servers ay wala naring dial-up. Arghhhh.

Natapos kong i-connect pati printer, Office 2003. hmmm mahiram nga pero student and teacher version. Noon binili ko nga tinanong ako noong pinay sa sales associate kung teacher ako.

Wala na yong magulong bata sa tabi ko na pumasok sa kahon ng computer. Sinarhan ang sarili niya at nagsisigaw ng let me out.

Sabi ng anghel ko sa kanan. Buksan mo.

Sabi ng anghel ko sa kaliwa. I-shipback mo sa Dell.

Pagbaba ko ay may mga nag-iinuman sa baba. Barkada noong asawa. Malaki na ang ngiti niya ngayon, hindi kagaya kanina na hindi mo halos makausap.

Sabi nga ni Macabenta, Filipinos metamorphosed when they migrate to the US and other parts of the world.

Sabi ko sa sarili ko. OO nga pero may dala pa rin silang masamang bisyo. Ang hindi nga lang nila nadala ay yong kanto at ang mesa na puno ng beer at marka demonyo.

Dito ay formica table ang nasa harapan nila at mga malililiit na bote ng mamahaling alak.

Pinakilala ako ng kaibigan ko. Ako raw ang anghel niya. Sa isip ko at kayo ang mga demonyo.

Tanong ko, anong okasyon ang selebrasyon.

Sabi birthday pero alam ko selebrasyon yon dahil di siya nakulong.

Nasaan sila nang siya ay iniimbestigahan. Kasama silang nanakot sa kaniya at pinapayuhan siyang umuwi na sa pinas.

Buti na lang nakinig siya sa payo ko na harapin ang problema imbes na iwanan.

May mga kaibigan talaga, kasama lang sa sarap, hindi sa hirap.

Tseee. sabi ng anghel ko sa kaliwa. Tsee, sabi rin ng anghel ko sa kanan.

Himala, nagkasundo sila ngayon.

The Ca t

0 Comments:

Post a Comment

<< Home