Saturday, June 04, 2005

Nagseselos ako...

Dear mouse,

Naramdaman na ba ninyo ang magselos ?

Hindi ako selosa. Pwere pag gusto ko ang isang tao, selos ako.

Nakita ko kahapon ang pinagseselosan kong babae.

Bumalik muna tayo sa nakaraan.

Napanood ko ang Ten Commandments noong ako ay maliit pa. Rerun na yon at hindi ko alam matagal na palang ginawa yon. Sa akin ang mga actors doon ay mga bata pa. Crush ko si John Derek na gumanap na Josuah. Batang-bata pa siya doon. Tuwing rerun pag Holy Week pinanood ko. Sekreto ko yon. Hanggang makita ko ang retrato niya sa magasin. Matanda na pala siya. Kurap ako.Siya ba yon ? Pero ang crush ko ay yong bata niyang anyo.Kasama niya ang kaniyang asawang si BO Derek.

Kagabi palabas ang isang lumang pelikula ni Bo Derek.

Patay na si John Derek. Ewan ko kinurot na naman ang puso ko. Parang inagaw niya sa akin ang isang iningat-ingatan kong crush na hindi ko man lang pinaalam kahit sa malapit kong kaibigan. Pagtatawanan kasi ako.

Kaya Angelina Jolie, galit din ako saiyo dahil inagaw mo si Brad Pitt.

Pasensiya kayo, minsan kabaliwan ang nasa isip ni Pusa. Sinong makakapagsabing wala tayong dark side na minsan nagwiwish tayo ng mawala na sana ang kinaiinisan natin.ooopsie

The Ca t

7 Comments:

At 3:06 AM, Blogger kiwipinay said...

ang lekat na pusa at selosa pa pala. hoy! gumising ka na acheng! ahahahaha!! kala ko pa naman kung sino na yung pinagseselosan mo. eh patay na pala yung crush mo noh? maloloka ako talaga sa yo! sampalin na kaya kita noh? *lol*

 
At 6:13 AM, Anonymous AnP said...

ano ba yan Ca t, kahit dark side mo, kakatawa! hehe

 
At 10:34 AM, Blogger joffin said...

LOL anak ng pating CAT, sabi ko na nga ba amy punchline ito. buti na lang nasa bahay ako kundi magmumukha na naman akong lukring kung nasa library ako habang binabasa ko itong entry mo.

 
At 4:44 PM, Blogger cathcath said...

sige kiws, sabunutan mo pa.
hahahaha

 
At 4:46 PM, Blogger cathcath said...

anp,
yan ang sinasabing "dark humor".
pakikiss mo ako sa lalaki mo sa buhay. Yong cute na bata noh. kagigil talaga.

 
At 4:49 PM, Blogger cathcath said...

joff,
akala mo sino na ano. malay mo nga, nandoon ang dark side na hindi pwedeng ilabas. kailangan ko kasi ng flashlight. Charing. :):):)

 
At 4:07 PM, Anonymous Anonymous said...

What a great site Odds in craps Scanning barcode reader technology honeywell hwm 255 humidifier tenuate Riviera 1982 buick riveria Car seat covers animated Carisoprodol discount what is fioricet life assurance quote in scotland British columbia call centers Selective employee retirement plan

 

Post a Comment

<< Home