Ang Pasyon ni Hesukristo
Dear Mouse, Natira kami sa isang lugar sa Pilipinas kung saan ang Pasyon ay pangkaraniwang makikita sa bawat sulok ng bayan tuwing Mahal na Araw. Hindi ko naintindihan yaon dahil nakasulat ito sa sariling wika ng bayang iyon. Ang alam ko lang ay libre ang meryenda pag ikaw ay kumanta ng pasyon kahit na anong tempo ang gamitin. Habang ng matatanda ay kumakanta ng pasyon sa ganitong gawi...nang si Hudas ay nagtaaaaaaaanonggggggggggggg. haaay haaaay...samantalang ang kabataan ay nang si Hudas ay nagtanong (rock), siya ay sinagot..(rock).... Nang nasa college ako at pinag-aaralan namin ang World religions (assignment namin sa Philosophy teacher na pari)naganyak akong bumili ng Pasyon book sa Quiapo. Ito ay nasa Tagalog at nakasulat sa tula na may limang stanza. Doon nakasaad ang Genesis, ang paglaki ng TAONG sasakop sa mundo at ang salitang laging panakot sa akin noong ako ay bata pa."Ano ka Hudyo?". Tuwing Mahal na Araw at kami ay maingay ay maririnig mo ang salitang para kang Hudyo". Naisip ko tuloy, lintek na Hudyo yan, ano ba ang ginawa niya na naging kamukha ko siya? Nasa topic ako nang gospels kung saan ang apat na sumulat ay hindi magkasundo sa mga impormasyon tungkol sa pagkamatay ni Hesus nang maganyak akong basahin nang buong buo ang Pasyon. Sa mga hindi nakabasa sa Pasyon, magsasabing sobra ang pagsasapelikula ng paghihirap ng ISANG TAONG ang personalidad ay tagahasik ng pag-big, nang pang-unawa sa makasalanan at mapagpagpatawad sa mga nanumbalik sa mabuting asal. Pero basahin natin ito: Dunggol na ipinatiis niyong mga malulupit sa matamis niyang bibig, ang mukhang kaibig-ibig, dila'y di masulit. Para lumawit ang iyong dila sa pahirap, malakas na mga dunggol ang ibig sigurong sabihin. Iginapos na si Kristo sa isang haliging bato, Hinampas na walang toto Mahigpit na limang libo, na tagos hanggang buto. Ang paghampas bilang kaparusahan ay ginagawa pa rin kahit na sa modernong sibilisasyon kagaya ng Singapore at ng mga bayan sa Middle East. Naalala ba ninyo ang isang Amerikanong tinedyer sa Singapore na naparasuhan nang paghampas dahil sa tsiklet? Barbaric ? Bawal ang tsiklet sa Singapore. Mula ulo hanggang paa, matatadtad ng suplina, walang lamang nakikita, kundi sugat na lahat na, ang buong katawan niya. Sa mga hindi naniniwala na ipinako nga si Hesus, ito ang sinasaad sa Pasyon: Isa ngang pakong marilag ang nasa bayang karpentas na minamahal ng lahat kung ipagpiesta'y ang tawag, Clavo Santo ang pamagat. Ang ikalawa sa bilang, nitong pakong lubhang mahal nasa simbahannng Milan, Si San Carlos ang naglagay nang paroon at dumalaw. Ikatlong pakong maganda Isinangkap kapagdaka Nang Emperatris Elena, sa marikit na diadema, sa bugtong na Anak niya. Ang wika ni San Ambrosio, Pakong ikaapat ni Kristo ipinatapong totoo, ng Ina ni Konstantino, Sa dagat ng Adriatiko. Ang wika ng ilang doktor, Sa pakong yaon ni Hesus, ng maitapong matapos, sa tubig ay di lumubog, himalanang Poong Diyos. At ito ring Pakong mahal ang sa dagat na binitiwan, ang nasa Paris na Bayan, Sa templong mainam ni San Dionisiong mahal.a Sa mga magbabasa natin, mga tanong kung sino ang dapat sisihin, Hudyo ba? Romano ba ? tayo bang makasalanan na tinutubos ang kasalanan? O ang mga kasalanang nagtutulak sa mga tao para maging malupit sukdulang pumatay ng mga Inosenteng TAO. Ang mga Romano bang sundalo? Sila ay tagatupad lamang ng batas. Ang pag-aalis sa eksena ng mga high priests sa kanilang kalaban na si Hesus ay dapat legitimate. May kaso at may hatol para hindi lumabas na Siya ay biktima lang ng Simbahan. Ang Romano ang nakakasakop sa Herusalem. Relihiyon ba noon? Ang pagkakaunawa ko, hindi kinakalaban ni Hesus ang relihiyon ng mga Hudyo. Ang inaayawan niya ay ang pagpapatupad ng mga relihiyon ayon sa pag-iinterpret ng mga nasa mataas na Katungkulan noon sa Simbahan. Kahit sa panahon ni Hesukristo, ang takot na insecurity ay malaking pangit na dambuhalang nagtutulak kahit sa mga inaasahang makaDiyos na mga tao. Ang insecurity ay ina ng kasalanang pagsisinungaling, paghahabi ng mga gawa gawang akusasyon, ang pandaraya, ang pagpapatay sa mga taong pinaniwalaan na magiging sagabal sa kanilang mga balak. Hanggang ngayon naman ay nandito pa rin ang mga kasalanang pumatay kay Hesus. Hindi naman kailangang maging Hudyo, Katoliko, Protestante, Muslim o wala mang relihiyon. Hindi mo na kailangang tumanaw sa malayo. Mousey, masyadong mabigat itong tinalakay ko. (thud)...sound of a falling body.... The CA t
0 Comments:
Post a Comment
<< Home