bata batuta
Dear Mouse, May kalaro ako noon na sobrang bilib sa sarili dahil sa gawi ng pagpapapalaki ng magulang. Kailan ko lang nalaman ang naangkop na salita para ganoong gawi. TMPR. Too Much Positive Reinforcement. Yon ba yong kahit yong drowing niyang aso ay mukhang si Gollum, maririnig mo ang kaniyang ina na: " Wow, galing ng anak kong magdrowing, maggiging pintor ka niyan." Nang minsan ay may dula kami sa eskuwela at hindi siya ang nakuhang bida-supporting role lang-- katulad ko rin siya na halos walang dialogue, taga sunod sa bida, para bang miyembro ng gang na tagasunod at taga tsuwarewarewap lang. Nang araw ng palabas, bumili ng maraming ticket ang kaniyang ina at ultimong naghuhugas ng kanilang kotse ay inanyayahan para lang maraming pumalakpak sa kaniya. Masigabong palakpakan ang kaniyang inani sa sinabi niyang makabagbag damdaming " Here she comes". Nang magkaroon nang fund raising at nagkaroon ng Miss Philippines contest sa mga bata, number one siya dahil gumastos ang kaniyang ina ng libo-libo para siya at manalo. Ang isa naming kaklase na balak ring kumandidato ay pinili ang lumipad sa Hong kong kapalit nang hindi niya pagsali. Aanuhin daw niya ang korona at panandaliang tagumpay na habang nagpaparada siya sa labas ay makakarinig ka ng mga pintas na "Yon ba ang reyna, pangit naman pala". Nanalo lang yan dahil sa pera". Totoo, pero masakit. Pinamili siya ng kaniyang ina kung ano ang gusto niya. Kaya habang nagkakaway ang isa kong kakalse bilang reyna, ang isa namin ay nag-eenjoy sa HK. Ako, natulad ako kay Enrile. Maraming ubas ang pinipilit ubusin, pero ako ay nagkaroon lang ng dayariya. Pareho kaming lumaki na iba ang pananaw sa buhay. Naniwala siyang walang imposible at lahat ay puwede din niyang makamit. Pero ang nakalimutan ng kaniyang ina ay ang ihanda siya sa katotohanan na ang buhay ay parang tsokolate, minsan ay matamis, minsan any durog (layo noh). Maraming beses na wala siyang tagapalakpak. Maraming beses na nakakatanggap siya ng hindi na sagot. Ang dating mundong rosas sa kaniyang paningin ay naging technicolor at kadalasan ay abuhin ang kulay. Natuto siyang uminom. Una social drinking lang. Dumating sa sukdulang na hindi na siya makatulog kung hindi uminom. Bata pa siya ay mukhang dala na niya ang mundo. May karelasyon siya na hindi nagtagal dahil hindi niya naririnig ang mga positibong pananalita para lang magkaroon siya ng confidence. Ang mata niya ay namumula madalas. Sabi niya dahil walang tulog. Nakarating siya rito sa America dahil padala siya ng kaniyang ina. Kahit minimum wage pinagtiyagaan niya. Nanigarilyo pa rin siya. Pinakilala ko siya sa isang kaibigan kong binata. Pumunta sila sa isang bar. Para siyang isdang uminom ng tubig sa dagat. Pag-uwi niya ay lasing na lasing siya. Nagtatantrum. Dismayado ang aking kaibigan. Maihahalintulad din siya kay Poe na nahirati sa mga palakpak, sa mga tagahanga, kaya minsang may lugar na hindi siya tinanggap ay bigla siyang nawala. Kailangan maghanap nang dahilan nang kaniyang pagkawala. Maraming ubas ang mga kinakain ng mga kakampi ni Erap at ni Poe. Sawa na sila sa ubas. Kahit isang parang bata batutang nagtatantrum pagtitiyagaan nila kung ang batang yon ang aagaw ng korona na nakuha sa kanila. The CA t
0 Comments:
Post a Comment
<< Home