Friday, March 05, 2004

Bakasyon

Dear Mouse, Every quarter ay mayroon kaming isang araw na personal leave na pag hindi mo kinuha ay mawawalan ng bisa at hindi madadala next quarter. Nagpapirma ako sa bago kong bossing ng pl,--- approve kaagad siya. Marahil naitsismis noong pinalitan niyang boss na isa sa mga nagpapataas ng aking pressure ay ang hindi aprubhan ang bakasyon ko. Ang hindi niya alam ang aking ikinangiwi ay ang paghingi niya sa akin ang approved application sa pagkakasakit ko. Hellooooo, hindi mo malalaman kung kailan ka magkakasakit anoh at wala sa policy manual yan. Kailangan magbasa siya at magtanong sa HR. Talking about policy manual, nabasa ko ang isang balita tungkol sa dati namang cliente sa Pinas. Naalala ko tuloy kung gaano siya ka T. (tanga). That time, gumagawa ako ng handbook at policy manual sa kumpanya nila.(Boss ko ang consultant, workhorse lang ako. tigidig tigidig.) (take note, kaya lang naging General Manager ang cliente namin , dahil tatay niya ang may-ari ng conglomerate). Ininterview ko siya sa mga procedures para makagawa ako ng flow chart nang lumapit sa kaniya ang kanilang Accountant. "Sir, overdraft ho ang bangko natin". Bigla siyang sumagot, mag-issue ka ng tseke at ideposito mo. Tanong ko sa Accountant, ilan ba ang bank account ninyo? " Sabi niya, isa. Atcheche. Tama ang hinala ninyo na ang artikulo ko ay mauuwi sa pulitika. (Ayan inunahan ko na kayo). Sabi ng mga kampon ni Poe taga desisyon lang siya dahil marami namang matatalinong makakatulong sa kaniya. Eh kung gaya niyang General Manager na inutusan ang Accountant niya para gumawa ng tseke na galing din sa bangko na may overdraft, gusto kong ipukpok ang aking ulo sa aking desk. tong tong tong. Naalala ko tuloy ang pagpapalaya ni Erap doong sa dating criminal na life ang hatol. Anong excuse niya? Kasi nakasama raw ang pangalan doon sa bibigyan ng parole na pinirmahan niya. Malay daw ba niya. Tong tong tong. Para rin yong isang opit mate ko na sinabihan kong itsek ang balumbon ng tseke kung may nawawalang numero o mali ang pagkakasunod sunod bago ipasok sa printer. hindi sumunod. Resulta, maraming tseke ang pinawalang bisa dahil may isang numero ang nawawala at ang sequencing ng tsekeng na print ay hindi kagaya ng nasa system. Tapos sasabihin sa akin hindi niya magawa dahil marami kasi. Hellowwwww, trabaho nga yon eh at hindi pagkaalam o ordinaryo lang na katamaran ay lalong magpapatagal sa trabaho. Hindi ibig sabihin ang walang pinag-aralan ay walang utak pero may mga trabaho na may desired level of expertise and skills; adequate know-how and a lot of common sense kaya kung sasabihin ng iba na kahit high school drop out ay puwedeng maging presidente, helllowwwww. May alam nga akong magsullat ay nakakaimpress, may mga graph pa at statistics kahit di niya alam kung anong kaibahan ng linear at ang stastical projection pero makita mo at bumilib sa plataporma na pag binasa ko ay para akong nagbabasa ng policy manual. Tong tong tong... Huwag ninyo akong akusahan na mainit ang ulo ko dahil naconvict si Martha Stewart. Sa totoo lang hindi ko gusto ang mga producto niya. Baduy. Chee. The CA t

0 Comments:

Post a Comment

<< Home