Thursday, March 04, 2004

Bakit ba ganyan ?

Dear Mouse, Kung si FPJ ay natural born Filipino, paano naman ang mga Filipino na binigyan ng US citizenship dahil isa sa magulang nila ay US citizen. Baka ang sabihin sa kanila ay --kung ang SUpreme Court ninyo, kinukonsidera na natural born kahit na ang ina ay Merkana, paano ninyo kami makukumbinsi. Para bang ang nangyari, ay kung ang magulang ninyo, sinasabi na hindi kayo mabait, kami pa kaya. Kaya lang pusa lang ako kaya hindi ko alam ang sagot. Sa aking kaunting nalalaman ang US citizenship ay puwedeng makuha sa dalawang paraan; natural born ka o naturalized. Ang natural born ay yong mga pinanganak na ang magulang ay parehong citizen, natural man o naturalized. Yaong mga mestiso na isa sa mga magulang ay citizen, regardless of the birthplace at yong mga ipinanganak sa US regardless of the nationalities of the parents ay nagiging citizen din pagdating ng takdang araw na gusto na nilang angkinin ang pagiging Kano. May kaibigan ako na dahil lakwatsera ang parents niya kahit buntis ang ermats niya, ipinanganak siya sa New Jersey. Pag-abot niya nang edad na nagdecide siyang maghanap ng trabaho sa Estet, pumunta naman siya sa Embassy, ibinigay ang birth certificate at binigyan siya ng US passport. May kapitbahay naman ang aking kapatid na bastarda. Pero ang apelyido niya ay sa tatay niyang 'Merkano na nang umuwi sa Estet ay kinalimutan na sila. Mabuti na lang at ang nanay niya ay may pagka obsessive-compulsive(yon bagang hindi mahilig magtapon ng papeles o basura dahil nasa isip niya ay baka kailanganin balang araw . O di kinailangan nga. Hiningan si Kapitbahay ng mga papeles para patunay na ang tatay nga niya ay Puti, baka raw anak -araw lang siya. Kinalkal ng ina ang kanilang baul at inilabas ang mga sulat na galing sa "Merkano". Kumbinsido naman ang mga nasa embassy dahil hindi yon puwedeng mapeke ng Pilipino. Iba ang English ng Kano sa English ng Pinoys. Maganda ang English natin.hehehe Pangkaraniwan o sop na tinatawag na aside from birth certificate, marami pang hinihinging patunay ang embassy para maestablish ang pagiging kamag-anak hindi dahil sa sinasabing mahilig mameke ang mga Pinoy. Kaya yong isang naisulat sa diyaryo na ininterview para sa working visa at pinagtatanong ng skills niya bilang inhenyero dahil sinabing mahilig daw tayong Pinoy mameke, that's crap. Isa, sino mang consul na nagsabi noon ay maaring i-complain. Masama yon. Sabi nga nang aking tagapa-alaga noong maliit pa ako. Titikwas ang labi mo niyan. Dahilang inaplayan niya ay working visa para inhenyero, natural lang na tanungin siya tungkol sa nalalaman niya sa engineering. Kung accountant naman ang inaplayan, siyempre ang tatanungin diyan ay tungkol sa accounting. Merong isa na approved na dito sa Estet ang H1 niya na bumagsak pa sa interview diyan sa embassy dahil tinanong kung anong job description niya at ang sinagot niya ay para sa bookkeeper. Ang bookkeeper ay nagtatago ng libro (MEOW) --na kahit yong tapos lang dito ng 2 year vocational ay puwedeng mag-apply. Ang accountant ay yong mga nagbabalanse ng libro. Sila ang mga sirkero at sirkera na pagkatapos ng buwan ay di mo na makausap sa init ng ulo. Sandali pinag-uusapan natin ang citizenship, bakit napunta sa embassy. Kaibigan ba kayo ng SC ? Sandali nasaan ba ako ? Sino ba kayo. The CA t

0 Comments:

Post a Comment

<< Home