Nagkukuwento lang
Dear Mouse, Biyernes ang paborito kong araw. Lalo sa gabi na pagdating ko ay nanonood ako ng one to sawa sa TV. Kaya nang tumawag ang aking kaibigan kung puwede raw magconsulta tungkol sa isang bagay ay may condition ako--kailangan makauwi ako nang maaga para hindi ko mamiss ang mga pinanonood ko. Ayaw kong irecord, baka alam ko na ang ending, ikuwento ko pa sa sarili ko.(disclaimer,sa mga kaibigan ko, ultimong pagkawala ng pusang bumalik ay ikinukonsulta pa sa akin, meow). Sulat mula sa dating amo ng asawa ng aking kaibigan ang ipinakita sa akin. Nananakot. Takot siya. Ako hindi takot kasi hindi naman sa akin ang sulat.(meow). Mayroon kasing praktis dito na papirmahin ang empleyado na hindi makikipagkumpetensiya ang empleyado sakaling umalis siya sa pamamagitan ng pagtayo ng ganong klaseng negosyo sa loob nang panahon (tatlong buwan o isang taon) either empleyado, consultant o isang stockholder. Ang sulat naman ay banta na tigilan na ng asawa ng kaibigan ko ang pag-imbita sa mga dati niyang kasamahang empleyado at pagdidivulge raw ng trade secrets na kasama sa inilagay doon sa pinirmahan niya. Ang pinirmahan niya ay ang hindi pagkumpetensiya sa negosyo na sa ilang States ay kinukunsiderang illegal(uneforceable) dahil nirerestrict ang kumpetensiya at ang means of livelihood ng datimg empleyado. Isa pa kaya nga nakakapagtayo ng negosyong ang taong ire ay dahil sa experience na natutuhan sa pinasukan nila. Bakit nila ipagbabawal. Ang sulat naman ay pagpapahinto sa kaniya nang paghire ng mga empleyado na gustong lumipat sa kanila. Wala namang naksaad na ganoon doon sa non-disclosure agreement niya, Ano ba pinag-usapan nila na masasabing trade secret. Sabi niya ay yong unstable financial condition, yong room for growth at di magandang pamamalakad ng may-ari. Eh hindi naman pala trade secrets yon. Ang financial condition ng kumpanya ay hindi trade secret. Ito ay mababasa ng mga stockholders, management at mga empleyado...hellllllllo. Sa Estet na sinusunod ang employee at employer na anytime puwede kang lumayas at palayasin ng walang kaabog-abog at walang luha, pag nakita nilang lumulubog ang kumapanya, walang makakapigil sa kanila na umalis. Sa Pilipinas ay puwede pa silang pakiusapan na hindi magsweldo habang wala pang pera, dito, huwag mong suwelduhan ang tao at patay kang bata ka. Walang maraming martir dito. Pati ang mga sumasali dito sa demnstrasyon ay binabayaran para magbitbit ng placard. Yong iba naman ay gustong makita sa TV news. Maraming industriya ang masasabing wala namang trade secret, dahil ang negosyo nila ay pangkaraniwan lang. Kung may dapat silang protektahan ay sa Patent office sila pumunta total ang patent lawyering dito ay lucrative profession. Kaya yong coffee cup na inimbento ko (yong kusa siyang magtitimpla ng kape, papasok sa kuwerto, gigisingin ako at ibubuhos ang kape sa aking bunganga para ako magising mula sa pagpupuyat) ay pinakukunan ko ng patent. meow. Yong mga kumpaniyang may research at may bagong mga produktong dadalhin sa market ay may mga confidential information na hindi dapat ikwento o itsismis ng empleyado na isa sa mga pinagkatiwalaan ng sikreto. Ang mga empleyadong pangkaraniwan na tulad ng maintenance at housekeeping ay hindi pinapipirma dahil ang mga assumptions ay wala silang kapabilidad para makaintindi o magkaroon ng interes sa mga ganoong klaseng impormasyon. Hindi alam ng iba na ito nang mga taong ito ay minsanang pinanggalingan ng mga ganitong impormasyon dahil sila ang nakakapasok sa opit ng mga taong may hawak na sikreto. Lalo yong mga taong burara o kaya ay tamad nalumakad doon sa shredding machine. Minsan naman ay di talaga tanga ang pumapasok, nagtatangatangahan lang para maacess ang mga confidential information pero huwag ka marunong isyang magdownload, marunong siyang magretrato ng mga documento. SANDALI ano bang channel itong pinanood ko? Law and Order ba itong pinanood ko o rerun ng James Bond. Kung inaakala ninyong nakalimutan ko ang pulitika, hindi ah. Iniiisip ko lang kung paano nakipag-usap si Poe doon sa sinasabing labing walong ambassadors ng ibang bansa. May interpreter kasa siya? Bakit nasa bahay bakasyunan si Erap? Balik tayo sa sulat. Tanong niya ano ang sulat na iyon? Yon ang nastygram na sinasabi. Tanong niya, puwede ba akong idemanda? OO, dito sa Estet na ultimong pagkadulas ay puwedeng idemanda ay puwede silang magdemanda. Ang problema ay kung mananalo ba sila ? Kahit alam nilang hindi sila mananalo ay itinutuloy para lang makagulo. Nuisance ba. Saka walang abugado ang magdidiscourage saiyo kung makikita nilang takot ka. Lalo ka nilang tatakutin. So tanong niya, ano ang kaniyang gagawin. Binigyan ko siyang mahahabang karayom, stuffed toy na kamukha ni Dilbert at pinayuhan ko siyang tusuk tusukin niya habang sinasabi niya ng nakakatakot na mantra. >>>inamo>>>>inamo... Patawad po. Kung may e-mail lang ako tiyak may susulat na pagagalitan ako. Down pa po aking Ey o el. The CA t
0 Comments:
Post a Comment
<< Home