Tuesday, April 27, 2004

Swans, ducks, Dr. Belo and Dr. Emer


Dear Mouse,

Si Inababes ang unang nagsulat tungkol sa The Swan. Ito yong mga babaeng karga ang problema ng mundo sa kanilang katawan, sa mata, sa mukha at sa utak. Naging fairy godmothers and team ng dermatologist, cosmetic surgeons, stylists, aerobic gurus and therapists para gawing Swan ang isang uglyduckling. Sabi nga ng fairy tale, the ugly duckling turned into a beatiful swan.

Unang episode, gumanda nga ang mukha pero halos 'di makapagsalita yong isang contestant dahil masyado yatang banat yong muscles.Takot siyang baka bigla na lang mag-snap.

Pano napasok si Dr. Belo dito? Di ba ganoon din ang ginagawa niya sa mga artista natin. Dati hush hush ang kanilang mga pagpapaayos ng ilong, bibig, eye bugs, sagging facial muscles, drooping eyelids. Ngayon matapang na silang aminin na sila ay Salamat po Doctor. Sila rin hindi sila bibigyan ng malaking discount.

May nakita rin ako na isang artistang nagsailalim ng non-surgical facelift--yon bang nilalagyan ng mga sinulid yong loob ng mukha. Pagkatapos ng operasyon, tuwing tatawa siya ay hinahawakan niya ang kaniyang dalawang pisngi at feeling niya ay baka maputol ang mga sinulid biglang bagsak ang isa niyang pisngi ---di hindi pantay.

Paano naman napasok si Dr. Emer dito. Hindi siya cosmetic sugeon ha. Siya ay talagang doktor na mahilig umurirat ng mga samot-samot na issues na nagpapaputi sa buhok natin, nagpapadami ng eyebags dahil sa problemang kaiisip. Ang maganda dito ay talagang doctor siya kaya pag nagbigay siya ng mga opinions ay maniniwala ka. Kagaya ni Atty. Sassy tungkol sa mga legal issues.

E bakit nga nasama si Dr. Emer sa titulo.

Ganito yon. pumunta kayo kay Dr. Emer. Kung nabasa na ninyo ang article at wala pang bago dahil busy siya sa pakikipagbuno sa kaniyang mga pasyente, puntahan ninyo ang links niya.
Kung kayo ay kumakain habang nagbrobrowse, i click ninyo ang Autopsy Report. Siguruhin ninyo lang na hindi kayo kumakain ng bulalo o kaya dinuguan.

Pero ang pinakainteresante ay yong mga Awful Surgeries. Gusto ninyong malaman kung nagpaayos din ng ilong si Dubya?

Kung mahina ang puso ninyo,huwag ninyong i click ang before and after, before and after, before and after ni Michael Jackson. Remember ilong daw lang ang pinaayos niya. At kung gusto ninyong makita ang mukha ng aking paboritong si Catherine Zeta Jones bago siya naging Mrs. Michael Douglas, hah sasabihin ko sainyo, bibilib kayo sa The Swan.

At ang forever young na si Cher na marumi ang bunganga dahil ayaw magpalapit kahit kanino...kaya naman pala, pag malapitan, mukhang hukluban na rin.

Si Farrah Fawcett ay mukhang witch, ganda pa naman niyon. sandali bakit ko ba idedescribe. Punta na kayo kay Dr. Emer noh. Babalik-balikan niyo para makita ninyo ang mga magagandang pumangit at mga pangit na gumanda at ang mga boobs na lumiit, lumaki. hehehe

Ako talagang maganda. Arekup..nambato na naman agad eh.

The CA t

0 Comments:

Post a Comment

<< Home