Friday, May 14, 2004

Basta ayaw kong isulat

Dear Mouse,
Nagbasa ako ng diyaryo. Nagbasa ako ng blogs. Balik ako sa diyaryo. Nag-aaway ang mga pulitiko. Hindi na political issues. Personalan. Nagbasa ako ng mga blogs. Nag-aaway ang mga bloggers. Hindi dahil sa political issues. Personalan.

Gusto kong sumulat pero ayaw kong sumulat. Baka naman ako ang awayin...ng sarili ko. Ayaw kong isulat ang mga tanong na nasa isip ko:

1. Bakit ang mga kandidatong nakakuha ng hindi karamihang boto,walang sampung porsiyento ng mga botong nabilang na ay hindi pa rin nag coconcede.

2. Bakit ang lider ng isang religious organization ay nangunguna pa sa pagsabing hindi niya matatanggap ang isang bogus na president. Sino ba ang ineexpect niyang maging Presidente,siya dahil sinabi sa kaniya ng Diyos? kahit na hindi si GMA ang nananalo, malayo pa rin siya sa first place. Marahil ang mensahe dito ay magpatuloy na lang siya sa napili niyang bokasyon kung saan siya naging matagumpay. Ang pagtutulong sa mga tao sa paghanap ng buhay na spiritwal. Nguni't kung talagang susundin niya ang yapak ng kaniyang napiling pagsilbihan, dapat ay hindi siya napunta sa pulitika.

Render unto Caesar the things which are Caesar's and unto God, the things that are God's.

Makakatulong siya sa pagbabago ng bansa hindi sa pamamagitan ng pagiging presidente kung hindi paghubog ng magandang ugali ng mga kabataan.

3. Binoto ng kapatid ko si Roco. Malinis daw ang kunsensiya niya kahit natalo ang taong iniisip niyang magiging magaling na pangulo. Ayaw din ni Roco na magkaroon siya ng partisipasyon sa gob- yernong uugitin ng kaniyang naging kalaban.

Sana ay magbago siya ng isip. Isa siya sa mga taong nag-aangkin ng galing na may magandang reputasyon. Maraming magagaling ang utak ngunit ang reputasyon ay kasing baba ng kanal na inaagusan ng maruming tubig.

Wala akong pakialam sa away ng mga bloggers. Problema nila yon. Kaya lang masarap magbasa ng mga away.

Ahhhhh ayaw ko itong isulat. At tulad ng dati pag ako ay atubili ,ako ay nagdadalawang isip, o kaya ay ibig kalimutang ang aking iniisip, gumagawa ako ng mga bagay na magbibigay ng abala sa aking utak.

Pinalitan ko ang template ng aking blogsite. Nangangati pa rin akong sumulat. Tumawag ako sa Pilipinas, nakipagkuwentuhan. Laki na naman ang phone bill ko.

At last, naisipan kong maglunoy sa bathtub. Binalak kong magbasa. Kinuha ko ang kararating na Readers' Digest. Isang pahina, dalawang pahina, ikatlong pahina.

zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz
Akala ko Sirena ako na naglunoy sa tubig. Masakit ang aking batok. Hindi ko ginamit ang unan.

Pagpasok ko ay madilim sa kuwarto maliban sa ilaw na nanggaling sa aking lap top. Sumulat pa rin ako.
Salbaheng mga daliri. Adik talaga.


The CA t

1 Comments:

At 10:10 AM, Blogger Dr. Emer said...

sinong mga bloggers ang nag-aaway, Cat? nawawala na naman ako sa loop. ok ang bago mong layout. are you ditching haloscan now in favor of blogger's new comment system?

 

Post a Comment

<< Home