Wednesday, May 12, 2004

Continuation ng Papogi…


Sabi ko sainyo, umiyak ako nang mapanood ko ang programa.

Ramon Magsaysay

Siya pala ang tatay ni Ramon Magsaysay Jr. Ang aking pamilya ay mahilig sa pulitika. Maliit pa akong bata ay almusal na ang pulitika. May mga pangalang nababanggit na doon lang sa Papogi ko nakita. May tinuran si Manolo tungkol sa suporta ng Puti kay Magsaysay dahil ito ang isang “winnable candidate”.Narinig ko sa matatanda yaon pero hindi ko nawawaan. Ang tawag nila ay AMBOY.

Diosdado Macapagal at Rogelio dela Rosa

Kung hindi sana umatras si Rogelio ay hindi si Erap pang unang artistang mahahalal na pangulo.

Marcos

Dito ako nagsimulang umiyak. Hindi ito pilit. Kusa lang na dumadaloy. Marahil dahil marami na rin akong aklat na nabasa tungkol sa madilim na kabanata ng ating kasaysayan kagaya ng Conjugal Partnership.

Dapat sabihin ko ay halo ang aking damdamin.

1. Inis

Habang sumasayaw si Imelda sa mga iba’t ibang mga bisitang taga ibang bansa para lang maisakatuparan niya ang kaniyang pag ka Social butterfly sa international society.

Habang nagtatalumpati si Imee Marcos na dinudusta si Tita Cory.

2. Awa at inis

Nang ipinapakita si Marcos na itinataas ang kaniyang polo para ipakitang wala siyang operasyon na katulad ng sinasabi ng mga kalaban.

Nang siya ay parang isang uto –utong nag-eexercise na siguro kung may ihip ng hangin ay nadala na siya dahil sa kaniyang kapayatan.

Nang siya ay clinoclose-up at ang mukha niya ay parang baku-bakong mga nuno sa punso dahil sa mga gamot na ininject sa kaniyang sakit.

Nang siya ay kailangang kargahin papunta sa stage, hindi dahil siya ay pinagmamalaki kung hindi ayaw nilang mahalata ng publiko na hindi na siya makalakad.

3. Paghanga

Habang pinapanood ko si Ninoy Aquino na nagrereklamo sa pamamaraan ng paglilitis ng military sa akusasyon sa kaniya ng gobyerno ni Marcos.

4. Kalungkutan

Nang Makita si Ninoy na nakadapang wala ng buhay; nang siya ay nakaburol; at dinadalaw ng mga tao, parang nanumbalik ang kapanahunan nang mamatay si Magsaysay, mahaba ang pila ng mga mamamayang ibig siyang matunghayan sa huling pagkakataon. Ang pagkakaiba nga lang ay ang mga taong dumating upang magbigay ng pugay sa dalawang dakilang Tao, kay Magsaysay ang mga tao ay walang dapat ikatakot samantalang ang kay Ninoy ay inalis ng mga tao ang takot para ipakita ang pakikiramay sa Pamilya Aquino.

5. Hindi maipaliwanag na damdamin

Nang makita ang pagbabago ng expression ng mukha ni Ninoy nang siya ay tumayo upang lumabas sa eruplano. Naramdaman kaya niya ang nalalapit na kamatayan.

Nang Makita ko ang dami ng taong sumama sa libing.

Nang makita ang ko pagboto ng tao kay Tita Cory.

Naalala ko ang aking ina na isang Namfrel Volunteer.

Naalala ko nang araw-araw ay umaalis siya at may suot na dilaw na pang-taas.

Naalala ko ng isang mukhang istudyante ang lumapit sa aming kotse at pinagbilhan kami ng yellow ribbon, tulong daw sa pakikipagbaka sa diktador. Huli na nang malaman naming isa siya sa mga sumakay sa pagka popular ng kulay na dilaw at nangloko sa mga taong kagaya naming mga TANGA. Gusto siyang habulin ng aking ina na kasamang nabasa ng tubig nang pinilit na military na buwagin ang mga kawit-bisig na mga mamamayan para protektahan ang dalawang opisyales ng gobyerno na tumalikod sa kanilang Presidente. Buti hindi na namin siya nakita dahil kung hindi ibibitin siya sa puno ng aking aktibistang ina.

Ang showbiz na showbiz na dating ng pagkampanya ni Erap.

Ang mga larawang sila ay magkabati pa. Sino nga ba ang nagsabi na there are no permanent friends, only permanent vested interests?

Ang mga nakakasulasok na pagpapakita kay Erap na kumakain nang nakakamay. Ang balita ko noon ay maaga pang binibili ang mga pagkain para ihatag sa isang lugar ng mga mahihirap upang siya ay magpictorial. Sa tagal ng hintay sa kaniya dahil kung gumising daw ay mag-aalas dose---ang tuyo ay lumaki na at naging daing, ang mga gulay naman ay namulaklak na...at ang mga karne ay naging tosino na.

Ang impeachment trial na sinubaybayan ko sa TFC. Ang mga senador na pumirma ng No at ng yes, ay magkakasama na sa isang partido. Isa sa mga dahilan nang paghanga ko kay Roco nang kapanahunan na iyon ay ang kaniyang pagiging maginoo at mapagparaya kahit nasa may pagkabaliw na si Mirian.

Papoging katakot-takot. Si Tita Cory lang ang hindi nagpapogi dahil hindi naman siya lalaki. Ang damit niya ay walang korte at hindi maganda ang pagkaguhit ng kaniyang kilay. Pero siya lang ang babaeng presidente ng bansa ang naging Man of the Year. Macho rin. Pinatatawad ko na si Kris sa kaniyang kabuwangan.

The CA t

0 Comments:

Post a Comment

<< Home