Ang lolo at si apo-baby talk
Isang taon siya at may tatlong dangkal ang taas.
Isang taon siya at animnapu at kulang kulang sa tatlong dipang taas.
Sila ay mag lolo.
Retirado na ang lolo at ang libangan sa buhay ay dalawin ang apo sa bahay ng magulang nito, araw-araw.
Unang anak at unang apo, siya ay kinakitaan na ng talino sa murang gulang.
Pakinggan natin ang kanilang pag-uusap.
Lolo: Good morning my sweet, kumusta ba ang aking magandang apo?
Apo: Da, da, da (Translation: Buti naman, ito nakapaligo na at hinihintay ka na lang) Sabay yuko para pahalikan ang bumbunan.
Araw-araw, dinadala ni Lolo si Apo sa bintana para ipahanap ang ibon, ang bulaklak at ang pusa. Ilang araw lang na ginawa niya ito at kusang ginagawa na ni Apo ang pagpunta sa mga lugar na iyon ng bahay.
Lolo: O saan tayo pupunta? Tanong ni Lolo nang abutin ni Apo ang kaniyang kamay at hilahin sa may bintana. Sa isip niya, magaling talaga itong batang ito na makaalala.
Apo: Da da da (Translation: Baka kasi gusto mong makita yong ibon)
Lolo: Where is the bird?
Apo: Da da da da ( Sabi ko na nga, hahanapin na naman niya ang ibon. Bakit kaya?) Sandali maituro nga. Baka kaya dahil sa Malabo na ang kaniyang mata)
Lolo: Where are the flowers?
Apo: Da da da da ( Hindi naman umaalis itong bulaklak, bakit lagi niyang hinahanap. Sabihin ko nga sa mommy na ilagay sa pasamano. Baka hindi siya makayuko dahil sa rayuma?)
Lolo: Let us look for the Cat (hindi ako). Pumasok na sila sa sala para maupo sa couch kung saan malapit ang pusa.
Apo: Da da da da ( Nakita ko pa lang si Tubby, kaninang sumalubong. Nasaan na kaya yong lintek na pusang yon. Palagi niyang hinahanap yon. Kasi siguro wala siyang pusa sa bahay dahil may ibon siya).
Lolo: What is this ? Hawak ang remote at pinapakita sa Apo.
Apo: Da da da da (Ganito yon, pindutin mo ito, may lalabas na tao diyan sa TV. Pindutin mo ito,mawawala yong tao sa TV. Pindutin mo ulit, lalabas na naman yong tao. Pindutin mo ulit, mawawala iyong tao. Alam mo na ba ‘ Lo ang paggamit. Buti wala si Dad, kung hindi, hindi natin ito mahahawakan. O sige manood ka na at ako ay maglalaro.
Lolo. I wonder where my baby is ? Kunwari hindi niya nakikitang palayo itong lumalakad at papunta sa may pusa. Alam niyang hihilahin na naman nito ang buntot.
Apo: Da da da da (Ooops, nakita niya akong patalilis. Kailangan bumalik at magpakitang nasa malapit niya ako. Akala ko ba Malabo ang mata niya.
Lolo: Oh there you are. Hugs hugs hugs.
Apo: Da da da da (Para kaming mga amiga ni Mommy, beso beso, hugs hugs).
Lolo: I wonder where my baby is now? (Nanonood sa TV pero nakita niya sa sulok ng mata na tumatakbo na naman si Apo sa may pinto.
Apo: Da da da da (Paano kay a niya nalaman na paalis ako. Ito talagang matatanda, malakas ang pang-amoy. Kagaya ni Mommy, kahit tahimik ako, alam niyang may “ ginawa” ako. Pag laki ko siguro at lumaki ang butas ng ilong ko kagaya sa kanila, siguro maging malakas din ang aking pang-amoy. Makabalik nga at makapag-beautiful eyes.
Lolo: Oh there you are. Hugs, hugs, hugs
Apo: Da da da da (Kitam, beautiful eyes ko lang, natutuwa na siya. Mababaw talaga ang kaligayahan ng lolo ko).
Mga ilang sandali ay tumalilis na naman sa apo, papunta naman sa may dingding.
Apo: Da da da da (Parang may nakita akong butas doon (Outlet). Masundot nga. Sandali bakit yata hindi niya ako hinahanap. Makabalik nga. Oy, tahimik si Lolo. Ang mga matatanda talaga, pag nadikit ang likod tulog. Ako, kailangan pa nilang bigyan ng gatas, himasin ang tiyan at bumbunan para makatulog. Magising nga muna si Lolo. Paano kaya ? Ah alam ko na. Waaah waaah waaah
Lolo: Ow wats the matter, my baby, you’re hungry?
Apo: Da da da da (Bakit ba pag umiyak ako, akala nila palagi akong gutom. Ginigising ko lang naman siya).
Lolo: Come on let's eat Cheerios.
Apo:Da da da da (Nakakapagod naming kainin yon. Pinadadampot niya sa akin isa-isa).
Dumating na ang mommy niya mula sa pag grocery. Kinarga siya at nagpaalam sa lolo niya na uuwi na sa kaniyang bahay.
Lolo: Bye, sweet heart at hinalikan siya sa pisngi.
Apo: Da da da da (Hinalikan din ang lolo niya ng nakabukas ang bibig kaya laway ang tumama sa pisngi ng lolo.) Translation: Bye Lo, balik ka ulit. Ipapasyal ulit kita sa bintana. Sasabihin ko sa daddy ko hulihin niya ang ibon para di mo na lagging hinananap.
Mommy: You are sleepy, honey?
Apo: Da da da da (Translation: Yes, mommy, napagod ako ng pagbabysit sa Lolo ko. Masyadong makulit. Ganoon ba ang mga tumatanda. Ayaw kong tumanda.
The CA t
0 Comments:
Post a Comment
<< Home