Sunday, May 09, 2004

PAPOGI: Imaging of the Philippine Presidents


Dear Mouse,
Mugto pa ang mata ko. Ewan ko ba, hindi naman ako dapat umiyak. Pero naubos ko yong isang travel pack ng Kleenex. Kapapanood ko lang noong PAPOGI: Imaging of the Philippine Presidents. Huli ako ng few minutes dahil umakyat pa ako sa aking bedroom habang ang TFC ay nasa sala. Ako ay si ASYANG Aksaya ngayon. Tulad noong ipinalabas ang impeachment trial ni Erap, maghapon, magdamag ang aking TV kahit walang nanonood. Nakita ko ang director…ah siya pala ang Joey Reyes. Tapos may lumabas sa screen na pamilyar ang mukha.Si manolo. Gusto ko ang presentasyon tungkol sa kaniyang lolo. Unang kita ko sa mukha niya sa mga aklat ko sa history books at Philippine Government, hindi ko mareconcile ang image ng kaniyang pagkanasyonalista at ang pagiging mistiso. Para bang ang imagination ko sa kaniya ay ang aking grand-uncle na may malaking retrato sa sala ng kanilang ancestral home na nakaputi na pantalon, puting amerikana…(madalas tuloy naglalaro sa isipan ko na bakit nasusuot ang’merkana, akala ko ba ito ay babaeng ‘merkano napag dinagdagan mo ng Pan…ay nagiging sliced bread). Gulo nila sa isip ko. Anong palaman ? May roon siyang tungkod at may sumbrerong puti. Sa dami ng mga pinakita, ito ang nag-iwang ng impression sa akin.

Pangulong Quezon.. Hindi siya nag pakita ng inferiority sa mga Puti. Hindi rin niya masikmura ang mababang trato sa atin bilang Pilipino na sa sariling bansa. Ang isinalaysay ni Mlq tungkol sa pag-kakaabot ng ‘Merkano sa kaniyang lolo na nakakansulsilyo lang at hindi nagbihis upang ipakita na sa kaniyang bahay, siya ang hari sa kaniyang pamamahay ay nag-paalala sa kuwneto ng aking mader tubgkol sa aking pader na inabutan din ng bossing niyang “Merkano na puno ng bula ang kamay habang naglalaba ng damit dahil kapapanganak lang ng aking mader. Hindi pa dumadating ang mga imported na mga house secretaries sa probins kaya pansamantala siyang labandero.hindi rin siya nagbihis at inabot pa raw ang kaniyang kamay na puno ng bula. Sabi ni madder, hindi raw ba siya nahihiya at inaabutan siya sa ganong ayos. Sabi ni pader: sa bahay ko ako ang hari,pinadilatan siya ni mader. Bigla siyang bawi. Minsan reyna. (Nabanggit ko na isa sa mga blog ko ang anecdote na ito. Kinalkal ko lang ulit ).

Isang leksiyon ito sa mga Pilipinong mayroong inferiority sa mga Puti. Isipin natin na pareho rin nating silang Tao. Ani nga ni Pader, kumakain lang sila ng sangwich at tayo ay kanin, pero ang simoy ng hangin na lumalabas pag masama ang ating sikmura ay ganoon din ang amoy. Matindi man ang amoy sa atin, pareho pa rin ang tawag diyan. Masamang hangin. Galing ng pilosopiya ng aking pader anoh. Wala siyang kinatatakutan kung hindi ang aking mader lang. CEO nga siya. Chairprerson naman si madder. Behh
Itutuloy.

The CA t

0 Comments:

Post a Comment

<< Home