Madugo talaga
Dear Mouse,
This is not for the boys. Need parental or wives' guidance.
Marami akong sick leaves pero hindi yan ang dahilan kaya nandito na naman ako sa bahay. Bukas ay scheduled akong tusukin para paduguin ng mga bampirong nakaputi. Titingnan daw nila kong ang may natitira pang pula sa aking dugo.
Ganito yon. Noong umuwi ako ng Pinas ay isinama ako ng aking kaibigan sa isang tindahan sa Barclay para siya bumili ng Chinese gamot. Ang ineexpect ko ay mga dahon dahon at mga ugat-ugat na nasa bote ang kaniyang bibilhin. Hindi, ito ay in capsule form at nasa plastic bottles.Ang siste nito ay walang ingredients na nakalagay at kung mayroon man ay nakasulat sa insik. Hindi nila puwedeng i-claim na ito ay gamot kung hindi supplemento lang. Inerekomenda ng kaibigan ko ang isang " supplements" para mabawasan ang paghihirap sa mga dalaw buwan- buwan na kinaiinisan ng mga kababaihan pero hininihintay namang dumating pag nakalimutang gumamit ng raincoat protection. Ang tawag sa Pilipinas, mens o mense. Bakit kay "men" eh monthly period naman ng babae. Gulo nila.
Nang bumalik ako sa Estet, ipinakita ko sa aking ka-opit na insik. Yong iba nabasa niya yong ingredients, pero merong iba na hindi niya maintindihan. Isa pa malabo ang instructions...take three tablets-three times a day. Kung susumahin mo ay 9 tablets a day.
Pero pag araw na talagang hindi ka makagulapay dahil sa buwanang dalaw na yon, kahit siguro lason, iinumin mo. Oo Birhiniya, may mga ipinanganak na isinusumpa ang kanilang pagkababae buwan-buwan. At sabi nga ni P.T.Barnaum, suckers are born every minute...isa ako doon.
So three times a day, it is. Aba ay naalis nga yong ibang mga sintomas pero mahahalikan ako ng gumagawa ng mga napkins with wings. Triple ang aking consumption. Kung may bampira akong kaibigan, hindi na siya kailangang pumunta sa blood bank.
Molar of the story (nabasa ko somewhere ito, pahiram) kung gusto niyong magpakamatay, uminom na kayo ng lason pero huwag ang mga bottled capsulized herbal ekek na hindi ninyo alam kong ano ang mga ingredients.
The CA t
0 Comments:
Post a Comment
<< Home