Inefficiency+Irresponsibility=Danger
Dear Mouse,
Pumunta ako sa aking appointment sa laboratory. Sabi ng medical assistant, wala raw yong faxed request for the lab test galing doon sa nurse practitioner na halos itaboy ako na pumunta kaagad sa ospital dahil " we do not want to miss our responsibility to our "members". Rolleyes akong bigla noong marinig ko yon. Ginawa noong M.A. ay tumawag sa operator ipara i-connect siya sa OB-GYN. Sampung beses yatang mali ang connection noong operator kaya sabay ang rolleyes namin.
Nakuha rin ang department at na-contact din ang aking doctor. Apektado yong next appointment ko. Buti na lang ang kumuha ng dugo ko ay Filipino tech. Guwapo, bata, magalang at efficient. Pag sabi ko ng efficient, ibig sabihin, isang tusok lang kuha kaagad ang pagdaloy ng dugo. Come to think of it, halos Pinoy na pala ang nasa lab. Dati may maraming ibang lahi. Pero hindi naman sa dahil kababayan ay medyo biased ako sa mga noy-pi. Ito ang mga dahilan ko.
1. dalawang beses yata akong napapunta sa hindi kababayan. Noong akoy lumabas akala mo nagtutusok ako sa sarili sa dami ng butas ng karayom. Nakita na ba ninyo ang ginagamit na karayom kung gaano kalak? Di ba kasing laki ng mga karayom para sa sako ng bigas. Ilang beses itutusok saiyo yon pag hindi nakita ang malaking ugat mo.
2. minsan naman ay may nakita akong puti na kinukunan ng dugo ng kapwa niya puti. sa dami ng tusok noong pasyente, sinigawan yong lab tech at hindi na nagpakuha ng dugo.
3. Sa atin ang mga lab tech ay tapos ng four year med tech course. Dito two months lang puwede ng maging lab tech na tagakuha ng blood specimens. Ang bampira/iro hundred years ang kanilang track record. ehe.
4. May malaking naging eskandalo ditong nangyari na involved ang isang Puting lab tech na ginagamit ulit yong heringilya para magpadaloy ng dugo. Nang ma-expose ito, apektado ang clinic at pinatawag yong mga pasyenteng sinilbihan ng tech na yon. Namatay na lang ang balita habang ang mga naging biktima ay di nakatulog dahil sa takot sa contamination ng blood-borne virus na puwedeng nakuha nila sa pagpakuha ng dugo.
Nang minsan ay pumunta ako sa ospital para sa aking annual check-up. Pagkatapos kunin ang aking vital signs ng assistant, pinapasok ako sa opit ng Nurse Practitioner. Ang NP dito ay Nurse na may Masteral at puwedeng maging parang doctor ang function sa mga kasong parang follow-up o kaya ay wellness case lang.
Sinimulan niya akong interviewhin.. Ano ang aking nararamdaman lately, health issues, mental health issues... tapos tinanong niya kung kumusta na ang aking depression huh? yong aking suicidal tendencies. Anoh???? Sinong nagsabing depress ako. Kung tinuturing ba yong suicidal yong pagkain ng luto ko, suicidal na ako.
Sinilip ko yong folder na hawak niya. Sus perdegones, hindi pangalan ng pusa ang nandoon. Ibang records pala ang hawak niya habang inuurirat niya ako. Muntik ko na siyang daluhungin, sabunutan, i-kung fu at sampal-sampalin. Paano na lang kung ang nakuha nilang records ay sa isang may sakit na pagkabaliw. Hmmmm yon pa puwede sa akin.
Actually, ay maykasalanan noon ay yong medical assistant. Pero dapat tinanong niya muna what my name is. At ako naman dapat sinilip ko yong file. Nakita niya ang blunder kaya bigla siyang nawala, tapos pagpasok niya ay nakangiti siya na para bang pusang nakalulon ng daga. Buti na lang marami akong pinag-kakaabalahan, kung hindi dapat ay inereport ko sa admin.
Kaya mga kababayan, pag napunta kayo sa ospital, tingnan ninyo kung inyo nga ang record na iyon. Yong mga bilib na bilib sa hindi nila kababayan dahil magaling lang mag-ingles, puti ang kutis at maganda ang kulay ng buhok, mag-isip muna kayo. baka may maiwan ding gunting sa loob ng tiyan kagaya sa blog ni Dr. Emer.
The CA t
0 Comments:
Post a Comment
<< Home