Sardinas at ang Presidente
Dear Mouse,
Minsan may katanungan ako sa isip na nasasagot lang pagdating ng takdang panahon.
1. Bakit noong kapanahunan ni Erap, nabalitang kinumpiska ng Malacanan ang isang shipment ng mga sardinas sa Customs? Tinanggi ni Erap ang balita at sabi ay hindi siya kumakain ng sardinas. Oo nga naman, mga filet mignon ang 2. itinutulak ng mga iniinom niyang alak.
2. Bakit kahit alam na ng mga masa ang mga ginawa ni Erap at ni Marcos, mahal pa rin sila ng mahihirap?
Sa isang episode nang ang features ay ang mga taong nakatira sa Arlegui, may isang matanda nagsabi na nakatira na siya sa lugar noon mula pa ng kapanahunan ng lolo ni MLQ the Third. Nakita niya ang iba't ibang presidente na tumira sa Malacanan.
Tinanong siya kung sino ang pinakamagaling na Presidente at bakit.
1. Si Marcos daw dahil binibigyan sila ng sardinas at limang salop na bigas.
ah ah ah bago kayo magalit, intindihin natin na ang mga taong ito ay limitado ang katalinuhan. May kasalanan rin ang iba sainyo dahil nang magsabog ng utak and DIYOS, sinalo ninyo lahat at wala kayong iniwan sa kanila.
Ito ang natutuhan ni Erap kay Marcos. Ang bigyan ng kaunting SARDINAS at bigas na may kaunting ngiti-- glorya na sa mga mahihirap. Hindi Macapagal ha. Sa kanila ang magaling na Presidente ay yong nakakatulong sa pagpawi ng kanilang kagutuman pansamantala. Wala sa kanila ang konsepto na ang Presidente ay mayroon pang mga gawain na hindi lang pagbibigay ng mga panandaliang lunas sa kagutuman.
The CA t
0 Comments:
Post a Comment
<< Home