Wednesday, May 05, 2004

Consumers' woes


Dear mouse,

May topic si Sassy tungkol sa octopus na pinapapataas ang timbang sa pamamagitan ng tubig. Ngayon ko lang nalaman din yon.

Ang alam ko lang kasi yong mga pinalolobong manok at iba-iba pang mga ka-ek-ekan sa palengke. Hindi rin ako namamalengke sa Pinas.( Ayoko ng maputik, ayoko ng masikip, ikanga ni Maricel).
Pero may naging boarder ako na ang mader ay nagtitinda sa Quiapo Market bago siya napunta sa Virginia at nagtrabaho sa grocery. Nagtitinda siya ng karne ng baboy. Sabi niya never siyang nanloko sa kaniyang mga suki. Paano kung hindi suki?

Sa karne, pag hindi nabili lahat ang supply nilang baboy sa isang araw, ang ibang kasamahan daw niyang tindera ay ibinebenta pa ang karne kinabukasan. Para magmukhang sariwa, mayroon silang isang light bulb na ang sinag ay nagbibigay ng mamula-mulang liwanag. Siya, ginagawa niyang tosino, longganisa o niluluto niyang imbutido.(no yon, sassy?).

Ang kanilang tubo sa baboy ay depende sa kanilang paghiwa. Wholesale ang bayad nila isang baboy na hinihiwa-hiwa nila para sa mga parteng mas mataas ang presyo. Sabi niya pork chop,liyempo, pige, paa...hindi ko na matandaan ang iba.

Pag nagkamali ng hiwa ang suma total ng pinagbilhan ay puwedeng kaunti lang ang diperensiya sa babayarang halaga ng karneng hinango. Kaya yong mga ganid, sa timbangan bumabawi. Ibinagsak nila sa timbangan ng malakas at mabilis din nilang inaalis. Ang bagsak ng kamay ng timbangan ay malayo kaagad ang nararating. Pabilisan lang yan ng kamay sa mata. O kaya naman ang mga timbangan ang kanilang ginagawaan ng paraan para mas mabigat ang timbang.

Sa manok nga ang uso ng tusukan ng tubig. Pag nakita mo raw na parang sariwa ang manok pero hindi kulontoy ang balat at mainit-init pa. ibig sabihin niyan, nainjectionan na.

Para din daw magician ang mga tindera sa palengke. Kagaya ng isdang binibili. Maglalagay ka sa timbangan ng mga sariwang isda. Nakalagay na sa plastic. Tapos hihintayin niya ang iyong bayad habang pinagbubuhol niya ang plastic, minsan naalisan na raw ng isang isda yon o kaya napalitan ng isdang ang mata ay meron ng sore eyes. Pag katulong ang nagbukas at naglinis ng isda, hindi malalaman ang nangyaring krimen ng pag-abduct sa sariwang isda kapalit ang hindi sariwa. Sinong nagsabing bobo ang mga tindera kaya tindera lang sila? Sabi ng matanda, ang kinikita raw niya noon sa palengke ay mas malaki pa sa mga nag-oopisina.

Karamihan, bumibili ng mga sukang walang tatak ang mga maybahay dahil sa mas mura. Hindi nila alam, ang testing ng tunay na suka ay ang pagtubog ng alahas na peke. Pag ang alahas ay di umitim, ang suka ang peke. Tubig lang yon na nilagyan ng kaunting asim, kaya pag nagluto ka ng may suka, imbes na isang tasa lang, baka isang drum ang kailangan.

The CA t

0 Comments:

Post a Comment

<< Home