Saturday, May 15, 2004

Home Schooling

Dear Mouse,
Napanood ko ang isang programa sa TFC na ang mga bata ay tinuturuan sa bahay ng kanilang mga ina. Magaling na pamamaraan ng pagturo sa mga anak. Hindi na kailangang lumabas sa tahanan ang mga bata. Wala ang mga pangamba na sila ay maiim- pluwensiya ng mga masasamang barkada. Wala silang pangamba na maiinvolve sa aksidente ang mga bata.

Mahal din ang gastos kahit walang tuition fee dahil ang mga materyales ay galing sa Estet.

Hindi ko aariing sarili kong kuro-kuro ito. Hindi rin ito sinabi ng aking ina. Ito ay aking naging obserbasyon sa pagbigay sa amin ng kayamanang karunungan na magiging gabay sa aming pagtilad sa mga pagsubok sa buhay. Ang edukasyon ay hindi lamang nanggagaling sa libro. Ang edukasyon ay hindi lang ang itinu turo ng mga guro. Ang edukasyon ay hindi lamang ang isinisiksik sa ulo ng mga bata. Ang edukasyon ay nakukuha niya sa paligid, sa paghalubilo at sa pakikipag-usap hindi lamang sa mga kabataang kaapareho ng kanilang kalagayan sa buhay.

Ang tao ay katulad din ng tanim na lalaki para maging puno.Ang mga unang taon ang pinaka mahalagang panahon sa pagbibigay ng sustansiya sa kaniyang paglaki. Walang murang edad sa pagtuturo ng mali at masama. Madalas marinig ko ang ibang magulang na hindi kailangang parusahan ang batang wala pang isang taong gulang dahil hindi pa ito nakakaunawa. Sa mga obserbasyon ko ito ang pinakaangkop na panahon dahil ito ang panahong pagtubo ng kanilang ugat. Kuwento ng aking kaibigan--ang kaniya raw apo ay nalapit sa isang portable heater. Ito ay lumayo at para bang takot na nagsasabi ng hot, hot, hot. Sa murang gulang na iyon, natatandaan niya ang babala ng kaniyang ina na huwag hahawakan ang portable heater.

Ito ang tunay na home schooling. Ang ina ang guro at ang anak ang mag-aaral.

Naniniwala ang aking ina na ang elementarya ang itinuturing na mahalagang hagdan upang mabigyan ng magandang pundasyon. Kaya kahit hirap na sabay-sabay paaralan sa isang pri- badong paaralan ay kinaya niya.

Sa high school ay iba na ang usapan. Oras na upang makihalubilo sa mga kaklaseng nanggaling sa iba't ibang kalagayan sa sosyedad, sa mga kaklaseng ang mga talino ang kanilang puhunan upang umusad sa kanilang kinalalagyan. Ang pumasa sa Phil. Science ay sa Phil. Science. Ang pumasa sa Manila Science ay sa Manila Science. Ako ay di pumasa dahil hindi ako kumuha ng iksamen. Ako ang sinasabing "failed" sa home schooling ng aking ina. Ayaw kong magbigay ng "excuses".Pero marahil dahil habang nagkalabo-labo ang mga mata ng aking mga kapatid sa pagbasa ng libro, ang aking binabasa ay komiks.Kahit na ipinag- bawal ang komiks sa bahay, ay may nahihiraman pa rin ako. beh. Marahil dahil habang pinag- iisipan nila ang mga mahihirap na math problems, pinaghihirapan ko ring isipin bakit ang aking kalaro na nakatira sa isang napakalaking bahay at ang ama raw niya at isang kilalang tao ay ni minsan hindi ko nakita ang kaniyang ama. Nang minsan kong nakitang may nakaparadang magandang kotse, hindi lang nagtagal. Lumabas ang aking kaibigan. Daddy raw niya, binigyan sila ng pera. Parang nakita ko ang mukha sa pahayagan. Pero iba ang pamilya.

Sa maagang edad, ako ay naghanap ng alternative na pag-aaral. Pag-aaral ng buhay. Malayo sa aming bahay kung saan may mainit at malamig na tubig. Malayo sa aming bahay na hindi ka kailangang makipag-agawan sa banyo. Malayo sa bahay na may malaking espasyo sa likod kung saan may mga tanim ng gulay, prutas at puno. Masarap sumakay sa dyip. Habang iniisip kong nagbabasa ang aking mga kapatid ng libro sa kotse, ako ay natutuwang basahin ang mga buhay-buhay ng mga taong kasakay ko sa dyip. Mama paraaaaaa.

Ako ay naging parang si Nemo. muntik-muntik nang akong nahuhuli ng mga mangi- ngisda pero ako ay nakakaligtas.

Sa labas ko nakita ang iba't ibang isda. May magaganda ang kulay ngunit burak ang laman. May mga arogante at mapagkunwari.May mga pating at mga balyena at may mga masasayang mga dolphins na kaiga-igayang kasama.

Si Nemo pa rin ako sa anyong pusa o nalunok ko siya. gulpp.


The CA t

0 Comments:

Post a Comment

<< Home