Sunday, May 30, 2004

Memorial Day

Dear Mouse,

Bukas ay araw ng pag-alala sa mga namatay sa digmaan. Malaking pader ang ginawa nila para isulat ang mga pangalan ng mga sundalong nagbuwis ng kanilang buhay.

Habang parang piyesta ang paligid, maraming mga sundalo sa isang dako ng daigdig ang nakatakda na maisama ang pangalan nila sa pader na iyon.

Kasama sa mahabang listahan ang mga pangalan ng mga Pilipinong sundalong nabuwal sa pagtatanggol ng demokrasya. Kulang ang listahang yaon kung tutuusin dahil marami pang mga namatay habang sila ay gerilya at pinangatawanan na hintayin ang pagbabalik ni Mc Arthur mula sa Australia.

Ang mga beteranong nabubuhay pa ngayon ay isa isa ng namamatay.

Kailan lang sila nabigyan ng kaunting biyaya nang sila ay pinayagang maging permanenteng residente ng Estados Unidos at maging mamamayan ng bansang tinulungan nilang lumaban sa mga Hapon.

Nguni't sa karamihan, ito ay huli na. Sa edad na mahigit pitumpu at sa maliit na pensiyong tinatanggap, karamihan sa kanila ay naghihintay na lamang ng kamatayan. Ang mga anak nila ay hindi na nilang puwedeng kunin at dalhin sa Estados Unidos.

Ngayon sila ay pararangalan, bukas ang kanilang pensiyon ay maaapektuhan ng bagong budget na ipatutupad ni Gobernador Arnold Schwarzenegger. Ang maliit na mahigit dalawandang dolyar na inilaan sa mga beterano ay kasamang aalisin para makatipid ang pamahalaan. Isanglibo at pitung daang Pilipino beterano na lamang ang natitirang buhay.Hindi pa nila mapagbigyan. Anong alam ng gobernador na hindi man marahil alam ang kahulugan ng kabayanihan.

Lumaban ang ating mga beterano sa digmaan pero hanggang ngayon sila pa rin ay lumalaban ng kanilang karapatan.

Sa ating mga hindi inabot ang ikalawang digmaan ang Memorial Day ay parang isang selebrasyon.

Sa akin ito ay pagmuni-muni.

Bakit may digmaan?

The CA t

4 Comments:

At 1:34 PM, Blogger Dr. Emer said...

Kawawa talaga ang mga beterano, Cath. Siguro hnihintay talaga silang mamatay ng US para kumonti na sila at mawala na. Bakit me digmaan? Dahil sa negosyo? Gusto ng Amerkano kontrolado nya lahat ng panig ng mundo.

 
At 9:06 PM, Blogger cathy said...

Ako Doc, beterano rin. beterano sa kalokohan.
The CA t

 
At 1:43 PM, Blogger Dr. Emer said...

Nahahalata ko nga, Cath. Ok ka nga, you never cease to inject humor in terrible scenarios. We need more people like you.

 
At 3:00 PM, Blogger cathy said...

tenks Doc.
sa cyber, kailangan ng mga blogger ang magtulungan at hindi ang mag-kumpetensiyahan kung sino ang magaling at sino ang hindi. May sari-sarili tayong style at may kaniya-kaniyang kaalaman na dapat ibahagi sa ating mga kasamahan. Kagaya ni sassy, magaling siya sa pagluluto at sa mga batas. Walang ibang doctor ang nagbibigay ng payong katulad mo. Ang specialization ko ay hindi maappreciate ng mga magbabasa. Ang lengguawahe ko sa profession ay hindi nila maiintindihan. Kaya dinadaan ko na lang ba sa parang good news and bad news. Katulad ng good news, wala ng hika ang pasyente, bad news, meron naman siyang TB. ;-)

 

Post a Comment

<< Home