The Woman and one novel
Dear mouse,
Nakatapos akong magbasa ng isang novel habang nag-aatend ng party. Siguro kung may dala akong knitting needle, nakagawa ako ng sweater. Napanood ko rin ang Tanging Ina sa isang screenwide Panasonic High Definition TV. Napakalaki ng mga image kaya kitang kita pati ngala-ngala ni Ai-Ai. Hindi ko nadala yong aking magic mike kaya wala silang karaoke. Muntik na akong gutumin ng mga mahihilig sa kanta-na-hindi-naman-mahilig-sa-kanila-ang musika dahil sa aking kasalanang KALIMOT.
Bago kasi ako umalis, hinintay ko pa yong SBC techie para ayusin yong phone box sa kuwarto ng boarder ko. May dumating na previous day pero hindi naman inayos ng husto. Nang hapong yaon, Pinoy ang dumating. Inayos niya at hindi umalis hanggang ayos. Paborito ang mga pinoy techie dito, aside from magaling mag -English, magalang pa.
Balik sa party...
Ang mga senior citizens nasa living room, pinag-uusapan ang kanilang mga medications at US politics.
Yong mga young maders, nasa family room, nasa tapat ng TV. pinag-uusapan ang mga security blankets ng kanilang babies. Yong isa kasi ang nginangatngat ng kaniyang anak ay isang mamahaling stuffed toy. Talagang class pa rin pati sa sisirain ng kaniyang anak. Asawa niya Puting Hudyo. Binilhan siya ng Mercedes pero kuwentado naman daw ang perang lumalabas. Ang kaibahan dito ng mga maders diyan, dito pag attend nila ng party, sila ang nagdadrive, bitbit ang car seat pag pasok ng bahay, malaking tote bag na may lamang formula, diapers, wipes, lotions. Yong iba nakaheels pa. sus ginoo.
Yong mga children ay nasa labas. Nasa swimming pool yong iba at panay ang splash na nakakabasa sa mga dumadaan. Yong mga malilikot ay nagkokontest sa siraan ng seesaw, slides at ng kabayo-kabayuhan.
Nang matapos ang pinanood kung pelikula, naglabas pa ng isa ang Da Auntie of the celebrant. Lumabas na ako at naghanap ng isang upuan sa ilalim ng puno. Masarap ang hihip ng hangin, para akong nasa Pilipinas.
May ipinasok na cotton candy machine. Unahan ang mga bata sa pila. Hindi marunong yong volunteer kaya kung hindi sa braso niya napupunta ang candy ay lumilipad sa dakong lugar ko. Burppp.
Dumating ang magician. May mga panyong nagkakabuhol-buhol, taling nagkakadugtong, cards na lumalaki, lumiliit. Yong boy from hell ang pinakamalaks mang-alaska.Anong tsapter na nga ba ako?
(How can she look damn cool when her world is collapsing around her?)
Ang mga teenagers naman ay nakacellphone, o kaya nagkakalipunpunann din. Nahulog ang aking bookmark.
(One day, I will tell her how close i came to being famous)
Tinapakan ng isang batang Puti. Pandidilatan ko sana nang lumapit ang kaniyang Itay.
(I am going to let fo this time because I don't think you know what the hell you are doing. but in the future, stay out of my way--you could get hurt. )
Bukasan ng regalo. Kagulo, bawa't bata gustong magbukas. Gulo. Uncle Dan...one basketball...girl siya noh. Auntie Lory--cotton dressess.. Cathcath-a big book.....Tiningnan ako ng mommy ng celebrant.
The CA t
0 Comments:
Post a Comment
<< Home