Carpool at Flu shot
Dear Mouse,
BLT ako halos buong Linggo. Bus, Lakad at Tren. Nagpa flu shot ang ka carpool ko kaya nagkatrang kaso. Tigas kasi ng ulo. Sabi ko huwag magpa flu shot,tinamaan tuloy.
Pag carpool kasi,may privilege gumamit ng carpool lane. At least dapat dalawang pasahero ang nasa isang kotse para sabihing carpool. Minsan may sinitang babaeng driver na gumamit ng carpool lane.Eh kaplaneta ni Sassy. Sabi dalawa sila kaya carpool sila. Wala naman siyang kasama. Ipinakita niya yong tiyan niya. Buntis. Mahirap talagang kalabanin ang mga babaeng ang bukambibig ay Your Honor at ang bibliya ay SCRA. (sana nagkakape si Sassy pag nabasa ito).
Nakakaaliw ang magcommute. Mga nagpakadalubhasa sa pag-aaral sikolohiya ang nagpanukala ng "know thyself" para madali ang proceso ng pagbabago sa buhay habang unti-unti o tuluyan nang pagkahulogng edad sa kalendaryo. Sa akin naman ay "Know thyself by knowing others more ".
Kaya para makalimutan ko ang layo ng aking lalakarin mula sa istasyon ng tren hanggang opit, minabuti kong pansinin ang aking mga nakakasalubong sa daan. Para ba yong nursery rhyme na parang nakakaloko:
As I was going to St. Ives...I met a man with seven wives...wives..sacks...cats...kittens, how many were going to St. Ives? O di ba nangloloko yan.
Ito ang version ko: As I as going to salt mines, I saw...
1. A man...mas tama ang sabihing, I spotted a man. ..
nakatayo sa malapit sa exit ng teren.Titig na titig siya sa direksiyon ko. Hindi siya tuminag nang medyo lumapit ako para malaman kung bakit siya parang tulala. Hindi siya nakatitig talaga sa akin. Nakatitig siya sa mga taong lumalabas sa exit na iyon.
Sa kaniyang kamay ay isang maliit na bagay na kanyang pinipindot na ang bilis ay depende sa bilis ng taong lumalabas. Inaalam niya siguro ang volume ng traffic. Parang sitemeter sa mga website.
Muntik ko nang lapitan ng tuluyan at tanungin kung saan puwedeng bumili ng counting gadget na yon. Pwedeng maidonate sa Operation Quick Count sa Pinas.
2. Itim na babae with a $ 120 worth of braided hair on her crown
humihingi ng $ 75 cents sa lahat ng magdaan. Di na lang ginawang dollar para hindi na siya magsukli.Pang almusal daw niya. Ang buhok niya ay tinitirintas sa beauty parlor sa loob ng walong oras kaya mahal ang bayad. Tumatagal ito ng 3 buwan kaya hindi ito pinapaliguan para di masira. Inispray lang nila ng pabango.Palagay ko nag-iipon na naman siya ng pang patirintas. Hindi nagugutom ang mga taong yan dahil kabila-kabilaan ay mga soup kitchen na maari silang pumila. Nahiya siguro siyang pumila kaya nagpapalimos na lang siya.
3. A man with hands on his pockets
Nakatayo siya sa tapat ng isang building na may parang planter sa harap. Dapat maturuan ng mga Pilipino ito kung paano humarap sa pader. Umaagos sa bangketa ang tubig niyang pinakawawalan.Across the street ay malaking Hilton Hotel.Nasa downtown yan.
4. Dalawang matandang Insik na may karuray na tatlong bata. Ang baby ay nakalagay sa pouch na nasa likod ng matandang babae. Parang yong mga ita o kaya mga taga Baguio pag nag-alaga sila ng beybi. Nasa likod. Ang dalawang bata ay naglalakad. Hindi magulang ng mga bata ang mag- asawa. Siguro mga abuwelo.Ang mga magulang siguro ay nagtatrabaho. Tulad ng ibang Asyano, ang mga lolo at lola ang tumatayong mga baby sitters. Hindi masama dahil kung tutuusin, maraming batang Asyano ang nasa paaralan kumpara sa ibang kulay.
Wala kang makikitang ganitong Pilipino. May pagka class ang dating natin. Imbes na pouch ay may cart ang bata at hindi nila isinasakay sa bus kung saan siksikan.
5. Isang insik na babae na sinita sa paghulog niya ng penny instead na token. Hindi niya main tindihan ni kapirasong English.
6. Isang babaeng Pilipina na para bang si Kris kung kumilos. Akala mo palaging may malapit na kamera kaya ang mga galaw ng kaniyang ulo ay palaging nakapose sa kaniyang magandang angulo.
7. Isang lalaking nasa aming malaking kitchen. Dumating akong nauuhaw kaya nauna muna ako sa aming kitcheng malaki. Ngumiti sa akin yong lalaki. Nasa floor namin ang HR kaya hindi kami nagtataka kung may mga naliligaw na mga mukhang hindi namin kilala. May hawak siyang styro cup.Pilit niyang tinakpan ang microwave ng kaniyang katawan. Nakipag- usap pa sa akin at pilit akong kinakausap.
Makalipas ang ilang minuto niyang pagka-alis, nawala ang lunch box ng kasama ko. Nakaugalian na kasi ng mga tao doon sa aming floor na ilagay ang baon sa napakalaking refrigerator na wala namang susi. Ikalawang beses nang nangyari ang pagnanakaw ng baon. Ako, hindi na naglagay ng baon doon mula ng mag general cleaning sila ng refrigerator dahil daw baka may spoiled food.Tinapa ang baon ko noon at may kamatis. Balak ko pa ngang imicrowave yong tinapa para makaasar lang.hehehe
May e-mail sa amin ang HR kinahapunan open ang position ng security manager. Bakit kaya?
.
The CA t
0 Comments:
Post a Comment
<< Home