Donate your egg-babies for sale
Dear Mouse,
Nabasa ko sa isang ad. Donate your eggs. Isip ko
ano kayang gagawin nila sa itlog? Be an egg
donor and get $5,000 plus expenses. Ang larawan
ay dalawang babae, Asyana at Itim. Age must
be between 21 and 29. Hmmmmmmmmmmmmm pinag-isip
ako. Tumatanggap kaya sila ng scrambled?
Nabasa ko ang blog ni Vic tungkol sa batang pinaampon ng ina. May kakilala rin akong nag ampon ng anak ng isang istudyante sa Harvard. Hindi pa raw siya handa kaya bago pa man niya iniluwal ang bata ay pumirma na siya sa kasulatang pinaampon niya ang kaniyang anak.
Mag-asawang Puti na parehong doktor ang nag ampon. Kakaba-kaba ang dibdib nila nang maisilang ang baby. Baka magbago ang isip ng ina. Pero kahit na nang lumalaki ang bata at patuloy nilang pinadadalhan ng larawan ng baby ang dalagang ina, ni minsan ito ay hindi sumagot.
Nadalaw ako minsan sa State kung nasaan ang isang naging kasintahan ng isang taong/lumapit/lumayo sa akin ay matamihik na namumuhay kasama ang kaniyang ampon na batang Tsina.
Dinalaw ko siya sa kaniyang tahanan. Isa siyang Puting kapropesyon ni Sassy. Wala na siya sa korte bilang huwes. Mula nang ampunin niya ang bata ay minarapat niyang lumipat sa isang gawain na walang masyadong responsibilidad. Sa blog ni Rhet, may katanungan siya tungkol sa pagkakaroon ng responsibilidad sa anak na palalakihin.
Ang dakilang babaeng ito ay ni minsan hindi pa nagpakasal. Isa lang ang minahal niya. Ayaw ng lalaking magkaanak hindi dahil sa ayaw niya ng responsibilidad pero dahil sa sakit sa pamilya na ibig niyang magtapos sa kaniyang henerasyon.
Ito ang dahilan bakit siya nag-ampon. Tawagin natin siyang Mik.Ibig niyang magpakasal sila ng lalaking/lumapit/lumayo sa akin.Inakala niya na pakakasalan siya na hindi kailangang magkaroon ng sariling anak. Mahigit dalawang taon siyang naghintay bago dumating ang batang dalawang taong gulang mula sa Tsina. May problema. May sakit ang bata na kailangang maopera kung hindi ay mamatay o kaya ay magiging sakitin habang buhay. Napagmunimuni ko ang napanood kong Law and Order kung saan inamin ng isang banyaga na ang kaniyang bansa ay inaaprubahan lang ang pag-ampon sa mga batang maysakit. Ang mga malulusog ay kakailanganin sa kanilang susunod na henerasyon.
Sa isang bansang mahirap kung saan talamak ang babies for sale; ang mga bata ay nanggagaling sa pamilyang maraming anak at ang kabawasan ng isang sanggol sa halagang $ 50 ay hindi nakakatigatig sa konsensiya ng ina at sa bumibili ng bata upang ipagbili naman sa mga banyaga sa halagang libo-libo.
Mabalik tayo kay Mik. Masaya ang usapan namin. Pinagmamalaki niya na matalino ang bata. Nakita ko nga. Hindi man sila nagkatuluyan ng lalaking /lumapit/lumayo sa akin ay masaya na siya. May panibago siyang minamahal, si Miko. Wala na rin siyang hinanakit sa akin. Mas may hinanakit siya isang nakaribal niyang Puti rin na bastos at mataray. Sabi ko sa kaniya,hindi ko siya inagaw. Pinabalik ko siya sa kaniya. (Nakaasiwang magdrama si Pusa. hintuan ninyo ako).
Tanong niya pala sa akin, bakit kami hindi nag karoon ng ending na they lived happily ever after. Sabi ko nashock siya nang pinakain ko siya ng lechon manok, dinuguan at tuyo. Nagtae and lintek.
The CA t
3 Comments:
Nakaantig naman ng damdamin ang labstori mo, Cat. :)Kalako kami lang ang mas sikat sa pagdo-donate ng sperm, pati din pala kayo. Hanga ako sa kaibigan mo na me sakit sa pamilya na gusto nyang matapos sa henerasyon nya. Napaka-selfless naman. Napapag-isip mo tuloy ako. Grabe din kasi mga sakit ng pamilya ko. Hinihintay ko na ma-develop at mauso na ang gene therapy para ma-solve ang problema ko.
Nga pala, walang plasma TV sa maid's room. Ordinary colored TV lang. At saka ikaw nag-a-apply na DH?!? Ano ka ba naman. Dko kaya presyo mo. I'd rather have you as a co-director of a medical facility I dream to build. Dream pa lang, ha. Nag-iipon pa ako.
Doc,
Ang sakit nila ay sa utak. nguni't hindi kagaya ng sakit ko sa utak na pagkabaliw lamang pag bilog ang buwan, sila ay nangangailangan ng mga gamot para mabawasan ang paghahyper at ang malalim na depression.
Nakakaawa sila pero lahi kasi sila ng mga matataas ang IQ. Ang nasira niyang amang doctor ay nakaimbento ng gamot na hanggang ngayon ay tumatanggap pa ang anak ng royalty. Pero tulad ng carpentero na ang bahay ay sira-sira, siya ang doctor na hindi puwedeng mag-apply ng CPR sa kaniyang sarili pag na stroke.
The CA t
hahaha! natawa naman ako sa madarama mong tagpo, Cat. Pang "Kung maibabalik ko lang"...reminded me of this line: "hindi ko sya inagaw sayo dahil kailan ma'y di sya naging iyo. Akin sya!Akin sya!" hehehe. Sinoski ba yun? Si Maricel ata.
Asusera
Post a Comment
<< Home