The Case of the Missing Ca t-Nakita na ang kidnapper
Dear Mouse,
Dahil po sa sangkaterbang e-mail na natanggap ko dahil wala raw retrato ang kidnapper, kaya heto po ang sequel sa Tagalog pati ang retrato.Huwag iiyak kaagad Apol at Sassy..
Translation in Tagalog at dinagdagan pa.
Para akong hayok na hinalibas ang pagkain sa predyeretor. Narinig ko pa ang malakas na glug glug nang ininom ko ang gatas na nag-expire na ng isang araw.Kahapon lang ako lumabas mula nang ipinasya kong magmongha at magkabanal.(patawarin ninyo po ako sa aking pagsisinungaling). Muli kong nasilayan ang araw. Sabi ko aha, lumabas ka rin. Samantalang ilang araw na ring laging kulimlim.Wari bang nakikihati sa aking hinagpis. Hinagpis na hindi nakakain ng paborito kong mais. Nag-iisip ako. Gagawin ko ba o hindi. Kung oo ay kailangang mag-iba ako ng anyo. Kailangan kong magpaputol ng buhok.
Buhay ka pa, bati sa akin ng hair stylist.
Hanep na tanong yon. Kinapa ko sarili ko. Kinurot. Araaay. @#$% na ...buhay pa naman.
Saan ka ba talaga napunta? tanong nang kakulit na hair stylist.
Sabi ko, huwag mo nang tanungin at aabutin tayo rito ng isang linggo, babaha ang sahig ninyo at makikiiyak ang iyong mga kasama.
Sige putol na ang aking buhok.
Kaya po gagong gupit ako ngayon.
Tiningnan ko ang relos ko sa dingding na nagkakahalaga ng $ 9.99.... ow may discount pala dahil sale.
Marami pang oras. Makapaligo nga.
Hinubad ko ang aking pajamas. oops. meron pa pala akong suot na mahabang kamiseta. Hinubad ko rin. Ooops meron pala akong thermal para sa lamig. Hinubad ko pa rin. Ooops. O ano ? Ano pang hinihintay ninyong hubarin ko? Masara nga itong pinto ng aking shower room.
Masarap ang tubig. Kung hindi nga lang ako busog ay ininom ko na. Sabong gawa sa papaya ang aking gamit. Kaya tatandaang kong huwag lumapit sa chicken, baka gawin akong tinola.
Pinili ko ang black turtle neck knit top and a purple leg-hugging pants.
Marami kasing gamit ang turtle neck. Puwedeng gamitin mong mask para may nakatabi kang may putok pwedeng pangtakip sa ilong. Puwede ring itaas mo para matakpan ang kalahati ng iyong mukha pag may nakita kang taong iyong pinagkakautangan. Puwede ring gamiting pantakip sa bibig habang natutulog para hindi makita ang tulo...alam ninyo na.Leg-hugging para bumagay sa aking boots na hindi ako magmumukhang cowgirl na nawalang ng kabayo.
Sinuot ko ang aking snake skin jacket.
(OO sachiko totoong jacket ko yon. Kaya ako nagtatago sa mga animal rights advocates kasi sampung ahas din ang nagbuwis ng buhay para masuot ko ang jacket na iyon.(patawarin po ninyo ako sa pagyayabang).
Hindi puno ang teren. Ito ang unang pagkakataon kong sumakay sa teren sa loob ng mahabang panahon na ito ay naitayo. Hindi ko pa alam kung paano ko palalabasin ang ticket doon sa hinayupak na makina. Madali lang pala. Hulog ng papel na dolyares. Doot doot doot. May lumabas ng ticket. May lumapit pa sa aking Itim na ipinagbibili yon kaniyang ticket. Gusto kong maghanap ng salamin at tingnan kung may nakasulat na TANGA ako sa aking noo at sa dibidib ay may nakadikit na pakigawin ngang biktima sa katarantaduhan. Tsee.
Pero kahit walang tatak alam kong tanga ako. Hintay ako ng hintay ng teren, maling plataporma pala ang naakyatan ko.Kaya baba na naman ako.Sus ginoo, walang escalator. Hagdan na matarik ang aking aakyatin. Parang gusto kong kumanta ng Climb every mountain...yon bang sa Sound of Music.
Dumating ang teren. Tiningnan ko ang aking relo. Isang oras pa. Pumasok ako sa teren na mahigpit ang hawak ko sa barandilya. Tiningnan ako ng nasa harapan ko na para bang tinutukso ako na sobrang hawak ko hindi naman ako mawawala.
Bumaba ako sa teren. Sinunod ko ang direksiyon na ibinigay sa akin ng aking kapatid na tinawagan ko para magtanong. Sa second level ang arrivals.
Hindi ibinigay ang airline at flight number. Pero alam ko ang departure date at time. Sa aking research, isang airline lang ang lumilipad ng ganoong oras.
Lumapag na ang eruplano. Marahil nasa immigration na sila. Nagsimulang maglabasan ang mga pasahero galing sa Taipeh. Siyempre karamihan sa kanila Insik.
Nagsimulang maglabasan ang mga Bumbay. Wala naman akong makitang eruplanong galing sa India. Ahaaa.
Lumabas na ang aking hinihintay. Nauunang lumalakad ang lalaki. Sinundan ko si babae at binulungann na huwag sisigaw, kidnap po ito.
Takot ang nakita ko sa mukha ng babae.
Nabigla rin ang lalaki.
Tinitigan niya akong nang matagal at saka sumigaw...
Cath-napper. bwahahaha.
Bakit ganoon, nakilala kaagad nila ako, meron naman akong shades?
The Ca t
5 Comments:
para naman talagang kidnapper yan. Ayaw magpakita ng buong-buo at baka mahuli. hahaha
You're a true blogger friend, Ms Cathnapper. I'm pretty sure your 'victims' appreciated their 'kidnapping.' =)
Ay,bungisngis ako ng bungisngis while reading,that was fun! The tinola part,hahaha! and the tatak "mukha ba akong tanga" and the way you hold tight to the bars...,kwela! And it was really a snake skin! a brown and black snake..I thought cats are afraid of snakes..lol!
MARAMING MARAMING SALAMAT ATE CA T sa pg kidnap sa amin. it really meant a lot for you to go out of the house and meet us. napakalaking surprise - ang galing mo talaga.
pag laki ko gagayahin kita
jay,
the two of you bring sunshine wherever you go.
enjoy universal. pakikumusta ako kay kingkong.
Post a Comment
<< Home