The Corporate jungle Beckons-Hindi pa The End
Tinatanong ni frat, kung ano ang buod ng aking mini-serye na Corporate Jungle Beckons.
Palagay ko marami sa aking mga tagasubaybay (tagasubaybay—ano ako manunulat ?... fantasya ko lang yan folks, pagbigyan si Pusa) ang nabasang ako ay nag-ermitanya ng anim na buwan. Oo, Birhinya, ang taong hindi ihinahahapay ng malalakas na bagyo ay natakot lumabas at masinagan ng araw. Ang taong tagatapik sa balikat nang mga nanlulumo, ay lumaylay ang balikat.
Ang mga kapatid ko ay nabahala. Nag-alok ng tulong. Nag-alok ng pera. Nagpadala ng pera. (Salamat ha. mayroon pa bang darating?) Aray....nagbibiro lang.
Kung baga, ang mundo ay tumigil pag-inog. Sa akin lang dahil ang kabubuan nga ng serye ay isang paalala sa buhay na ang iyong pagsubok sa buhay ay hindi pahihintuin ang pag-inog ng mundo para ka hintayin.
Kailangang tumayo at lumakad muli.
Bago ako nagdesisyon na muling magpalaot sa kagubatan ng pagsasapalaran, isang matandang babae ang aking nakausap.
Ring: Can I talk to Cath ?
Me: May I know who’s callin’?Ring : This is Nurse Mel from (a very upscale retirement home for rich Jewish people).
Me: This is she.
Ring: I would like to inform you that as of 7 this evening, Mrs. -----fell in the dining room of the facility. She’s in bed right now..her vital signs are....
Me: Wait a second....did you call the daughter ?
Ring : Aren’t you the daughter ?
No canned laughter, folks. This is serious.
Me: No.
Ring: But you are one of the contact persons.
Tagalugin na po natin dahil minsan naliligaw ang anak dito. Pilipino rin ho ang nars doon.
Ring: Tinawagan ko yong anak na babaeng abugada. Nasa Japan daw. Sa Hunyo pa ang dating..
Tinawagan ko ho ang anak na doktora. Nasa bakasyon din. Tinawagan ko rin ang anak na lalaki, answe- ring machine lang ho ang sumasagot.(Sa isip ko, ako lang sasagutin non sa caller ID niya. mwehehehe).
Pangalan mo ang sumunod. So ang pagkaintindi ko next of kin ang mga nakasulat dito sa contact persons.
Me: Hayaan mo tatawagan ko ang ermitanyo niyang anak. Sabihin mo dadalawin ko siya bukas.
Kinabukasan.
Nasa dining room siya ng facility. Mahigit dalawampung palapag ang retirement home na yon ng mayayayamang matanda. Hindi mo siya aakalaing retirement home dahil para siyang condominium diyan sa Pinas. May mga two- bedroom, three- bedroom units kung saan nakatira ang mag-asawang matanda na maaring magbayad ng sampung libo isang buwan para sa lahat-lahat na hindi kasama ang bayad sa pagbili doon na nagkakahalaga ng 500,000 hanggang isang milyong dolyar ang isang unit. Pag namatay ang matanda, babalik sa retirement home ang apartment.
Ano ang kasama lang sa mga serbisyo? Pagkain, ang 24 hour-na available na medical at nursing services. Ang mga activities para sila ,malibang.
Pag gusto nila ang private nurse, sariling bayad na nila yon.
Pag sila ay hindi na kayang mabuhay na mag-isa at kailangan na nila ang mabisita oras-oras ng nars, sila ay inililipat na sa second floor kung saan sila ay nasa isang kuwarto na lang o kaya ay dalawa sa isang kuwarto o kaya ay tatlo o apat.Kumporme sa social status ng residente. Sino ang mga naroroon na maaring makapagbayad ng ganoong kataas na halaga isang buwan? Mga magulang na nagpayaman at ngayon ay kailangang alagaan ng kanilang mga tagapagmana pero hindi sa kanilang sariling tahanan.
Ang matandang babaeng dinalaw ko ay may sariling kuwarto sa second floor. Naroon pa ang mga paborito niyang mga works of art na naipon niya noong siya ay may painting gallery.
Nangilid ang luha niya nang makita ako. Depressed siya.
Malungkot. Hinahanap ang mga anak at kaibigan. Ang pakiramdam niya ay nag-iisa na lang siya sa mundo.
Ako rin depressed at feeling abandoned ng mga kaibigan. Kaibahan,ang mga kaibigan niya ay karamihang namayapa na. Ang mga kaibigan ko ay mga bata pa at buhay.Sa isip ko, anong ilaw ang ibibigay ko kung ang sa akin ay pundido? Anong init ng araw ang aking ibibigay kung ang aking kalooban ay mayroon ding unos?
Di pa rin ako kumukupas. Best actress pa rin ako,kagaya nang pinanalunan ko sa school play namin nang ako ay gumanap na baliw at sira-sirang mamamatay. (Natural kasi yon. hindi ang pagkamamatay..ang baliw noh.)
Naipakita ko sa kaniyang ako ay masaya. Ang halakhak namin ay naririnig hanggang nurses’ station.
Sabi ko sa kaniya, napagkamalan akong anak niya noong nars kaya nagreport sa akin ng kaniyang medical condition.
Sabi niya: But you are my daughter. May dementia ho siya minsan.Oh, you are not my daughter, but you are more of a daughter to me than....
Alam niya na may sakit din ang aking puso. Hindi siya tumanda nang walang pinagkatandaan. Mga mata lang daw ng tao ay magpapakita na nang sinasaloob.
Ito lang ang sinabi niya.
Ang pagsubok sa buhay ay parang kumukulong tubig.
Ilagay mo ang carrot na matigas, ito ay lalambot.
Ilagay mo ang itlog na babasagin, ito ay titigas.
Ilagay mo ang kape, ito ay hahalo sa tubig.
Alin ka doon?
Sa isip ko, ako ang itlog.
Kaya lang hindi boiled egg kung hindi malasado.
Ayaw kong masyadong matigas dahil baka mawalan ng puwang ang pagpapatawad ko sa mga taong itinuring kong kaibigan.
Gusto ko rin ng malasado para hindi masira ang aking tiyan at ako ay umutot. Mabaho ang utot dahil sa itlog.
Ano ba ang pinagsasabi ko. Itutuloy muna.
Salbahe itong pusa ko sa kaliwa. Gusto talagang magpatawa.
Have a nice weekend, folks.
The Ca t
5 Comments:
cath....
u mean to say nag mongha ka for 6mos? ang lufet moh manay. nasa jewish community ako ditoyen sa suburbs ng chicago. we also have a retirement home cum nursing home cum caring facilities in individual units. complete with concierge service, hair salon, a cinema, etc. so-- ikaw'y ba ay napapagkamalang anak, paminsan minsan. eh di papirmahin mo ng check pay to cash, at isubi mo kaagad. gusto ko ang iyong mga parabula..especially about the eggs. o hige...have a nice weekend too. we are leaving tomorrow morning for the flt to amsterdam then to malpensa. sana hindi puno ang plane. or else my wife will sit on the lap of the pilot n me will sit on the lap of the flt attendant. alam mo namang we are always chance pax being employee of the airlines. the two boys are already ahead of us. i will miss all the fun ng blog moh. ako..ma mimiss mo rin? hmmmmm!!
bon voyage. of course, mamiss ko ang comment mo dahil isa ka mga matiyagang maghintay sa aking comment box na lumabas nang napakatagal.
cath...
tuloy na kami ni sesmi ko. our flt leaves tomorrow 26 feb at 355pm to Amsterdam, then we will go to Malpensa. from there we are taking the Euro train to someplace else. we will meet the boys in Firenze. they already went ahead of us. paki bantayan naman ang blog ko manay.....i will miss you and all the samot samot na balita at mga storya. pero parbalik ko...i will give my comments..hmmmmmm!!!
Anak ng Tokwa! Ang lalim mo! *Bow* ako sa iyo!
salamat tatang retong,
sabi nila mababaw daw ako. isang choc nut, masaya na ang aking mundo.tralalala...
(background music ng psycho)
Post a Comment
<< Home