The Corporate Jungle Beckons-Part 3
Dear mouse,
Kinausap ako ng mga hayup sa kagubatan.
Nagsimula sa OWL. Siya yong tumawag. Inulit niya ang pinag-usapan namin.
Pinaghintay niya ako. Kakausapin daw ako ng LEON. (President/CEO).
Habang naghihinyay ay kinuha ko ang Annual Report na nakabuyangyang sa coffee table.
Uhmmmm babae ang Leon. so hindi ang aking pagkababae abg dahilan dahil pati ang Director sa Sales ay babae.
Uhmmm, my hyphen ang kaniyang last name.Interesting. May dahilan kaya ito na may hyphen, sa isip ko. Pati iyong isang exec na babae, pareho ng middle name niya.
Basa ulit. Uhhhhmmm, Chairman of the Board, pareho ng middle name ng LEON.
Ang pag-akyat sa corp. ladder ng babae ay minsan dahil sa pagpapakasal sa tamang lalaki o kaya pagkakapanganak sa tamang pamilya.
Puwera si C.Fiona ng HP.
Minsan may nabasa akong article tungkol sa isang successful na lady exec. kung paano siya naging successful. Nagtataka ako wala naman siyang masyadong achievements.
Kamala-mala ko, may nakapagbulong sa akin na kabit pala siya ng maimpluwensiyang heneral. Sa Pilipinas po ito.
Teka, hilahin ko muna ang sarili ko. Nawawala na naman ako.
Tatay niya siguro si Tserman kaya "nahirapan" siyang umusad siya sa corporate hierarchy of power. *naughty grin*.
Nice pearls.
Bati niya sa akin.
Tenk yu.sabi ko. Marunong siyang tumingin ng maganda.ahahay.
Bla,blah,blah.
Pinagamit muna sa akin ang lamesa na malapit sa daanan ng mga diyoses.Lamesa yon ng isang babaeng exec na kapangalan ng Leon kaya marahil pumasok siya kung gusto niya,kung ayaw ay maglakbay siya. Sarap ng buhay ng may kutsara na pilak.
Ang mga diyoses ay may sari-sariling lungga, samantalang ang mga karaniwang mortal ay nakukulong naman sa kani-kanilang mga sariling bakod na pinaghati-hati para hindi sila magkita-kita habang nagtatrabaho.
Aha ang kapihan,microwave at ref ay nasa isang sulok. Hindi puwedeng magbaon ng tinapa at iinit sa micro o kaya ng daeng. Pag hindi nagpulasan ang mga tao doon.
May internet lounge. hhehehe. Doon puwedeng maglunch. May libreng kape, tea at may I-MAc.
Hmmmmm, ang aol nila ay version pa nang kasalakuyang namamayagpag pa si Steve.(dating CEO ang AOL).
Puwedeng macheck ang aking
e-mail,blogsite.
Naupo na ako sa desk. Binuksan na ng Controller yong system gamit ang password niya.
Sus ginoo, nasaan ba sila nang pinagduduldulan ni Gates ang Durungawan na 2000,ME at XP.
Patawarin, sila ay nasa 98 pa.
Tagal pa magload. Parang gusto ko munang magshopping sa GAP na malapit lang sa amin para mapunuan ko yong gaps sa paghintay ng pagbukas ng 'pyuter.
Pero, nakangiti pa rin ako. Policy kasi raw doon ang maging friendly at palaging nakasmile.
Iniisip kom lagyan ng lock(parang si Sandra Bullock) ang aking ngiti para hindi mapawi.
Nabuksan rin.ngayon yong property management system naman nila.
Ekkk,jurassic pa.
Yon yong dos-based pa na mahirap magpalipat-lipat sa iba-ibang libro na hindi ka magiging fugitive kasi panay ang hit mo ng ESC button. Samantalang ang huling ginamit ko na sistema ay yong inimplement namin nang ako ay bago sa huling opisinang pinagtrabahuhan ko na dinusta-dusta ko rin ang sistema nilang matanda pa kay Mohamed.
Windows-based siya at puwede akong magpa deport ng data sa Excel o kaya mag-import pabalik sa system ng hindi na ako kailangang lumabas na may passport ehe password pala.
Kung minsan kasi ang mga boss sa kuwentahan ay matatanda na kaya takot silang gumamit ng makabagong sistema,kaya hindi sila nagrerekomenda ng upgrade o kaya magpalit ng ibang sytem ng pagkuwenta ng kinita ng kumpanya.
Ang kanilang printer ay dotmatrix.Ahhhhhhhhhh. Ang ingay niya ay parang rap. Pag nag-aberya, sira ang buong print-out mo. Sa katagalan pa puwede ka munang magkape ng kalahating dosena habang sinasabayan mong indak ang ingay ng printer. Ang printer ko sa bahay ay copier na,scanner pa at digicam chip developer pa. Doon sa dating opisina naman ay laser. Segundo lang ay may print -out ka na.
Kaya naman pala ang backlog nila ay November pa.
Hmmm, katapat ng aking desk ay ang lungga ni Pedro. Sunod siya kay Leon. Tangkad. Guwapo, m're. Palaging bati kay Cath. Hmmmm, hinhin ka lang, Day. Alalahanin mo ikaw lang ang nay-pi sa malaking organisasyon na yon na isa raw sa criteria ng pagkuha ay kailangang maganda ka. O di naloka kayo.
Kaya lang bakit, ganoon ang imbay ng kaniyang balakang. Magaya nga. Kaya lang baka kurutin ako. Tanungin ko kaya kung ano ang beauty secret niya.
Wala bang macho dito. Halos lahat yata ay kafatid ko sa federasyon.Pati yong Owl, mader din ang dating. Siyanga pala, sabi niya sa akin, bawal ang maong kahit na kasing ganda ng maong na suot ko. Kailangan ay business suit ang suot, palagi.
OO, kahit akong Consultant lang.
Aha magagamit ko na naman ang aking mga steam-pressed na pantalon. Doon kasi sa huli kong pinagtrabahuhan ay casual dressing lang.Casual as in shorts pag summer na sleeveless pa ang shirt ng mga Puti at Itim na mga empleyado. Inis ako. Noong una, hindi ko magawa, kasi galing din ako sa financial district noon na ang dress code ay talagang pangbusiness.
Pero noong tumagal, kesehodang pumasok ako nang nakatsinelas at nakaoversized shirt sa puruntong.Feeling ko mamalengke lang ako sa Divi.
Hanggang ipinatawag ako ng lady boss namin noon na ako raw ang ginawa niyang role model sa pananamit yon pala ako ang nahawa sa kanila. Sala sa lamig,salasa init.
Anyway , hiningi ko na ang chart of accounts. Ipiprint daw.Sabi ko hokey, I will take a break. Sa totoo lang sa tagal siguro kung may malapit lang na cinema,puwede pa akong magdouble.
Palagay ko tama na ang kumita ng sapat na pambili ng manok na madidildil kung sakasakali.
The Ca t
3 Comments:
Oh,Cathy! It was so hilarious, I can almost imagine you,standing in front of the copier,sipping coffee while tapping your feet,swaying your body, the sounds from the machine like a rap music to you.
I hope for your success in your job! Mz.beautiful:)
vow ako talaga sa imo...manay. ur the only one alive in this planet that cud meow meow in deep resonant voice. mataray ka ba talaga in person? meow ako sa 'yo....hmmmmmm!!!
butch,
bakit ano ba ang height mo ngayon? hekhekhek. kasi ako 5' 5" pagnakatapak sa bangko.
sachiko,
tenk yu. i was really dancing a little pag di nakatingin yong controller.
frat,
hindi ako mataray. mabait nga ako eh. tanungin mo man si Queen Elizabeth na tinarayan si Camella.
Post a Comment
<< Home