Sunday, March 06, 2005

Talaga, Tanaga ?

Dear mouse,

Ngayon ko lang nalaman na kung may haiku ang Hapon, tayo naman ay may tanaga. Talaga po. Upang malaman

kung anong klaseng tula ito, pumunta dito.

Si Jardine Davies at ang kaniyang mga kaibigang makata ang nag-anyaya na buhayin ang ganitong tulang sa kanilang pakiramdam ay nawawala na.

Ito po ang tulang alay ko sa anak ni titorolly sa kaniyang kaarawan, gamit ang tanaga. Talaga po.

Image hosted by Photobucket.com

munting anghel ka wari,

kaloob sa magulang.

pag-ibig na matindi

ang siyang dahilan.



Ang pagsulpot sa mundo,

ay hindi napigilan,

iyong amang nanggigil,

ina ay dinuhapang.



panggigil, di napigil,

isang gabing walang b’wan,

Saksi ay tikatik

ng bumuhos na ulan.



Ang laking tuwa nila,

Tila ba nagpiyesta,

Nang makita nila,

Sanggol na maganda.



Nang dahil sayo, tatay

ay naging mang-aawit.

Saiyong kunting ingit,

Siya ay bubunghalit.



karga karga, kanta ay,

Kahit walang boses, ay

Rock en roll at hip hop ay,

ginawa ring lulabay.



Tagapalit ng lampin,

Tagatimpla ng gatas,

Kahit gabing malalim,

Siya ay pupungas-pungas.



Napupuyat sa gabi,

Inaantok sa umaga,

Pati sa trabaho ay,

Namumungay ang mata.



Naging potograpo,

Nang ikaw ay lumalaki,

Panay kuha ng litrato,

Lalo pag ikaw ‘y ngumiti.



Habang lumalaki ka

Lalong napapamahal,

Mahal na daw ang gatas,

Pati ng mga laruan.



Libo libong di mabilang,

Nagastos mula pagsilang,

Kaya pag tinawag,

Anak naming mahal.



Maligayang pagsilang

sa mundong ibabaw,

Iyo ang birthday cake,

Kanino ang pulutan ?

The Ca t

12 Comments:

At 9:18 PM, Blogger rolly said...

CAth, maraming salamat. Ipapakita ko mamaya sa kanya pag dating namin sa bahay. Matutuwa yun.

 
At 10:35 PM, Anonymous Anonymous said...

talagang bilib na ako. buti ka pa, marunong ng haiku. ako muntik ng pulutin sa Haiku Patik sa atin, had it not been for this girl that i married! charingggg! hmmmmmmm!!!!

 
At 12:10 AM, Blogger Jdavies said...

Cat, hingi ako ng permiso sayo sa tanaga mo... i-popost ko sa tanaga blog ha?

 
At 4:34 AM, Anonymous Anonymous said...

HI! Si Mickey po ito! Maraming salamat po sa tulang ginawa nyo para saakin!

 
At 5:31 AM, Blogger cathy said...

titorolly,
tugtugan lang niya ako ng violin pagnagkita tayo.

frat,
di mo natatanong, ang aking lolo ay isang makatang kanin. maliit pa ako ay naririnig ko sila ng kaniyang mga kainuman na nag-uusap ng patula extemporaneously.

tapos may professor sa Rizal/Pilipino na taga Bulacan at siya ang nagturo sa amin ng mga
tulang Pilipino, pero di ko alam na
tanaga pala ang mga iyon.

dito sa Estet ay may nakilala naman akong magaling tumula.
pag siya ay inlove siya ay tumutula.ako pag gutom. yeyeye

 
At 5:34 AM, Blogger cathy said...

mickey,
pagbutihin mo lang ang iyong pagtugtog ng violin. pag laki mo baka cello naman ang iyong tugtugin. baka lumaki rin ang violin mo. biro lang.

kidding aside, one great person that became a part of my life was a doctor who played violin and cello during his free time.

 
At 5:38 AM, Blogger cathy said...

jardine,
feel free to post the poems in the tanaga site. salamat sainyong pagpanatili ng ating mga kultura at literaturang katutubo.

 
At 4:18 PM, Blogger batjay said...

wow Ate Ca T - ang galing ng ginawa mo. once again, ako'y iyong napahanga.

 
At 10:57 PM, Anonymous Anonymous said...

Ang Lufet

Ako'y merong Pet,
Pusang makulet.
Utak ay malufet,
it is walang sabet..

Hindi ko mawari,
Utak ng aking Pet.
siguro'y aking pet,
Mahilig sa p'akbet.

-mr nice ash

 
At 4:44 PM, Blogger Mec said...

grabe

am super impressed ati ket!!!!

ang haba ng tanaga mo!!!

 
At 6:37 AM, Anonymous Anonymous said...

hi...sori kng nagcommnt kmi...khit d mo kmi kla2.....sa 22o lng mganda ang tanaga mo!!! Sana mkagwa k pa!!!
hanggang d2....nlng
~grupo ng BaNaNa RePubLic~

 
At 3:24 AM, Anonymous Anonymous said...

wow may marami rin palang marunong gumawa ng tanaga. I share ko nga rin ito.

kukubli sa kawalan
kapag ikaw ay nariyan
kaba saki'y babalot
kung tayo'y mag-aabot

naduduwag masilayan
taglay mong kariktan
at ako'y mabalani
at iyong alipinin

pagkait mo 'yong himig
pagka't nakakikilig
ang iyong mga tinig
musika sa pandinig

kinang ng iyong mata'y
kislapay sa bituin
maningning na mabilog
maraming mahuhulog

wala ng gaganda pa
wala ng hihigit pa
wala ng tatalo pa
wala, kahit ni isa

itatago na lamang
itong damdamin sa'yo
aariin kong yaman
hanggang kailan man

ang puso mo na silo
ang kaba'y baka lilo
ang pag-ibig ko sa'yo
ang baka basagin mo

kukubli sa kawalan
kung ako'y puntahan
taglay mo na gayuma
talagang di ko kaya

this tanaga is for my friend AmelanNie cDrooxY

 

Post a Comment

<< Home