Is pers labs never dies and howcudu
Sa amin hong community blog ay may mga suggested topic upang pag-usapan. Ito ho ang napili ko na "suggestment ni Ate Sienna ng famous na "pansitan".
Dear mga kablogkada,
My pers labs died already. Take note, plural ang sinulat ni Ate Sienna, labs.
Per lab ko yong grade one. May hinala ako na sawa na ang aking Fader pagsundo at paghatid sa aking school kaya kinausap niya yong kaklase ko na anak ng kaniyang kumpare-na-hindi-ko naman-ninong-kahit-ng-mga-kapatid ko na isabay ako pagpasok.
Masaya kami pag pumasok, kuwentuhan at biruan. Pag walang iskul, tambay siya sa bahay. Grade one, pa lang tulungan na kami ng asayngment.
Tuwang-tuwa ang aming mga magulang pag nakita kaming magkasama at sinabing paglaki namin, ipakakasal kami. Mga kunsintidor.
Kaso, nagkahiwalay kami nang kami ay lumipat na ng tirahan at iskuwela.
Tapos, mayroon sanang "remake" ang aming love story nang lumaki kami,kaso hindi siya lumaki. Bansot siya noong maging dalagita at binatilyo na kami. Bwahahaha.
May selosan pa noon kahit bata pa. May malisya na talaga. May tampuhan pa. Pag duma- rating kasi siya nagtatago ako at ayaw kong kausapin. Hitsura ang bibig ni Angelina Jolie sa aking pagmarakolyo. Kornikono ? Hindi ako nageselos, noh. Ayaw ko lang siyang magpartner sa sayaw sa ibang goirls.
Second lab ko grade tri. O di ba, may pagitan namang isang year.
Kaklase ko siya. Siya ang candidate sa pagkavaledictorian. Ako naman candidate sa pinakamaraming tawag sa guidance counsellor's office.
Maginoo siyang kumilos. Malapit siya sa kaklase kong si Mae, isang mestisang 'Merkana.
Maganda, maputi at mahinhin.
Call it puppy lab, pero gusto ko siyang mapansin ako.Hindi ko na hinihiram ang shirt ng aking kuyakoy. Nagsimula na rin akong magpulbos.Makapal. Sabi ng kuyakoy, parang nasubsob ako sa abo.Nag-aaral na rin ako.
Sabi ni fader, baka raw naabduct ng alien ang kaniyang anak at ako ang ipinalit.
1 Comments:
ate Ca T.
i just moved your post temporarily at blogkadahan.com to prepare for our site's launch. i will return your entry when we start the 2nd topic, which is of course entitled: "Is pers labs never dies and howcudu"
Post a Comment
<< Home