Thursday, March 03, 2005

Absentminded or your mind is absent?

Dear mouse,

I was writin'down a phone number when the phone rang.

Ring : Don't hung up, I got an important message...

Tanggalenok naman, automated telemarketer.

Now, where's the pen? You know, the pen I was using when the phone suddenly gave me a jolt.

Wala sa table, wala sa upuan, wala sa sahig at wala sa aking bulsa.

Tinamaan ng isang libong matsing na nagkahatsing-hatsing. Ano ba, saan ba kita inilagay.

So I went to my bathroom to have my ritual for the night. And there it is. Noooo, the pen was not transported magically to the toilet sink. It was in my hair.Nakaipit. When I am in the house, I put my hair up with a big clip. I found out that the nest-like mass of hair on top of my head can hold one bar of choc,or two markers, one red, one blue and two pairs of eyeglasses.

But this is not about hairy stories. This is about absentmindedness.

You see, when I picked up the phone, I forgot what I did with the pen. Does that happen to you too? Nangdamay pa.

I remember the story of a friend. Sa Tagalog po and pardon for the obscene language.

The lady who just got off from the bus was greeted by a concerned young man.

The young man :Ale, yong dibdib ninyo naka-expose.

The Ale: Ay salamat iho. Pu@#$%^&na naiwan ko sa bus yong baby kong pinasuso. Mama , hinto mo ang bus...

Opps saka ko na ituloy ang kwento, kasi Friday pala ngayon..ay Thursday pala. may appointment ako. Huwebes nga ba yon ? Ano nga bang appointment ko ? Matingnan ko nga ang kalendaryo. Sus ginoo, 2004 po pala ito.

Sandali maituloy nga ang niwawrite. Sandali nasaan ba ako. sa blogkadahan ba,pinay o sa choice. Definetely, hindi ako sa choicecat, tagaleg ako magsulat eh.

Next, tips for enhancing memory. Pag di ko nakalimutan.Makapaligo na nga. Sandali di ba naligo na ako.

Have a nice day folks.

Remember, ang hindi lumingon sa pinanggalingan, may nakakalimutan.

The Ca t

4 Comments:

At 9:40 PM, Blogger Mec said...

mali ka

mali ka

ang taong nde makalingon sa pinanggalingan


may stiff neck!!!

 
At 4:00 AM, Blogger rolly said...

eto kelan lang nangyari sa kin. Papasok na kaming mag-aama sa eskwela. Hindi ko makita-kita yung salamin ko. Halos magwala na ko kasi talagang mahihirapan akong magtrabaho pag wala yung salamin. Kaso talagang hindi ko makita e male-late na kami kaya iniwan ko na rin. Pag-uwi sa bahay nang tinanggal ko na yung plo barong ko, ang salamin, nakasabit sa sando ko.

 
At 4:27 AM, Blogger Apol said...

ako naman dati nung nakikipanood pa kami ng tv sa kapitbahay. nung pauwi na ako hanap ako ng hanap sa tsinelas ko, nawawala kasi yung kapareha. kamukat mukat mo hawak ko lang pala. hehe!

 
At 5:15 AM, Blogger cathy said...

mec,
mali kadyan. ang hindi lumingon sa pinaggalingan,may tinatakbuhan.

titorolly,

ako madalas ang salamin ko nasa ulo ko. Malabo kasi ang pag-iisip ko. hekhekhek

Apol,
paano na lang kung sapatos ang nawala, bigat noon. dala-dala mo pa rin?

 

Post a Comment

<< Home