Saturday, May 07, 2005

Maid-TO-Order MOM

Dear mouse,

When my friend asked my help for paperworks to petition her mom, the first question, I asked her is “ you want her to take care of your kids?”

She said no." I want her to come and work so she will have a money of her own."

The next lady who requested me to help her too was frank enough to tell me that she needed somebody to take care of her baby. She was a single parent.

Months ago, instead of taking the train going home, I took a longer route, the regular bus. I did not even take the express; I took the regular which takes and drops off passengers in all bus stops. I want to observe people.

She must be over sixty but she looked younger.

Here in the US, senior citizens are given the right to take the front seats in the bus. The young Chinese students occupying the whole seat in one side of the bus ignored this right.With two kids in tow, her hands were full holding the kids and balancing her 5'foot-frame by setting her feet apart trying to be not thrown off every time the bus makes sudden stops.

I smiled at her. She smiled back.

At last, when the unruly students got off the bus, we were able to take the seats. Sabi niya. " Hirap pala amg buhay dito sa States."

I nodded in agreement although, looking at her, I knew that she was not a 9-5 corporate slave nor a 12-hour stay-out caregiver.

"Kung alam ko lang na magiging katulong lang ako sa bahay ng anak ko, sana hindi na ako pumunta dito."

Being the nosey Ca t, that I am, I asked her, " Hindi ba ninyo alam na mag-aalaga kayo ng mga apo ninyo?"

"Alam ko pero hindi ko alam na pagsisilbihan ko sila, pagluto, paglaba, paghatid ng mga bata." sagot niya. May pait ang kaniyang boses.

"Kinausap ba ninyo ang anak ninyo ? " pakialamera ko talaga.

"Paano ko makakausap yon, dalawa ang trabaho.

Pag walang trabaho naman, tulog o kaya punta sila sa casino ng kaniyang asawa. To unwind daw sa mabigat nilang trabaho."

"Ilan taon na ba kayo dito ?" Patuloy ko pang pakikialam.

"Mahigit isang taon na at alam ko lang puntahan, iskwela ng mga apo ko at ang simbahan pag Linggo."

Ibig bang sabihin niyan, gusto na ninyong umuwi sa Pilipinas? sobra na ako. *batok sa sarili*

"Alam mo iha, gusto kong makatulong sa aking anak. Gusto kong makalaro ang aking mga apo. Pero gusto ko yong na-eenjoy ko lang ang apo ko at hindi ako stressed sa pag-asikaso sa kanila. Hindi lang naman sila ang apo ko. May apo rin ako sa Pilipinas na kung tutuusin, mas kailangan pa ang tulong ko."

"Akala ko tapos na ako sa responsibilidad na yan nang mapatapos ko ang aking mga anak. Bakit ibinalik na naman nila ako sa ganong kalagayan?".

"Para akong nag-iisa. Pag-alis nila, inaasikaso ko ang bahay, ang mga bata at sa gabi ay pagod na ako para manood ng television".

"Sinubok ba ninyong makipagkaibigan sa mga kaedad ninyo sa simbahan. Mayroon diyang mga makakasama ninyo sa pamamasyal, sa sayawan, sa panonood ng sine."

"Ayaw ng aking anak. Baka raw makakilala ako ng lalaking manloloko sa akin."

Napatawa ako. Matindi rin naman ang anak ninyo pero hindi ko siya kilala. Kung gusto ho ninyong may makausap, eto ho ang aking telepono."

Inimbita niya ako sa bahay nila. Ipinakilala sa anak na babae.

Ang lakas ng halakhak niya sa mga kwento ko.

Parang mader ko. Tagahanga sa aking pagkakwela.

Bago ako umalis, kinausap ako ng kanyang anak. Ngayon lang daw niya narinig humalakhak ang kaniyang ina. Napapansin daw niya malungkot ito mula nang dumating sa Pinas.

Sabi ko sa kanya, iba-iba ang pagtingin sa kaligayahan. Siguro kailangan ng anak na kausapin ang ina kung ano ang kanyang nais. At ang nais nito ay kailangang mapagbigyan. Ina rin siya at darating ang panahon na mapupunta rin siya kalagayan ng kaniyang ina. Ngayon pa lang simulan na niya ang pag-unawa sa mga pangangailangan ng mga inang dumarating sa edad na yaon.

Kahapon ay tumawag ang matandang babae. Happy Mother's Day daw. Natawa ako. Sabi ko Father's Day ho ang siniselebrate ko. hakhakhak.

Pag Sabado raw ay inihahatid siya ng kaniyang anak sa isang Senior Citizen's center. May libre raw meryenda at may sayawan. Sabi ko alam ko kasi tumulong ako pag-ayos ng libro nito.

Tinukso ko. Pag may nanligaw sainyong senior citizen din huwag sagutin ng oo pag hindi kamukha ni Brad Pitt. Sabihin kaagad sa akin at iimbestigahan ko kung ilang babae ang binobola niya.

Humalakhak ulit siya.Sabi ko Happy Mother's Day.

The Ca t

11 Comments:

At 4:59 PM, Anonymous Anonymous said...

Miss Ca t, ganiyan din ang kalagayan ng mga matatanda dito, pero hindi ko lang alam kung nagrereklamo sila, or kung may hinanakit sila tulad ng sa kuwento mo. Naririnig ko namang side ang mga kuwento ng anak nila. :)

 
At 7:18 PM, Blogger Cerridwen said...

your good deed goes a long long way Ca T... simple gesture that means a lot to others... you do have a big heart...

 
At 7:55 PM, Anonymous Anonymous said...

ayoko na kay Brad. Sabi ko 'wag nyang sasaktan si jEnnifer pero wala pa rin...

Buti na lang di kami nagkatuluyan, hekhekhek!

 
At 12:38 AM, Anonymous Anonymous said...

naalala ko tuloy mama ko sa post mo. i live with my parents now and they've been a great help since i left my ex. i try not to abuse her kindness because my kids are not her responsibility.

this really happens cath. even here in the phils.

 
At 10:32 AM, Blogger infraternam meam said...

in every person, in every heart, in everything that a person is...there is always AN ANGEL INSTINCT in each and everyone of us. this is the very reason WE, as creature created from the DIVINE manifest those ANGELIC ATTRIBUTES. these then, when manifested, eases up the FEELINGS iniside US. this is the very reason also that the HEART becomes anew, and become more stronger than ever. that is the very reason also the word LOVE when reversed becomes EVOL in Latin, it means to circulate, to go around, to be handed and to be given freely. pakialaramera ka nga, mapanghimasok...dahil isa kang ANGHEL na pakialamera, mapanghimasok, na may PUSONG PULA, hindi ITIM na simbolo ng kasakiman. I LOVE YOU FOR WHAT YOU DID.you now have the foundation of a FUTURE MOTHER.

 
At 11:06 AM, Blogger cathy said...

angela,
Just like a coin,there are always two sides of the story.

You cannot see both sides at the same time if you are not going to use a mirror.

So when I buy a soda from a vending machine, I use the paper bill. may sukli.

oops...walang relasyon anoh?

 
At 11:10 AM, Blogger cathy said...

g,
in tagalog , that is a simple pakikialam and that's me.
Somehow I realize that the root of the problem of domestic squablle is lack of communication.

and sometimes, there is a need for an outside party to make it possible with less tears and heartaches.

 
At 11:10 AM, Blogger cathy said...

inaski,
ingat ka, may karibal tayo kay brad, si Sassy. hekhekhek

 
At 11:13 AM, Blogger cathy said...

mari,
iba diyan dahil may makakausap ang mga old people pag sila malungkot. Dito talaga wala.
Masyadong srcurity conscious ang mga tao kaya kahit kaptbahay, di kakilala.

old folks do not know how to commute kaya limited ang mibility nila.

The upside of asking their help is to make them feel that they are still needed and useful despite their age.

 
At 11:16 AM, Blogger cathy said...

frat,
ang akala ko blue ang aking puso. royal blood baga.
tenks sa mga papuri. umiiling itong angel ko sa shoulder ko.
sampalin ko kaya?? oops.

 
At 2:50 PM, Blogger kayli said...

nice post cathy! that is the sad state of the elderly if they will not prepare financially for their children and most for their apos. with my case, my husband and me made it sure that we have financial stability for us to help and not us being helped.

Luchie

 

Post a Comment

<< Home