Friday, May 06, 2005

Mga Salawikaing Lipas na

Dear mouse,

Sa pagbabago ng panahon, marami ng salawikain at sawikain ang hindi na naangkop sa ating pamumuhay.Tulad ng mga sumusunod:

Sawikain 1

Isang kahig, isang tuka- ito ay nagpapatungkol sa mahihirap.

Ang tama: Maraming kahig, bago tumuka.

Bagong sawikain dapat maisama

Isang kahig, maraming tuka=para sa mga corrupt na opisyales.

Wala ng kahig-tuka pa ng tuka-para sa maraming nakurakot.

  • Salawikain: Kung may itinanim, may aanihin.
  • Salawikain para sa CAP at PACIFIC Planholders

    Kapag may itinanim, kailangan pang habulin.

  • Salawikain: Kalimitan ang isda ay nahuhuli sa bunganga.
  • Salawikain para sa mga mister na may kabit.

    Kalimitan ang isda ay nahuhuli sa text sa cellphone.

  • Salawikain: Damit na hiniram mo lamang, Kung hindi masikip ay maluwang.
  • Bagong salawikain: Damit na binili sa ukay-ukay, Kung hindi masikip ay maluwang.

  • Salawikain: Baboy ba gagala-gala, Lama't taba ay masama.
  • Bagong salawikain:Baboy ba gagala-gala, Nagiging pulutan bigla.

  • Salawikain:Ang babaing palaingos, Kadalasa'y haliparot.
  • Bagong salawikain:Ang babaing palaingos, Kadalasa'y bagong noselift.

  • Salawikain:Ang taong nauuntog ng madalas ay natututong yumuko at mag-ingat.
  • Bagong salawikain:Ang taong nauuntog ng madalas ay maraming bukol.

  • Salawikain:Pag wala ang pusa, magulo ang daga.
  • Bagong salawikain:Pag wala ang pusa (The Ca t), hindi makapagblog si daga. (Dear mouse).hehhehe.

    Image hosted by Photobucket.com

    The Ca t

    1 Comments:

    At 4:40 PM, Anonymous Anonymous said...

    A

     

    Post a Comment

    << Home