MGA WALANG K
Dear mouse,
Kung napapansin ninyong masipag akong magblog ngayon, ito ay dahil down ako ng flu.
Ang flu strain namang tumama sa akin ay hindi iyong mataas ang lagnat kung hindi yong nanghihina lang, kaya nga marami akong blog eh. Labo noh ?
Walang K means, walang karapatan, walang kakayahan or wala kang taglay na katalinuhan para isagawa ang isang bagay.
Sa akin ang walang K ay ang mga sumusunod.
Walang Kaalam-alam
Si Arnold (Terminator)Swasss(whatever) ay nagsabi na isara ang borders para hindi makapasok ang mga illegal immigrants particularly the Hispanics.Kung inalam lang sana niya na ang California kung saan siya gobernador ay populated ng more than 80 per cent immigrants karamihan galing sa Spanish speaking countries disin sana’y hindi humingi ng dispensa ang kanyang spokesperson na kagaya ni Bunye ay parang “wite-out” na taga correct ng mga statements ng kanilang boss kung alam nilang hindi maganda ang dating sa mga publiko.
Ngayon ay humingi siya ng dispensa. May nakapagsabi sa kanya na maraming botante ngayon ay mga Hispanic.
Ganoon din ang nangyari kay Abat at ang Coalation for “Salvation kuno” na balak magtayo ng revolutionary government.
Ang mga grupong Anti-Gloria at Pro-Erap ay nagbibigay ng senaryo na masyadong eksaherado na sa katagalan ay sila rin ang naniwala.
Tama ang boserbasyon ni Sassy sa article niyang ang Misleading and Misguided Surveys na may kinalaman ito sa balak na pagpapataob ng gobyerno ni Arroyo.
Pero dapat marealize nila na ang survey ay hindi ang pulso ng bayan.Magiging pulso lang ito kung ang survey ay hindi binayaran ng mga personalidad na mabibigyan ng pabor ng resulta at hindi lang isang libo ang kukunin nilang respondents.
Marahil ang malakas na panlaban ni Presidente Gloria ay ang pagiging hands-on president---nandoon siya sa mga lugar na dapat siyang maretrato at alam niyang alagaan ang militar. Di ba nga maraming recyled na mga retired military officers?
Anong Art of War, Art of War ang mga pinag- aaralan nila?
Walang Katotohanan
There are several concerts of Filipino talents being held in the United States at ticket prices ranging from 30 dollars to 150.Okay lang sa mga fans who are dying to see and hear their idols. Ang siste ay ang misleading promos of these concerts as press releases or TV ads.
One such concert was Nora Aunor and Tirso Cruz III Together Again KUNO.
May nakapagsabi sa akin na hindi naman concert ng dalawa kung hindi special guest lang si Tirso Cruz. Harang di ba?
Where is truth in advertising.
Walang Kabuhay-buhay
Kailangan baguhin ng The Buzz ang strokes nito na pacontroversial controversial daw ang dating pero wala naman pala.Para bang whistle bomb na panay lang whistle ,wala namang bomb.
Halata pang trying hard pero talaga namang promo lang ng mga movies ang mga walang kabuhay-buhay na may iyakan blues pa kuno.
Kainis
The Ca t
1 Comments:
cath...mayroong kang FLU? buti you can pound ur computer. i got ill also for the past four days. my Neuralgia is on the loose again. I have to see the Neurologist this PM. get well soon BaBy Doll!!!
Ano kamo, Tirso Cruz III and Nora Aunor. mga gurang na yon. buti na lang hindi kumanta! kumanta bah??
si Manang Gloria, sino bang Prez sa atin ang hindi kinabubwisitan ng madla. the only one that i know, when i was in grade 6 is Pres. Magsaysay (My Guy slogan)natepok naman. kasi the problem in pinas, when a prez is elected, the first thing the SenaTong and the TongGressman will do is say many bad things about the pres.
What is the moral of the story..."Talagang mga walang K"
p.s. talagang ang lufet pumasok sa balay mo manay. pero i am very patient. hmmmmmmm!!!!
Post a Comment
<< Home